CHAPTER 5

1659 Words
Nasa gate pa lang kami pero ang lakas ng t***k ng puso ko habang papasok kami sa bahay nina Brace. Normal lang ba itong puso ko? Parang ang OA ko naman kabahan. Kung gan'tong kaba pa lang nararamdaman ko na makilala ang parents niya, paano nalang kung talagang makakausap ko na siya? Maya-maya'y bumukas na ang pinto at isang ginang ang lumabas. I think it's her Mom according to her facial features. I never saw his parents kasi nandito sila. Wala ring naipo-post na pictures si Brace ng pamilya niya. He keeps his family in private. Naunang bumati si Ayan. “Magandang gabi po.” Sumunod naman kami. “Ay nandito na pala sila, halikayo pasok,” masayang bati niya rin sa amin. She's smiling so brightly and we felt so welcomed. Hindi gaanong kalakihan ang bahay nila. I think mas malaki pa ang amin. But it's all neat and industrialized ang design. The theme of their house is a combination of nude color and dark brown. With Brace's income, it's possible for him to build a mansion but I think they just chose to renovate their old house. Pinaupo kami sa sofa sa sala at nakapalibot sa amin ang camera. Todo sunod naman ang lightning men sa amin. Direk is also behind the main camera. And I think his family is already briefed on what to do. Binati rin namin ang sunod-sunod na umupo sa sala. “Ikaw po ang mother ni Brace?” Hindi na yata nakapagpigil si Ayan. “Yes, I'm Brace's mother and this is his father, Dison Meinrich.” Half-american ang father ni Brace at halatang-halata ang pagka-mestiso niya. Pinay ang lola niya sa father's side at amerikano ang lolo. Kaya half-american, and Brace is one-fourth maybe. Kapag talaga half-pinoy and half-any other nationality, ang gaganda't gwapo talaga ng mga anak. Like Brace, kahit saang anggulo ang gwapo! Nag-wacky na't lahat ang gwapo pa rin. Makakapagmura ka nalang sa kagwapuhan. “Good evening, thank you for coming here, for visiting our province. And thank you for loving and supporting David,” sabi ng father niya. “Noong matanggap namin ang message galing kay Manager Rod, na-excite kami. Wala namang dahilan para tanggihan namin kayo. Kayo ang nagmamahal sa anak naming si David Brace. Kayo ang dahilan kaya nasa industriya pa rin siya,” maluha-luhang wika ng Mama niya. It's not that dramatic, but I couldn't help but shed tears too. Ayan and Pristine naman, alam kong naiiyak pero at least napigilan. Bakit ako talagang naluha? Ang hirap tumanda, nagiging emotional. “At oo nga pala, ito si Brianna, kapatid niya.” “Hello po,” nahihiyang bati niya. “Now we know po, where Brace got his good looks,” komento pa ni Pristine. Ako naman, hindi naman naka-off ang mic ko. It's just that I'm so amazed with the situation that we got to talk with Brace's family. It's so surreal for me as a 13-year-old fan. I never thought that this moment would come true. Mahaba-haba pa ang napag-usapan namin hanggang sa mag-aya silang doon na mag-dinner. Tumanggi si direk noong una dahil baka perwisyo na at ang dami pa namin. Dalawang van kami kasama ang mga staff at stylist. Kasa-kasama pa rin namin si Sir Ten dito. Pero hindi na rin matanggihan dahil pinaghandaan nila ang pagbisita naming ito. Feeling tuloy namin napaka-espesyal kami. Masaya kaming nag-uusap at sa kalagitnaan ng kainan ay may naisip akong itanong. “Ma'am, Brace is already 32. Does he have plans of getting married?” “Ay iyan din ang pinoproblema namin sa kanya, parang walang balak mag-asawa. Eh okay na rin naman kami. Si Brianna patapos na rin ng kolehiyo. Wala na siyang kailangan pang lingunin pa.” “Wala pa po ba siyang may naipakilalang girlfriend niya?” singit ni Ayan. “Wala pa nga eh.” “Eh 'yong dati pong girlfriend niyang si Erin?” Erin is a model with a not so good reputation. She was completely bashed by some Angels because she didn't deserve Brace. She has an issue before she became Brace' s girlfriend that she was dating the owner of the brand she was endorsing. Nothing's wrong with dating the owner, if that is... he's not married. But heck, that guy is married. Hindi na na-clear up ang issue kung alam niya bang kasal ang lalaki o pati rin siya naloko. I also don't like her for Brace. But if Brace really loves her, then I will just support them. I don't want Brace to grow old all alone. “Ah si Erin. Kinikwento niya sa amin...” “He was supposed to introduce her to us, but I think you know the issue,” his father continued the story. They broke up because Erin was involved in a scandal again. “Kung mag-aasawa na po si Brace, ano pong klaseng babae ang gusto niyo para sa kanya?” Todo thumbs-up si Direk kay Ayan dahil sa tanong niya. Daig pa niya ang host ng isang talk show. “Ay siya ang may desisyon niyan, pero ang hiling lang namin ay iyong syempre mamahalin siya, uunawain, at aalagaan siya.” “Kami po, kaya po naming mahalin, unawain at alagaan si Brace.” Napuno ng tawanan ang hapag-kainan dahil sa banat ni Ayan. “Ilang taon kana ba iha?” Nagharapan kami ni Pristine at impit na tumili. Mukhang naging interesado pa ang Mama ni Brace kay Ayan. “21 po.” Natawa ang Mama ni Brace. “Ay iha, parang magiging uncle mo na si David.” “Age doesn't matter naman po... Tita.” Muling naghalakhakan ang lahat. Hindi ko rin inaasahan ang banat na iyon ni Ayan. Grabe, 'di ko kinakaya itong si Ayan. Well, age doesn't matter naman talaga when it comes to love. If I were to meet a person of his age. If he fits for me, I wouldn't mind the age — “Ay si Ate Delartheece po pala sakto lang, 26 years old na po. Pasok na po ba?” Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi niya para malunok lang man itong humarang sa lalamunan ko. “May trabaho na rin po siya. Maunawain, maalaga at mahal na mahal si Brace. Maganda pa po. Diba ate?” ani Ayan at tumingin sa akin. Ramdam ko ang init ng tainga ko at 100% alam kong namumula na ako. “Ayan,” natatawang pinandilatan ko siya ng mata. “Aba'y dapat mo ng makita si David. Tatawagan nga natin mamaya,” wika ng Mama niya. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Wala na, hindi ko na nalalasahan ang pagkain. Patawa-tawa lang ako pero namumula at ang lakas na ng t***k ng puso ko. Hindi ako handang makausap siya! Ayaw ko ng mga sorpresa dahil parang sasabog ako sa kaba. Nagtitilian ang dalawa at nilingon ako ni Pristine. “Kyaaa ate! Sana sumagot si Brace!” “Hehe oo nga.” Excited ako pero ang awkward ng sagot ko. Hindi ko na alam ang damdamin, para akong natatae na ewan. The topic diverted when Direk said his gratitude to Brace's parents for giving us time and for preparing us food. And I'm thankful for it dahil nabawasan na ang pamumula ko. Pagkatapos kumain ay patuloy pa rin ang kuwentuhan hanggang sa bumalik kami sa sala. Pinakita ng mama niya ang mga pictures niya noong bata pa siya. “Aw, ang cute niya!” natutuwang wika ni Pristine. “Pwede po ba naming kunan ng picture?” Walang problemang tumango si Mama... niya. Ang haba kasi kapag sinasabi ko pang Mama ni Brace, pwede namang mama nalang. Napailing-iling ako sa iniisip. Ayan settled for Tita level, while here I am, on the other level, Mama level. Hindi na rin ako nagpahuli sa pagkuha ng litrato. “Once Brace sees this, I think he will blame Brianna for exposing this,” sabi ko at tumingin kay Brianna pagkatapos kunan ng litrato ang litrato niyang nakaupo. He's so cute in his jumper! “Naku, hindi ka talaga nagkakamali riyan Ate. Dahil ako lang daw ang may alam ng baby pictures niya. Hindi rin naman kasi marunong mag-upload ng pictures sina Mama.” I knew it. I know the perks of having sibling. “Actually, she once blamed me for selling his teenager photo. That was really not me, ate. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang pictures na 'yon.” Sa ilang oras na kaming narito, ngayon lang nakapagkuwento si Brianna. Kung babae lang si Brace, si Brianna na siya. I can really see Brace from her. “Well, basta ganitong mga litrato, if not parents, kapatid ang nasisisi sa pagpapalabas,” I replied and shrugged my shoulders. Nagkukuwentuhan lang kami nang may marinig kaming dial tone ng messenger. Hinanap namin kung saan nanggaling iyon. Sa cellphone na hawak ng Papa ni Brace. Nagkatinginan kaming tatlo. “Oh my god!” Pristine exclaimed and clasped her hands together. Ayan just mouthed 'Oh my'. Habang ako, habang patagal nang patagal ang dial tone ay siya namang unti-unting pagbilis ng t***k ng puso ko. “Si David ba 'yan?” his mother asked. He just nods. Geez! Wala man lang paunang sabi ang papa niya na tatawagan niya na. Tahimik ang lahat at naghihintay lamang sa pagsagot. Napatayo ako. Parang gusto kong lumabas ng bahay. Hindi ako mapakali. Para akong nagpa-panic attack! Tiningnan ko ang dalawa. They're both anticipating. Their hands are clasped together, and for a little while, they hugged each other. Nakiupo na lamang ako sa kanila kaysa parang tangang nakatayo rito. I held Ayan's hands, when I felt it... I am not just the one trembling! They look so calm kasi. I held Pristine's hand too and it's freaking cold. I thought I was the only one being like this. They're just good at hiding it. The dial tone stopped and strange noises filled the house's living room. “Hello, pa?” --
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD