Kabanata IX

2012 Words
Lumipas na naman ang ilang taon ay naging balisa na si David sa kanilang kompanya. Sa kaniya ipinamahala ng kaniyang Lolo ang lahat ng kanilang kompanya, simula noong nagdialysis ito at na confine sa Grimson Hospital.  Siya ay naggraduate ng Summa c*m Luade sa Grimson College, dahil sa katalinuhan at kautakan ni David De Loughrey. Madaming nagsasabi na matatalino raw talaga ang mga De Loughrey kaya napakayaman na hindi naman sila nagkamali. Ang lahat ng De Loughrey ay naggraduate ng Summa c*m Laude, katulad ng kaniyang isang Tiyo at isang Tiya.  Masyado siyang matalino para matalo ng iba, kaya ipinagmamalaki ni Derick De Loughrey ang kaniyang apo, hindi kasi siya nito binigo at mas lalo siyang sumaya nang tanggapin ni David ang inalok ni Derick na maging CEO ito ng DL Company at ang mamahala ng kanilang mga tauhan. Ilang taon na ang nakalipas at hindi pa rin niya nakikita ang mga Van Doren. Ang sabi sa kaniya ni Derick na ang kanilang kalaban lang ay ang mga Van Doren, dahil sakim ito sa ranggo. Ang gusto nila na sila ang pinakamataas sa mundo ng Mafia. Hindi nila matanggap na sila ay pangatlo lang sa ranggo. Ang mga De Loughrey ay hindi lang mayaman sila rin ang pinakamataas sa mundong Mafia. "David parating na ang mga pulis, kailangan na nating umalis dito, itigil mo na ang ginagawa mo riyan." "f**k you Alex, why didn't you tell me that earlier?!" galit na sabi ni David at binitawan na ang lalaking sumugod sa kaniya kanina sa Bar. "Busy ka kasi  kakasuntok sa lalaking 'yan," dahil sa inis ni David, sinuntok niya ang lalaking nakahiga sa sahig at tumingin ng seryoso kay Alex, napayuko nalang si Alex, dahil nakakatakot ang tingin sa kaniya ni David. Naglabas ng baril si David at binaril sa ulo ang lalaki na gumagapang papunta sa pintuan habang nakatingin kay Alex. "Sa susunod na magkamali ka ulit," lumapit si David kay Alex at inilagay sa likod ang kaniyang baril. "Magagaya ka sa kaniya." Napalunok ng laway si Alex, dahil sa lamig ng sinabi ito sa kaniya. Sanay na dapat siya kay David, dahil araw-araw itong ganon. Araw-araw itong galit at wala sa mood, pero ito na naman siya natatakot sa lalaki. Imbis na tumunganga sa lalaking pinatay ni David, sinundan niya nalang si David at lumabas ng bas sa likod nito, para hindi sila maabutan ng mga pulis.  "Sabi na nga ba na rito kayo dadaan," hindi nga pulis ang nakakita sa kanila, may mga lalaki namang gusto ng away. Napabuntong hininga nalang si David nang maalala niya ang mga lalaking nakapalibot sa kanilang dalawa ni Alex. "Handa na ba kayong mamatay?" sabi ng isang lalaki na parang ito ang pinuno. "Ikaw bisugo? Handa ka na bang mawalan ng b***t?" napangisi si Alex nang makita niya ang bisugong lalaki na nainis. Si David ay komportableng nakatayo at walang ganang nakatingin sa lalaking bisugo, para bang wala lang sa kaniya ang nangyayare ngayon. "Bago mo to maputol, puputulin ko muna ang sa'yo." "Galing ahh. Tang-ina ang daldal mo supot ka naman," dahil na inis ang pinuno ay sumugod na ang mga lalaki sa kanila na ikinagulat naman ni Alex, samantalang si David ay seryoso lang. "Bakit ko ba kasi inasar ang bisugo na iyon," sabi ni Alex sa kaniyang sarili. Nang makalapit sa kanila ang mga lalaki ay inilagan lang nila ang mga ito at kapag nakakatyempo sila ay sisusuntok nila sa tiyan o kaya sa mukha. Napakabilis ng katawan ng dalawa, halatang nasanay ito ng mabuti, lalong-lalo na si David. Wala man lang nakakahawak sa kanilang dalawa sa sobrang galing nila sa pag-iilag.  Masusuntok na sana ng isang lalaki si David nang bumilis ang kamay niya ay hinawakan ang kamay ng lalaki at ibinalibag niya sa sahig. Inayos niya muna ang kaniyang buhok bago nakipagsuntukan ulit sa mga lalaki.  Tumagal ang kanilang labanan ng sampong minuto dahil sa dami ng kanilang kalaban. Si Alex ay meroon ng pasa sa gilid ng labi at ito ay hinihingal, samantalang si David ay parang walang nangyare, kahit pawis ay hindi man lang lumabas sa kaniyang mukha.  "Sa susunod na makita namin kayo, tutuluyan na namin kayo!" seryosong sabi ni Alex sa mga lalaking tumatakbo paalis sa kanilang harapan. "Mga duwag naman pala ang mga iyon, David," pagkaharap ni Alex kay David ay napataas siya ng kaniyang mga kamay. "Diyan lang kayo!" sabi ng isang pulis na nasa harapan nilang dalawa. Ngayon lang naisip ni Alex kung bakit tumakbo ang mga lalaki kanina, hindi dahil sa kanila, kung hindi dahil sa mga pulis na nasa likod nila. "Itaas mo ang iyong kamay!" hindi sumunod si David sa utos ng pulis. "Pagpasensyahan mo na ang kaibigan ko, Boss, gan'yan talaga ang ugali niyan," tinignan lang siya ng pulis at bumalik sa pag-uutos kay David. "Uulitin ko! Itaas mo ang iyong mga kamay!" hinilot ni David ang kaniyang noo at walang ganang tumingin sa pulis na nag-utos sa kaniya. "Sumama nalang kayo sa amin, sa presinto!" "s**t," bulong ni Alex at tumingin kay David na walang ganang naglakad papasok sa kotse ng pulis. Hindi naman sila natatakot na pumunta sa presinto, dahil sanay na sila sa loob ng kulungan, simula highschool hanggang ngayon. Si Alex palagi ang kasama niya sa gera, kaya kasama rin itong nakukulong sa kulungan. Sila kasi ang magkasangga sa away, kung hindi sila gagawa ng gulo, ang gulo ang lumalapit sa kanila. "Namiss ko naman itong kulungan," nakangiting sabi ni Alex habang tinitignan ang kulungan. Sila ngayon ay nakakulong  at hinihintay ang abugado ni David, para ilabas sila roon. "Grabe ilang araw na rin tayong hindi nakapasok dito, nakakamiss!" nang tinignan ni Alex si David ay napatigil siya sa pagsasalita at umupo nalang sa tabi ni David. Kung makatingin ito para siyang papatayin. Kilala niya si David, kung gusto nitong patayin siya ay gagawin niya ito, kaya mas maganda na kung susundin niya ang lalaki. Simula kasi noong ipinasa ni Derick ang pagiging CEO kay David ay hindi na sila nakapasok sa kulungan, kaya namiss ito ni Alex. Kung ibang lalaki ay ayaw sa kulungan, si Alex ay gustong-gusto. Mga ilang oras nang may lumapit na dalawang pulis sa kanila at binuksan ang pintuan ng kulungan. "Paumanhin po sa kabastosan namin sa'yo Mr. De Loughrey," nakayuko lang ang dalawang pulis, nang lampasan ni David ang mga ito at lumabas na ng presinto. "May sapak talaga sa utak ang kaibigan ko, pagpasensyahan niyo nalang ha? Magkikita ulit tayo, bibisitahin ko kayo," masayang sabi ni Alex. "Huwag po," kinakabahan na sabi ng dalawang pulis, ito ay nanginginig sa takot, dahil siguro noong nalaman nila na ang kanilang kinulong ay ang CEO ng DL Company. "Alex!" nagulat si Alex nang marinig niya ang sigaw ni David sa labas, kaya nagmamadali siyang lumabas ng presinto. "Ano?" tinignan lang siya ni David at pumasok na sa kaniyang sasakyan, sabay pinaandar ito palayo sa presinto, iniwan niya sa presinto si Alex. Iniwan niya ito, dahil ayaw niya muna ng ingay, gusto niya ng tahimik na kapaligiran. Liliko na sana si David sa kanan pero nakita niya na sarado ito, kaya wala siyang magagawa kung hindi ang dumaan sa palengke. Ayaw niya sanang dumaan doon, dahil madaming tao at masikip baka madumihan ang kaniyang sasakyan, pero wala siyang choice. Habang binabaybay niya ang palengke, madaming nakatingin sa tao sa kaniya at nakakunot ang mga noo nito, siguro dahil dumaan siya roon kaya nagalit sila. Sikip na nga ang daan may sasakyan pa na dadaan doon. Naapakan ni David ang pampahinto ng sasakyan nang may muntikan na siyang mabanggang babae. "Hoy! Bumaba ka riyan! Muntikan mo na akong mabangga!" kinakatok ng babae ang bintana ng kaniyang sasakyan, pero walang pake si David doon. Hindi niya sasayangin ang kaniyang oras sa pakikipag-usap sa isang babae. "Hoy!" napangisi si David nang makita niya ang babae na nakaupo sa sahig habang pinapalo ang napakaduming sahig. Bago siya umuwi sa mansyon, binisita niya muna ang kaniyang Lolo sa Grimson Hospital. "Mr. De Loughrey," salubong sa kaniya ng isang doktor na babae, pagkapasok na pagkapasok niya sa hospital. "Dr. Dixon," ngumiti ang doktor at lumapit kay David. "Dadalawin mo ba ang Lolo mo?" tungo lang ang sagot ni David sa doktor. "Sige, mauna na ako," nang makaalis ang doktor sa kaniyang harapan, ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad papunta sa kwarto ni Derick at nang makapasok siya roon nakita niya ang kaniyang Lolo na nakahiga sa kama at natutulog. Mabuti naman na ligtas ito sa loob ng hospital. Nagpadala kasi siya ng mga tauhan sa loob ng kwarto ni Derick, dahil may mga taong nagtatakang patayin ito. Kaya hindi rin mapakali si David sa kalagayan nito.  Ang Lolo niya ang nagpalaki sa kaniya, kaya hindi niya hahayaan na mawala ito ng maaga. "Apo," hinawakan ni David ang kamay ni Derick at tumingin sa kaniyang Lolo. "Bakit ka nandito?" nahihirapan na ito magsalita at sa tuwing nagsasalita ito ay inuubo, dahil sa daming nakabaradong plema sa lalamunan nito. Ang sabi kasi ni Dr. Dixon sa kaniya ay meroong pneumonia at sakit sa baga ito. Kaya kailangan nitong magdialysis tatlong araw sa isang linggo. Napagdesisyon ni David na iconfine nalang si Derick sa hospital, kaysa  naman sa pabalik balik sila sa hospital. Mas maganda pa, dahil kapag may nang yareng masama sa matanda ay maaagapan. "Binibisita ka." "Kamusta ang kompanya?" "Ayus lang ang lahat, Lolo, wala ka dapat ipag-alala." "Nakakita ka na ba ng babaeng papakasalanan mo?" "Hindi ko iniisip iyan." "Apo, bago ako mamatay, gusto ko makita ang apo ko sa tahod." "Hindi ka pa naman mamamatay, malayo ka pa roon." "Matanda na ako, kaya alam ko na ang paghahantungan ko." "Hindi mangyayare iyon Lolo, gagawa ako ng paraan para mabuhay ka pa ng matagal, kung sa ibang bansa ka gagaling, ipapagamot kita sa ibang bansa." "Imposible 'yang sinasabi mo Apo masy-," kumuha ng tubig si David nang umubo ang kaniyang Lolo, pati na rin tissue para mailabas nito ang kaniyang plema sa lalamunan. "Huwag niyo nalang pong alalahanin ang kinabukasan ko Lolo, ang mahalaga ang kalusugan mo. Ayaw ko munang mawala ka sa akin," pinilit na ngumiti si Derick sa kaniyang apo. Ang totoong nasa isip niya ay ayaw niyang iwan ang apo hanggat hindi pa ito nagpapakasal. Ayaw niyang iwan ito na walang nag-aalaga kay David. "Papa," napatingin silang dalawa nang bumukas ang pintuan ng kwarto nila at iniluwa non si Daniel kasama ang kaniyang anak na si Daven. "Lolo," nagmano si Daven sa kaniyang Lolo at nakipagyakan kay David nang makita niya ang kaniyang pinsan. "Tito," tumungo kay David si Daniel. Umupo silang dalawa ni Daven sa sofa habang tinitignan si Daniel na kinakausap si Derick. "Ang akala ko nasa Manila ka, hindi ko alam na dinalaw mo pala si Lolo." "Bukas pa ako pupunta ng Manila." "Meroon ka na bang balita sa mga Van Deron?" iling lang ang sinagot ni David. "Gusto sana kitang tulungan, kaso hindi ako pinapayagan ng girlfriend ko, nakakainis." "Si Kira?" "Oo, ang kulit, palagi niyang sinasabi sa akin na," pinalinaw muna ni Daven ang kaniyang lalamunan at nagsalita na ginagaya ang salita ng kaniyang kasintahan. "Tutulungan mo sila kuya David, tapos bakla ka makipagsuntakan?" "Paano ba ako nagkagirlfriend ng ganoon?" "Tanong mo sa ilong mo," sabi ni Dustin na kakapasok lang sa kwarto.  "Epal ka?"  "Kasalanan kong bobo ka?" "Tang-ina mo gago!"  Magkapatid si Daven at Dustin. Si Daven ay mas matanda kay Dustin ng isang taon. Si Dustin ay kakagraduate lang kolehiyo, pero siya ay naging Hepe agad ng Grimson City. Kaya ng masayang-masaya ang pamilya nito sa kaniya. Habang si Daven naman ay isang Detective. "Tito, Lolo, alis na ako," tumingin sa kaniya ang kaniyang Tiyo ay Lolo. "Sige, mag-iingat ka," tumungo si David at lumabas na ng kwarto. Hindi niya kakayanin ang ingay sa kwarto na iyon. Si Daven at Dustin kasi ay palaging nagbabangayan, kapag magkasama sila ay napakaingay. Habang nagpapaandar siya ng kaniyang sasakyan ay tinawagan niya ang kaniyang sekretarya na si Xian Lee. "Ready my flight for tomorrow." [Yes, Boss.] Pinatay niya ang tawag at pinaandar ng mabilis ang kaniyang itim na kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD