CHAPTER 1

1741 Words
Magkadaop ang palad ko habang kinakabahang hinihintay si Sir sa pagbasa ng leave form ko. Habang nagbabasa siya'y pakunot ng pakunot ang noo niya. “1 week leave, Arth?” Dahan-dahan akong tumango. “Yes po sir.” “Reason stated is fangirling reason?” Muli akong tumango habang sinusupil ang ngiti. Wala akong ibang maisip na rason. Baka kung sabihin kong mag-a-out of the country ako o magpapa-admit sa hospital dahil sa gawa-gawa kong sakit, e magulat silang makita ako sa show kapag umere ito. Gusto ko rin maging honest at malaman kung gaano ka-open si Sir sa mga ganitong bagay. Bata pa rin naman si Sir eh. 30+ pa lang siya. “Are you serious, Delartheece? Do you expect me to accept this?” Walang ano-ano'y lumuhod agad ako. “What, Delartheece!” Napatayo siya dahil sa ginawa ko. “Sir, sige na po please. Leave without pay naman po iyan. Sir please, sir,” pagsusumamo ko pa. “Sino bang artista 'to?” tanong niya habang hawak-hawak pa rin ang form ko. Lumabas na rin siya sa mesa at mismong nasa harap ko na. “Tumayo ka nga riyan.” Iminuwestra niya pa ang kamay. Tumayo naman ako pinagpagan ang tuhod. “Si Brace Angeles po. Kilala niyo po ba siya?” Muli niyang pinasadahan ng tingin ang form. “Hmm.” Bahagya pa siyang tumango. “Oo naman po, sino ba namang hindi nakakakilala sa kanya. Diba sir?” Ako na ang sumagot sa sarili kong tanong para sa kanya. Sumandal siya sa mesa at pinagkrus ang braso habang ang isang kamay nakakamot sa kilay niya. Alam kong sakit ako ng ulo ni Sir ngayon dahil hindi naman talaga katanggap-tanggap ang rason ko. Tiningnan niya ako na tila hindi makapaniwala sa sitwasyon. “Bakit, may concert ba siya abroad? Anong ganap niya?” Teka, ba't biglang naging interesado. Angels din ba si Sir? “May show po, dito lang din.” “And what will you do for 1 week for him?” Napangiti ako nang malapad. “Secret po Sir.” Napataas ang kilay niya. Tumayo siya nang maayos at may hinanap sa mesa niya. Nang makita iyon ay iniabot niya sa akin. “Do the design for this new edition of Diamond, and after your leave, you should have a detailed interview from Brace. Ife-feature natin siya diyan sa magazine for his 15th anniversary in the industry.” Nanlaki ang mata ko sa mga narinig ko kay Sir at nagkahalo-halo na ang nararamdaman ko. Una, inis dahil tinambakan niya ako ng trabaho. Pangalawa, doubt dahil hindi ako sigurado kong makakakuha ako ng exclusive interview kay Brace. Pangatlo, gulat dahil alam niyang 15th anniversary ni Brace. “Sir, paano kung hindi ako makakakuha ng interview kay Brace?” “Then consider this leave form as your resignation letter.” Iwinagayway niya pa ang papel sa harap ko saka bumalik sa pagkakaupo sa office chair niya. “Sir naman, graphic artist po ako. Wala po sa job description ko ang mag-interview.” “But if there is any circumstance that the employee can take the job of another's absence, the employee must do it. Hindi mo ba nabasa iyan sa kontrata?” Sandali akong hindi nakaimik. Tama naman. “I cannot take the job naman po talaga. I don't know if I will be sane enough to do the interview kung nasa harapan ko na siya, up close at makakausap ko pa siya.” “I understand you Delartheece but you can stop fangirling and be professional on the interview.” Stop fangirling? It's not that easy Sir! Para mo na ring sinabing I will stop living. Geez. Parang kaya ko pang i-give up ang trabaho ko rito sa pinangarap kong kompanya kaysa tumigil sa pagiging Angels. “E kung gano'n po Sir, then I would just request for a leave with pay since I have something to accomplish.” In fangirlinism, kahit hindi na ako mabayaran, makausap ko lang at makapag-picture kay Brace okay na ako. Sobra-sobra pa 'yon sa sahod na matatanggap ko. But economically, I need the money if I were to stop fangirling and be professional in front of him. “Of course, that's how it is,” Sir answered nonchalantly. “Pero paano po sir kung hindi ko talaga siya ma-interview?” “I don't want to repeat myself, Delartheece.” “Sir...” Ito na ang mga pagkakataong ginagamitan ng puppy eyes pero hindi talaga tumalab kay sir. Pinagtabuyan pa ako. Laglag ang balikat ko habang palabas ng opisina. Pinayagan nga ako, hindi naman sigurado kung makakabalik pa ako rito o hindi na. Bubuksan ko na sana ang pinto nang may nakalimutan akong itanong. “Ay Sir, paano niyo po nalamang 15th year na ni Brace?” ngiting-ngitI ko pang tanong. “He's literally everywhere Delartheece, and like everyone talks about him. Kahit hindi ka fan, malalaman mo kung ano ng ganap niya, ” aniya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil abala na sa nililista. “Aw, akala ko po Angels din kayo.” “No, my daughter and my wife are.” Na-excite ako sa narinig kaya naglakad ako pabalik sa mesa ni sir. “Talaga sir? Ano pong IG nila? Para maka-bonding —” “Go back to your work Delartheece, do the Diamond.” Kaya hindi pa man ako nakakalapit ay about face na agad ako. Seryoso na kasi si Sir. Si Sir kasi vibes naman naming lahat pero kapag nagseryoso na siya, sobrang intimidating na. Diamond, ang isa sa mga magazine namin na once a year lang pina-publish. As the name suggests, Diamond is a special magazine edition of Advance Publishing Company. It is rare also for artists to be featured there. May iba ngang artista na ang team na nila mismo ang tumatawag sa amin for them to be featured, like for their birthday special. But Advance only chooses those who are role models. At na-establish na rin ito sa mga tao na once ang artista ay lumabas sa Diamond. Genuine talaga ang artistang iyon, no issues and has a good reputation. And the celebrities who offer huge amount of money to be there is a big no no. And Brace really deserve it to be there! I think kung ma-interview ko siya, it will be his second time. Noong una, wala pa ako sa Advance no'n. Kaya gano'n nalang din ang kumpyansa ni Sir na makakakuha ako ng interview kay Brace. Ang poproblemahin ko nalang kung talaga bang ma-me-meet ko siya sa show at makapag set ng oras for the interview. Kadalasan kasi ang mga talents hindi nila kasabay mag-shoot ang mga artists, dahil hindi ma-align ang availability ng artista kaya inuuna na ang mga talents o ibang casts. Bumalik na ako sa cubicle ko at in-on ang computer. Naramdaman ko si Axel, editor na nasa likuran kong cubicle, sa likod na lumapit habang nakaupo pa sa swivel chair. “Kamusta, approve ba?” aniya. Nilingon ko siya at ngumiti nang malapad. “Oo,” sagot ko. “Hindi ka yata masaya?” Tinuro ko ang bibig na ngiting-ngiti. “Hende pe be eke meseye se legey nete?” “Hindi. Wala pa namang masaya na parang na-stroke.” Bumuntong-hininga ako at nilaglag ang balikat. Kinwento ko sa kanya ang sentimyento ko. Pero sa huli, wala rin akong nakuhang lakas ng loob mula sa kanya. “Kaya mo 'yan. PM mo nalang ako kung may picture ka na kasama si Brace para mapusuan ko.” Walang kwenta talaga. Hmp! Pero kahit ganyan lang si Axel, siya ang isa sa mga nasasandalan ko rito sa trabaho. Minsan pa nga kaming na-issue na kami. Minsan naman sinasakyan namin, pero aware kaming 'di namin type ang isa't-isa. I took a glance on my wristwatch. Alas dos na ng hapon. Mayroon nalang ako hanggang bukas para gawin itong sa Diamond. Lunes na ngayon at sa Miyerkules na ako pinapa-report ni Sir Ten kasama na rin siguro' yong dalawa pang Angels. Alam naman ni Sir na hindi dapat minamadali ang lay-out nitong Diamond lalo na't new edition kaya malamang pag-iisipan pa. But Sir is so confident cause he knew I can do it, because humbly speaking, I am an ace in graphic designing. I stretched and cracked my fingers, tilted my head side to side. I can do this! I will think of this as my legacy dahil baka ito na ang huli kong produkto rito sa Advance. Tatlong oras ang nakalipas, tumayo at nagtimpla ng kape sa kitchenette. Dahan-dahan na ring nagsisiuwian ang mga kasama ko, kahit si Axel. “Overtime ka, Arth? Bukas na naman iyan,” aniya habang nagsusukbit ng bag at ako nama'y pabalik sa mesa ko bitbit ang kape. “Sige mauna ka na, para polishing nalang ako bukas. Ayaw ko ma-stress bukas para fresh face naman ako kinabukasan sa pupuntahan ko.” Napailing-iling siya. “Is there any forbidden and hidden love existing between you and Brace? Bakit ba napaka-confidential ng leave mo na 'yan?” “Hay nako Axel, magugulat ka nalang ikakasal na ako.” He sneered. “Hindi ka pa nga tulog pero nanaginip ka na.” Ginulo niya pa ang buhok ko! “Axel!—” “Anyway bye! Hindi kita masasamahan sa pag-OT ngayon. May date pa ako!” aniya at tumakbo na palabas. Date his ass. He's also dreaming. If I know, Mama niya lang ang ka-date niya. Certified Mama's boy 'yon. Kaya hindi rin nakakahanap ng jowa eh. I flipped my bob-cut hair. “Hmp!” Muli na akong sumabak sa trabaho. Habang nagtatrabaho ay tumunog ang notif ko sa IG. Kulang nalang ay mapatalon ako sa upuan. Live si Brace! Agad ko iyong pinanood. Nasa sasakyan siya, susunduin yata ako — I mean pauwi na yata siya. Whatever. I tap hearts as many and as fast as I can. Ang gwapo niya talaga! Pinopromote niya ang show kung saan siya nag-guest na ie-ere na bukas. 'Sure Brace! We'll definitely watch it!' komento ko. And as usual ayun, dumaan lang ang comment ko na parang hangin. Kailan ba ako napansin nito? Kada concert niya napakamahal ng ticket na binibili ko para lang malapit sa stage. Kada meet and greet niya, isa ako sa mga malas na cut-off-an ng time or slot. I'm his active fangirl for 13 years and I never saw him up close even once. Will I ever get the chance? --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD