“It is called Sanji Island. Diyan tayo pupunta,” tugon ni Hisoka. “Talaga? You mean may restaurant diyan? Beach resort ba iyan? Teka, parte rin ba iyan ng Palawan?” excited na pinagpalipat-lipat niya ang tingin sa isla at sa mukha nito. “No. It’s not a beach resort. Wala ding restaurant diyan. At malayo iyan sa Palawan. It is a private island.” “Talaga? Wow! Kaninong island iyan?” “Mine,” kaswal na kaswal ang tonong tugon nito. Tila ba isang simpleng wristwatch lang ang tinutukoy nitong pag-aari nito. At hindi isang buong isla. Nanlalaki ang mga matang napatitig siya dito. Hindi ba ito nagbibiro? May sariling isla ito? Batid niyang mayaman ito hindi lang dahil nagmula sa mayayamang angkan ang mga magulang nito. Kung hindi dahil sa sa

