bc

I Kissed a Gay

book_age16+
33
FOLLOW
1K
READ
second chance
arrogant
student
drama
sweet
bisexual
lighthearted
captain
realistic earth
slice of life
like
intro-logo
Blurb

SABI nila hindi raw pwedeng maging magkaibigan ang isang straight na lalaki at ang isang bakla. Kasi raw, may isa sa kanila ang magkakaroon ng malisya at malamang sa malamang ang bakla iyon. Pero, ibahin mo kami ni Francis, nothing can separate the two of us. Our bonds are stronger than the hardest rock. He loves me and i loved him, as a friend ah!? Kaso, biglang nagbago ang lahat when i kissed him and i don't know why i liked it.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Basketball
Francis Alam na alam talaga ni Drake kung anong magpapasaya sa akin. Walang iba kundi ang tumambay sa practice game nila at panoorin ang super duper, ultimate crush ko na si Zach. Na zachzachan ng kakisigan at kagwapuhan. "Hoy, ang mata mo Francis!" Sabi ni Drake sa akin pagkatapos niyang ihagis sa mukha ko ang towel na pinunas niya sa mukha niyang pawis. Tapos sinimangutan ko naman siya at inabot ang tumbler niya at lumagok ng malamig na tubig. Kitang-kita ang pagkasabik niya ng minutong iyon, na tila para bang isang linggo siyang hindi nakainom ng tubig. Ganoon siya ka-oa uminom ng tubig. Kitang-kita kung paano dumaloy sa leeg niya at magbaba-akyat ang Adam's Apple niya ng mga oras na iyon. "Ikaw ba, kailan ka titigil diyan sa pagsipat-sipat kay Zach? May girlfriend na iyong tao, mahiya ka naman." Inirapan ko muli siya saka naman niya inabot muli sa akin ang tumbler. "Bakit ka ba affected? Selos ka?" Taas kilay na sabi ko sa kaniya ng minutong iyon. Lumapit siya sa akin at inilapit niya nang husto ang mukha niya sa mukha ko. Halos magdikit ang labi namin sa isa't isa at amoy na amoy ko ang magkahalong pawis at amoy ng kaniyang bibig na mint ang flavor ng kaniyang mouthwash. Napalunok ako ng aking laway sa tensyon na nangyayari. Saka siya ngumisi at umiwas. "Tss! Ako, magseselos? Siyempre naman! Mawawalan na ako ng alalay kapag nangyari iyon." sabi niya sabay biglang dumapo ang kamay ko sa ulo niya at binatukan ko siya. Kaagad naman siyang umiwas saka dumating ang atribida niyang girlfriend na si Sasha. "Bakit mo sinasaktan ang boyfriend ko?" Inirapan ko siya. Boyfriend? Like, ilang linggo na ba sila? 2 weeks? 2 weeks palang siyang dinidate ni Drake boyfriend na kaagad ibang klase din ang apog ng babaeng ito. "Babe, where just playin, okay? Don't make a scene here." sabi ni Drake sa oa niyang jowa. Saka niya hinila ito palayo sa akin. Mabuti nalang sumunod na sila Megan at Trina mga bestfriends ko. "Girl, anyare? Umaarte na naman ba si Jolibee?" Tanong ni Megan sa akin nang pagkadating niya. Gaga, kasi itong si Trina, bigla ba naman niyang naisip na tawaging Jolibee si Sasha kasi nga naman malaki ang butt niya katulad ni Jolibee. Mga nakakaloka. "Ano pa nga ba? Best oa, anyways. Bakit ngayon lang kayo?" Tanong ko sa kanila. "Girl, nagpaprint pa kami ng banner para kay Baby Zach!" mga supportive friends ko talaga sila pero hindi ko inaasahan na gagawin nila ito. Basta mga kalokohan nangunguna talaga ang dalawang ito. "Mga pota kayo! Nakakahiya!" reklamo ko. Halos mamula nag mukha ko sa kahihiyan ng minutong iyon. Inilabas na ni Megan ang banner at pinagpag ito. Nakakaloka ang nakasulat sa Banner. "Go, Fight, Win! Baby Zach! From your one and only Baby girl, Francis." Pota! Tapos iyong pinaka-awkward ko pang mukha ang ibinalandra nila doon. Imaginin niyo, iyong nakapout lips ka tapos nakapeace sign sa gilid ng pisngi mo tapos kulay lupa ka pa nang mga panahon na iyon at higit sa lahat, ang mahiwagang kulay pink na Barbie na hair clip. Potang-ina talaga! Minsan, iniisip ko kung talaga bang mga kaibigan ko sila o mga bashers ko sila. Kasi, madalas hindi na ako natutuwa sa mga ginagawa nila sa akin. Mga leche! Nang itaas nila ang Banner ay napansin na kaagad ng mga tao doon ang nakasulat. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa mga reaksyon nila dahil karamihan sa kanila ay nagtatawanan at ang iba naman ay tila para bang nakakain ng panis na milktea at umaarteng nasusuka. Well, hindi ko naman sila masisisi kasi nakakasura naman talaga ang itsura ko noon, well atleast ngayon nag-glow up na ako. Maputi na ako, makinis at higit sa lahat short hair parin. Pota, nakakaloka bawal ang magpahaba ng buhok dito sa school namin or else, madidispatsa ka nang walang oras. Pero ang nakakahiya sa lahat nang tumingin sa kinatatayuan namin si Zach and… and… and… i think he doesn't like it. Kaya binaba ko na kaagad ang banner at krinumpled ito at muling pinasok sa loob ng paper bag. "Ang gwapo mo talaga, Baby Zach! Crush na crush ka talaga ni Baby Girl, Francis hahaha." Sigaw pa ni Luis nang bigla nalang siyang natumba sa malakas na pagkakahagis ni Drake ng bola sa ulo niya. At akmang sasapakin pa sana mabuti nalang humarang si Zach at hinila naman ni Sasha ang boyfriend niya. Ang ending kapwa kaming dalawa napatawag sa discipline office. Ang galing! … "Hindi mo naman kailangan gawin iyon, Drake. Tignan mo tuloy ang nangyari sa atin. Paano nalang iyong practice mo sa team? Malapit na iyong game. Mapupurnada dahil sa pagiging mainit ng ulo mo." Sunod-sunod ang pagsasalita ko nang minutong iyon pagkatapos naming lumabas ng discipline office, well minor lang ang pinataw sa akin dahil sa ginawa kong scandal na hindi ko naman gets kung paano naging scandal iyong banner pero mas nag-aalala ako kay Drake kasi he's the brain and heart of the Team at kailangan na kailangan na nandoon siya kaso nga sa ginawa niya, suspended siya for 5 days at kailangan niyang maglinis ng Boys Locker Room. "Could you please shut up, okay? Kanina pa naririndi ang tenga ko sa mga sermon ni Mrs. Dela Cruz tapos paglabas ko bibig mo naman? Daig mo pa ang girlfriend ko mag-nag sa akin!" Sabi niya sa akin habang panay nag takip niya sa tenga niya. "Oh, kasi hindi mo ako girlfriend! Tanga! At isa pa, sinabi at inutos ko bang gawin mo iyon ah? Hindi naman diba?" Halos pumutok na ang ugat sa ulo ko ng minutong iyon sa sobrang inis ko sa kaniya. "Bobo mo! Bestfriend kita, alangan naman na pabayaan nalang kita na ginagago ng ibang tao. Hindi naman ako papayag noon." Bigla akong natahimik. Lintek naman, Drake. Alam mo talaga kung kailan ka magpapasok ng punch line mo para tumahimik ako e ano? "Oh, natahimik ka? Kasi narealized mo na gago ka? Kalimutan mo na kasi si Zach, iba naman ang gustuhin mo." sabi niya saka niya ginulo-gulo ang ayos ng buhok ko. Lintek naman oh! Minsan, iniisip ko hindi kaya may gusto na itong si Drake sa akin kasi lately parang nararamdaman ko na over protective niya sa akin at sa mga lalaking nagugustuhan ko? Di kaya? Asa ka pa girl, Drake is not into gays. Gusto niya iyong may hiwa sa gitna hindi sa likod. Potang-ina!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook