STORY 1 : THE MYSTERIOUS MAIDEN CHAPTER TWO

278 Words
Nalaman ng ginang na si Kalista pala ay katatapos lamang sa kolehiyo sa kursong Secondary Education, at pansamantalang nagbabakasyon habang naghahanda para sa pagkuha nito ng Licensure Exam sa susunod na taon. “Akala ko ay may tinatakasan o di kaya ay tinataguan kang bata ka, medyo liblib na kasi itong lugar namin at iba ang takbo ng buhay kumpara sa Maynila”, pang uusisa ng matanda habang nagkakape sila sa dalawang bangkong nasa bakuran ng bahay ng dalaga. Natawa si Kalista bago sumagot “Hindi ho, walang kaso sa akin ang way of life rito sa probinsya. Besides, hindi naman nalalayo ang mga meron dito at kung ano ang meron sa Manila. Kung tutuusin, may advantage kayo dahil tahimik at sariwa ang hangin dito.” paliwanag ng dalaga. Napatango-tango naman ang ginang dahil totoong di naman ganoon kaliblib ang lugar nila. Maliban sa mga sari-sari store, may mga grocery, sinehan, mall, at mga sasakyan na pwedeng makita kahit saang parte ng bayan nila. Napabalik lang sa wisyo ang matanda ng marinig ang mga katok ng mga bumibili sa tindahan nila. Nagpaalam na sa bagong kapitbahay ang matanda, at pumasok na sa loob ng kabahayan ng dalaga. Pagbalik ni Aling Sabel sa tindahan, sya namang pang uusisa sa kanya ng mga nakakita sa bagong dating na kapitbahay. Proud na proud namang isinalaysay ng ginang ang mga nalaman mula sa estranghero. Samantala, sa loob ng bagong tahanan, napabuntong-hininga na lamang si Kalista. “Let’s start a new.” Aniya sa sarili, habang pinagmamasdan ang espasyong masasabi nyang kanya, at nagsimulang mag ayos ng mga gamit. Sa tindahan ay syang kararating naman ni Suzy upang makisali sa chismisang nagaganap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD