High School life
Hi I am Naoime (na-yow-mi) Valdez. Simpleng babae galing sa simpleng buhay.
Nag iisang anak
Hindi mayaman pero may kaya sa buhay
Meron kaming karinderya sa palengke
at papa ko Naman e nag iintindi sa aming lupa.
I am 16 years old, And a third high school student.
Fan ako ng mga babaeng nasa books na nababasa ko.
Sila inspirasyon ko sa pag susulat ko.
Sila ang dahilan para maging strong woman ako
"oy naiome nag de day dream ka na Naman" sabi ng kaibigan ko na si Ali
Best friend ko since Elementary ako. She is my childhood friend.
"ano na Naman ba Ali alam mong nag susulat ako dito e"
"ano na Naman ba yan?" Ali
"uhm wala Naman. tara na mag lunch na tayo gutom na ako e"
"osya sge tara na" Ali
"wait sinopin ko lang to mga gamit ko"
Habang sinisinop ni naiome ang mga gamit nya e biglang nagtext sa kanya si Abram
*ting*
--- Hatid Kita mmya ha? ----
agad namang may namuong mga ngiti sa kanyang mga labi
"Naku nku hulaan ko kung Sino yan, Si Mr. Abram na Naman yan ano?" - Ali
"Hindi noh! tara na nga gutom na ako"
"hay Naku babae ka, kapag ikaw talaga nahulog dyan kay mr. Engr na yan susumbong talaga Kita dyan Kita tito" Ali
"ano ka ba. nang liligaw palang Naman yung tao"
"o yun na nga e nanliligaw palang sayo kung maka ngiti ka dyan" Ali
" e anong magagawa ko, masaya talaga ako sa kanya Bessy"
"Alam mo wala Naman akong say dyan mabait Naman yang lalaki na yan family friend pa naten family nila, pero mali yang nag papaligaw ka ng hindi alam ng magulang mo" Ali
"Oo na sasabhin ko na kila mama"
"Very good Bessy" Ali
Habang kumakain sila e biglang nagtext ulit si Abram
---hey! di ka nareply? ayaw mo na na ihatid Kita? okay lang Naman kung ayaw mo----
+++ o sge, payag na ako Hatid mo ko mmya, pakilala Kita kayna papa+++
---wow! talaga?!! Sobrang saya ko. excited na ako Sana di sila magalit saken---
++mabait yung mga yun di magagalit yun+++
++osya sge mmya nalang nakain lang ako, see you+++
--okay, see you later, Paka busog ka--
"ano? cellphone o kaen?" patawang tanong ni Ali
"eto na po kakain na"
matapos mag lunch ng dalawa e agad na bumalik sa silid.
at nakinig sa klase.
kinahaponan
*End of class*
*ting*
from Abram
---hey Im here na sa gate, waiting for you ingat ka palabas---
to Abram
++Otw na po, Thankyou++
Siya si Abram, Abram Dela Fuente. Since pag pasok ko NUNG third year hs ko nanliligaw na sya saken. 3months na. Kilala ko sya. Pero minsan lang kami lumabas. kase madalas sinusundo ako ni papa sa school, kaya pag wala lang si papa nya ako naihahated pauwe.
close ang family nya sa family namen. Pati na rin nina Ali.
5 years ang gap namen, Graduating student na sya sa kursong Engineering.
Hindi Naman strikto ang magulang ko saken, medyo na tatakot lang ako na baka pag nalaman nilang may nag liligaw saken e pagalitan nila ako kaya di ko pinapaalam pero tama si Ali mas lalong magagalit ang mga magulang ko kung itatago ko.
"Oy! Abram!!! Papasakayin mo ba ako o matutulala ka nalang dyan?!"
"oh s**t! I'm sorry, lalo ka kaseng gumaganda" Aniya
"bolero! o sya tara na!"
"Ma, Pa Mano po"
"oh anak, andyan ka na pala, kumusta araw? Aba e! Kasama mo pala areng anak ni Ferdi" Aniya ng kanyang ina
"Opo mama, papa si Abram po"
"Oh ijo, Salamat sa pag Hatid mo sa anak ko" Papa ni naiome
"Walang anuman po iyon tito di Naman po iba saken si naiome e, Tsaka nabanggit nya din po saken na kapag ganitong araw e hindi nyo po sya masusundo" Sabi ni Abram
"oo nga e, alam Naman na ni Naoime na may mga lakad ako ng ganitong araw buti nalang e naihatid mo sya" Aniya ng ama ni naiome
"osya! Tamang tama e nag luto ako ng meryenda, halikat saluhan mo na kaming Bata ka, makabawe man lang kami sayo!" sabi ng mama ni Naoime
habang nag hahanda ng meryenda ang nanay ni naiome e biglang nag salita si Abram
"uhm Tito, tita ang totoo po nyan e May sasabhin po ako sa inyo"
"Ahhh -- Ma, Pa si Abram po ---
"Akin pong malugod na hinihingi ang inyong pahintulot na ligawan ang inyong anak" Abram
"Aba! Bat Naman hindi. Alam mo hindi Naman sa binubugaw namen tong anak ko (sabay akbay ng tatay ni Naoime sa kanya) Iba kase ikaw kilala na namen, kilala na Kita simula NUNG Bata ka pa kita ko kung paano ka palakihin ng kumpare kong si Ferdi kaya masaya ako na Ikaw ang manliligaw ng anak ko, basta ipangako lang saken, ipangako mo lang saken naiome na hindi mo papabayaan ang pag aaral mo ha" Aniya ng kanyang ama
" Opo Naman po papa pangako ko po iyan sa inyo ni Mama"
"basta abram alam mo Naman Mahal na Mahal at unica ija namen yan ha, Mas matanda ka sa kanya alam mo Naman si siguro ang ibig kong sabhin ipagkakatiwala ko sayo ang anak ko" Aniya ng kanyang ina
"Opo tita mamakaasa po kayo saken!"
sabay sabay silang nag meryenda habang pinag kukuwentuhan nila kung paano na papayag ni abram si Naoime na ligawan ito.