Kabanata VIII

1868 Words
Sampung taon na ang lumipas. Si David ay naging seryoso sa kaniyang bagong buhay at madalang nalang itong magsalita. Hindi na rin ito tumatawa katulad noon. "Isa pa!" seryosong sabi ni Derick sa kaniyang apo na nagsasanay kung paano lumaban. Sila ngayon ay nagsasanay. Tuwing madaling araw ang kaniyang pagsasanay, dahil may pasok si David sa paaralan kapag umaga at sa gabi naman tinuturuan ni Derick si David kung paano magnegosyo. Simula noong dumating si David sa mansyon ng mga De Loughrey araw-araw na silang nagsasanay. Hindi naman nagrereklamo si David, dahil may sinabi sa kaniya ang kaniyang Lolo na nagpalakas ng kaniyang loob para magsanay ng magsanay. *** "Apo, pagkatapos mo sa iyong takdang aralin, pumunta ka sa aking opisina may sasabihin ako sa'yo." "Sige po." Gusto ng malaman ni David kung ano ang sasabihin ng kaniyang Lolo sa kaniya, kaya minadali niya ang kaniyang takdang aralin na tapusin. Ang nasa isip niya, ay baka tungkol sa mga magulang niya ang sasabihin ng kaniyang Lolo. "Lolo, tapos na po ako sa aking takdang aralin," masayang pumasok si David sa opisina ni Derick at umupo sa harapan nito. "May kailangan kang malaman." "Ano po iyon?"  "Buksan mo ito, makikita mo ang dati mo nang hinahanap." Kinuha ni David ang folder na inilahad sa kaniya ni Derick at binuksan ito. "Hindi po ito totoo, hindi ba po?" tinignan lang siya ni Derick. Hindi makapaniwala si David sa kaniyang nabasa at nakita. Ang nasa loob ng folder na iyon ay ang mga katawan ng kaniyang magulang at hindi ito buhay, ito ay mga patay. Sinubukan ni David na alalahanin ang mga memorya niya noong kasama niya pa ang kaniyang magulang, pero hindi niya na ito matandaan. Ang natatandaan niya lang ay ang mga ala-ala sa bahay ampunan at lalong-lalo na si Littel. "Kaya kailangan mong magsanay ng mabuti David, para maipaghiganti mo ang pagkamatay ng iyong magulang." Ikinuyom ni David ang kaniyang dalawang kamay, kaya ang litrato na hawak niya ay nagusot. *** Simula noong araw na iyon, naging seryoso at malamig na si David sa mga taong nasapaligid niya. Hindi na nakita ng mga kasambahay na ngumiti at tumawa si David. Hindi alam ng mga kasambahay kung ano ang rason ng pagkaiba ng ugali David. "Atakihin mo ako, David." Nang marinig niya ang sinabi sa kaniya ng kaniyang Lolo, mabilis niya itong inatake, pero si Derick ay puro ilag lang ang ginagawa o kaya hinaharangan ng kamay ni Derick ang mga kamay ni David, sa tuwing malapit na itong tumama sa mukha niya. Ikot lang sila ng ikot at ang kanilang mga kamay at katawan ay napakabilis kumilos. Kahit napapagod na si David ay hindi niya hinayaan na matalo kay Derick, dahil kapag nagpatalo siya roon ay tatanggalin nito ang kaniyang baon ng isang linggo. "Hindi ka talaga magpapatalo," sabi ni Derick sa kaniyang apo nang parehas silang tumigil sa paglalaban. Iniisa sa kanilang dalawa ay walang nasaktan o nakahawak man sa kanilang mga katawan. "Hinding-hindi," malamig na sabi ni David. Umalis si Derick sa hayapan ni David at kumuha ng dalawang kutsilyo, sabay inihagis ni Derick kay David ang isa, sinambot naman agad ito ni David na parang walang pake kung masambot niya ang matulis na bagay, pero sigurado naman siya na masasalo iya nag hawakan ng kutsilyo. "Subukan naman natin ang kutsilyo," walang ganang pinaikot ni David ang kutsilyo sa kaniyang kanang kamay, habang tinitignan nito si Derick na pumunta sa kaniyang harapan. "Hindi ka naman takot masugatan hindi ba?"  Hinagis muna ni David ang kutsilyo sa hangin, sabay kinuha ito at ibinato kay Derick. Nang makita niya si Derick na nakatingin sa kutsilyo na nakatusok sa pader, ay doon na niya inatake si Derick. Tumambling muna siya, sabay kinuha ang kamay ni Derick at pinatid ang paa nito, sabay ibinalibag sa sahig. "Mukhang tumatanda na ako ahh," sabi ni Derick, habang hawak-hawak ang likod nito.  "Pwede na ba akong umalis?" napatawa si Derick at tumungo na sa kaniyang apo. Tinignan lang ni Derick si David na palabas sa kanilang training ground. Hindi siya nagkamali ng inakala, magbabago nga ang ugali nito, nang makita ni David ang larawan ng mga magulang niya. Hindi naman niya masisisi si David, dahil napakasakit naman talaga ng knaiyang dinaranas noon. Hindi niya alam na patay na pala ang kaniyang magulang, pero sinusubukan pa rin nito na hanapin ang mga ito. "Kuya David!" sigaw sa kaniya ng isang babae pagkalabas na pagkalabas ni David sa gate ng kanilang mansyon. "Amara," sagot naman ni David sa babae. Si Amara ay ang naging kaibigan ni David sa labas ng mansion noon, naaalala niya si Amara kay Littel kaya ikinaibigan niya. Masyadong maingat si David kay Amara, dahil may sakit ito sa puso simula pagkabata. Iba ang trato ni David sa babae, kaysa sa mga tao na nasa paligid niya. Naging mahalaga na rin kasi sa kaniya ang babae at kahit kailan hindi siya gagawa ng kahit na anong ikakasakit nito. "Papasok ka na ba?"  "Oo, sabay na tayo," hindi tipid magsalita si David kay Amara, dahil masaya ito sa tuwing nag-uusap silang dalawa.  Nang makapasok si David sa kotse ni Amara at hinawakan agad ni Amara ang kaliwang braso ni David at natulog sa balikat ng lalaki, hinayaan niya nalang naman ang babae, dahil nasanay na naman siya. *** Si Rayah ay hindi makatulog, dahil sa kakaisip kay David. Simula noong umalis si David, palagi na siyang hindi makatulog at iyak ng iyak tuwing gabi. Siya si Zarayah Carino. Hindi niya alam ang apelyido niya dati, pero noong inampon siya ng mga Carino ay naging Carino na siya. Sa umpisa masaya pero habang tumatagal ay nagiging malupit ito sa kaniya, hindi lang malupit kung hindi sorang lupit. "Hoy Zara! Magluto ka na ng almusal! Kanina ka pa nagmumukmok diyan! Ampon ka lang naman!" narinig ni Zara ang kaniyang ate na sumigaw sa labas ng kaniyang kwarto. Ang akala niya sasaya siya kapag sumama siya sa pamilyang Carino, pero hindi naman pala. Ayaw niya talagang magpaampon, dahil ang sabi sa kaniya ni David noon, babalik ito at kapag bumalik na ito, magpapakasal sila.  Wala naman siyang magawa kung hindi sumunod kay Sister Hannah. Lumipas ang sampong taon, pero hindi pa rin niya nakikita si David. Wala na naman si Sister Alma at Sister Emely para alagaan siya, kaya raw mas maganda kung ipaampon na siya sa iba. Napilitan lang naman siya, ayaw niya talagang magpaampon, dahil iniisip niya si David, kapag umalis siya sa bahay ampunan hindi na nito siya makikita o kaya mahihirapan ito sa paghahanap sa kaniya. "Opo Ate! Teka lang po, inaayos ko lang po ang mga pinaghigaan natin." "Bilisan mo! Nagugutom na kami ni Mama!" "Opo!" Nang maramdaman ni Zara na wala na ang kaniyang kapatid sa harap ng pintuan ay napaupo siya sa sahig. Araw-araw ganito ang kaniyang buhay. Kailangan niyang magising ng maaga, para makapagluto ng almusal at pagkatapos magluto ng almusal ay maglilinis muna siya ng bahay at doon na siya papasok ng paaralan. Isa siyang scholar sa kanilang paaralan, dahil wala namang pampa-aral ang umampon sa kaniya. Ang sabi sa kaniya ni Sister Hannah noon na mayaman daw ang umampon sa kaniya, pero nagsinungaling lang pala ang mga ito. Sinabi lang ng babae na mayaman sila para may makuha silang magsisilbi para sa kanila at 'yon ang ginagawa ni Zara ngayon. Pinagsisilbihan niya ang kaniyang bagong pamilya, kahit bata pa lang siya. Siya na ang nagluluto at naglilinis ng kanilang bahay. Hindi naman mahirap ang kaniyang ginagawa, pero nakakasawa kung araw-araw ito palagi ang ginagawa mo. Napakahirap gumising ng maaga, lalo na kug palagi kang puyat, dahil sa mga takdang aralin na ibinibigay sa'yo ng guro. Isa niyang scholay kaya kailangan niyang mag-aral ng mabuti. Ayaw niyang gumawa sa knaiyang ate na highschool lang ang natapos, dahil nabuntis ito ng maaga na minsan ay siya nag-aalaga kapag may piupuntahan ang kapatid. Hindi niya nga dapat ginagawa ang mga ito, dahil hindi naman niya ito kaano-ano, pero wala siyang magawa kung hindi ang sumunod, dahil pinagbubuhatan siya ng kamay, hindi naman siya makalaban. Ayaw na ayaw niya kasing makasakit ng ibang tao. Nang matapos ni Zara ang paglilinis ng kwarto ay pumunta agad siya sa kusina para magluto ng pagkain, pero bago pa siya makapunta sa kusina ay sinampal agad siya ng kaniyang Ina. "Ang kapal ng mukha mong magising ng tanghali!" "Paumanhin Mama, puyat po kasi ako kagabi." "Pinuyat ka ba ng kasintahan mo? Kabata-bata mo pa lang may lalaki ka na?" nagulat si Zara sa sinabi ng kaniyang Ina. Tumingin siya sa kaniyang kapatid na buhat-buhat ang babaeng anak nito, nakangisi ito sa kaniya. "Mama, wala po akong kasintahan, napuyat po ako dahil-," hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin, dahil sinampal ulit siya ng kaniyang Ina. "Magsisinungaling ka pa sa harap ko! Sinabi sa akin ni Rose na may lalaki ka raw kasama kagabi naglalakad kayo sa labas!" hinawakan ng Ina ang kaniyang buhok at itinulak siya sa sofa. "Sa labas pa kayo naglandian! Ano nalang ang sasabihin ng kapitbahay natin kapag nalaman nila na ang isang ampon namin ay isang malandi!?" Matagal na namang sira ang pamilya nito simula noong nalaman nila na buntis ang Ate niya at hindi niya kasalanan 'yon. Wala naman talaga siyang kasintahan at hindi siya magkakaroon non hanggat hindi niya pa nakikita si David. May pangako silang dalawa at hinding-hindi niya sisirain 'yon. Nagbabakasakali pa rin siya na dumating ito at magkikita silang dalawa, hindi siya susuko. Humingi nalang ng tawad si Zara sa kaniyang Ina at pumunta na sa kusina para magluto ng almusal. Kailangan niyang tiisin ang mga salitang sinasabi sa kaniya ng mga Carino, dahil pamilya niya na rin ang mga ito. Kailangan niyang magtiis, hanggat hindi pa siya nagiging labing siyam na taong gulang para umalis sa kanilang puder. Nahihirapan siya sa ganitong buhay at ayaw niya ng ganito palagi. Gusto niya ng pahinga kahit isang araw lang, dahil parang mamamatay na ang utak niya sa sobrang kulang sa tulog. Binilisan ni Zara ang pagluluto, dahil mahuhuli na siya sa kaniyang klase. Naglagay nalang siya ng ulam at kanin sa lunch box at mabilis na pumunta sa banyo para maligo at magbihis ng uniporme. Sa sobrang pagmamadali ni Zara, nakalimutan niya ang kaniyang pagkain sa lamesa, hindi niya napansin ang pagkagaan ng kaniyang bag, dahil tumatakbo siya. Naglalakad lang siya sa tuwing pumupunta siya sa paaralan, medyo malayo sa kaniyang bahay, pero kaya namang lakadin ni Zara, kaysa naman sa magsayang siya ng pera. Tatawid na sana si Zara sa landas ng pedestrian, nang biglang may malakas na bumisinang sasakyan sa kaniyang harapan. "Miss, nakita mo naman ang sasakyan hindi ba!" napakunot ang noo ni Zara nang marinig niya ang driver ng sasakyan. Hindi niya ito pinansin, dahil ang nakapansin sa kaniya ay ang dalawang tao na nakasakay doon. Isang lalaking seryoso na nakatingin sa kaniya at ang babae naman ay natutulog sa balikat ng lalaki. "Ano ang tinitingin-tingin mo?" inis na sabi ni Zara sa lalaki, kaya itinaas ng lalaki ang bintana ng sasakyan, para hindi niya na makita si Zara. "Bastos ahh! Napakamalas naman palagi ng araw ko!" pagmamaktol ni Zara, sabay tawid sa kalsada at pumasok na ng paaralan. Isang araw, madaming kamalasan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD