Kabanata VII

1621 Words
"Lolo, sigurado po kayo ahh, ibibigay po natin ang mga natirang pagkain natin sa mga pulube." "Oo na nga apo, pero ipangako mo sa akin na susundin mo si Lolo palagi ayus ba iyon?" masayang tumungo si David at kinain isa-isa ang kanilang mga inorder.  "Lolo, ang sarap po talaga rito, pwede po ba na kapag magpapabili po ako ng pagkain sa inyo, ito po ang ibili niyo sa akin?" hindi pa rin tumitigil sa pagkakain si David, kahit punong-puno na ang bunganga nito ng pagkain ay nakakapagsalita pa rin ito. "Huwag kang magsalita habang may pagkain ang iyong bibig. Bawal iyon." "Sige po," inilunok muna ni David ang kaniyang kinakain. "Lolo, pwede po ba tayong magpadala ng jollibee kay Littel? Sigurado po kasi ako na hindi pa siya nakakakain nito eh, at alam ko po na matutuwa po iyon kapag nalaman niya na galing po sa akin ang jollibee na ibinigay ko sa kaniya." "Sige apo, gagawin natin kung ano ang gusto mo ngayon." "Talaga po? Wala po ba kayong trabaho?" "Meroon naman pero mas kailangan ako ngayon ng apo ko kaya mamaya na ako magtatrabaho." "Lolo, pwede ko naman po kayong samahan sa trabaho niyo at saka pwede niyo naman pong ipagawa sa tauhan niyo po ang pagbigay ng natira nating pagkain sa mga pulube, pati na rin po ang pagbigay ng jollibee kay Littel." "Bata ka pa mahilig ka ng mang-utos." "Mana lang po sa'yo, Lolo." "Ikaw talaga," ginulo ni Derick ang buhok ng kaniyang apo kaya napasimangot si David. "Lolo, may buhok naman po kayo, 'yong sa'yo nalang po ang guluhin niyo," napatawa si Derick sa kakulitan ng kaniyang apo. Wala na siyang duda, apo niya nga ang batang ito, pero mas mabuti na kung titignan niya pa rin ang DNA test na ipinagawa niya sa kaniyang sekretarya. *ring!* Kinuha ni Derick ang kaniyang selpon at sinagot ang tumatawag sa kaniya. "Ano?" [Mr. De Loughrey, meroon po kayong meeting ng ating bagong kliyente, mga isang oras po ay dapat po nandito na kayo sa kompanya.] "Hindi ba sinabi ko sa'yo na icancel lahat ng meeting ko?" [Sir, ito po ang iyong hinihintay na meeting simula po nakaraang buwan, nagrereklamo pa nga po kayo, dahil napakatagal nilang dumating.] "Pinaghintay nila ako ng isang buwan, kaya maghintay sila ngayon. Gawin mong bukas ang pagpupulong na iyan. Paki sabi na rin sa kanila na huwag nila akong paghihintayin bukas, ayaw ko ng makupad sa kompanya ko." [Sige po.] Pagkapatay ni Derick ng kaniyang selpon ay nakita niya ang kaniyang apo na nakatingin sa kaniya. Para itong inosente na bata na nanghihingi ng pera kung makatingin. "Hindi niyo naman po kailangan ikansel ang iyong pagpupulong, Lolo. Pwede naman po akong sumama sa inyo sa trabaho, hindi naman po ako pabigat, kung gusto niyo po tutulungan ko po kayo sa inyong trabaho para hindi po kayo mabalisa." "Ano naman ang alam mo sa trabaho, ikaw talagang bata ka." "Isa ka pong negosyante, hindi po ba?" tumungo si Derick at hindi ipinahalata ang pagkagulat nito. ".. at ang isang negosyante po ay hindi dapat nahuhuli o nawawala sa ano mang pagpupulong at kung wala po kayo sa pagpupulong hindi niyo po maiintindihan ang bagong ginagawang proyekto niyo ngayon o kaya bababagal po ang paggagawa niyo. Lolo, alam ko pong mahirap ang trabaho niyo, pero alam ko rin po na masyado po kayong matalino, hindi po kayo maaabot ng mga tao na gustong patumbahin kayo." "Bakit ang dami mong alam sa mga ganiyan apo? Tinuruan ka ba ng Ama mo?" seryoso lang si Derick habang nakatingin sa kaniyang apo na ngayon ay inosenteng nakatingin sa kaniya. Hindi naman natatakot si David, dahil sanay na siya agad sa matanda. "Bawal po bang magbasa ng libro, Lolo? Madami na po akong nabasa tungkol po sa mga negosyo. Isa po iyon sa pangarap kong trabaho, kaya po habang bata pa lang po ako pinag-aaralan ko na," hindi alam ni Derick kung ano ang kaniyang mararamdaman o masasabi sa kaniyang apo. Alam niyang matalino si David, pero hindi niya alam na napakatalino nito, kumpara sa mga ibang bata. "Gusto mo bang matututo magnegosyo?" "Tinatanong pa ba 'yan, Lolo?" "Oo ba ang sagot mo o hindi?" "Awtomatiko, hindi na kailangan itanong, Lolo, Opo po agad ang sagot heheheh." "Sige tuturuan kita, pero hindi muna 'yon ang kailangan mong matutunan, may mga kailangan ka pang matutunan, uunahin natin 'yon kaysa sa negosyo. Mas maganda kung mag-aaral ka ng mabuti." "Pangako po, Lolo, mag-aaral po ako ng mabuti." "Apo, may mga bagay na kailangan i-isang tabi para sa mahalagang okasyon, lalo ngayon mas gusto ko na makasama ka kaysa sa magtrabaho. Ako ang kanilang pinuno kaya kailangan sumunod sila sa aking sasabihin." "Ganoon po ba 'yon, Lolo? Paumanhin po hindi ko po alam, pinangunahan po kita." "Huwag kang humingi ng paumanhin sa akin, may punto ka naman sa mga sinabi mo kanina, pero ako ang pinuno nila, ako ang magsasabi kung may pagpupulong o wala. Hindi ka dapat humihingi ng paumanhin, isa kang De Loughrey palagi kang tama sa mga mata ng tao." "Ang galing niyo naman po, Lolo," kumuha si David ng isang manok at kinain iyon sabay lunok. "Ibig sabihin po ba non, kahit ano po ang ipagawa mo sa kanila ay susundin nila?" Mas lalong nasabk si David nang makita niyang tumungo ang kaniyang Lolo. "Gusto ko po non, Lolo, para madami po akong bab-," nang maisip ni David ang kaniyang sasabihin, napatigil siya at iniba ang paksa. "para madami po akong iuutos sa mga tauhan ko ehehehe," napakamot ng ulo si David at tahimik na inubos ang kaniyang manok. Alam ni Derick kung ano ang sasabihin dapat ni David, ito ay babae, pero nanatili lang siyang tahimik para hindi mainis si David. Bata-bata pa nito babae agad ang iniisip. Parang Ama nito, babae palagi ang iniisip kaya palaging bugbog sa kaniyang Ina. *** "WOW! Ang ganda naman po ng bahay niyo, Lolo. Magkanong milyon pong pera ang ginastos niyo rito?" namamangha si David sa bahay ni Derick. Isa iitong malaking bahay kayumanggi at puti ang kulay ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok mo sa mansyon, sala agad ang makikita mo. Isang malaking sala, kitang-kita roon ang pangalawang palapag ng bahay. Kapag naglakad ka paderetsyo ay makikita mo ang malaking dining area at nasa gilid naman ang malaking kusina. "Lolo, kayo lang po ba ang nakatira rito?" "Hindi apo, nandito ang tita Divine mo." "Nasaan po siya ngayon?" "Nag-aaral siguro sa kaniyang kwarto, tara puntahan natin," inilahad ni Derick ang kaniyang kamay kay David kaya hinawakan niya ito. Ang hagdaanan naman ay nasa likod ng sala. Habang umaakyat ka kitang-kita mo ang isang malaking ilaw sa taas at labas ng bahay. Madaming kwarto ang mansyon, kaya pwede ka kung saan matulog. May swimming pool sa labas at isang basketball court, meroon ding libraray at study room. Hinding-hindi mawawala ang kwarto ng pagpupulong. "Divine," mahinang sabi ni Derick nang makapunta sila sa harap ng kwarto ng kaniyang anak. "Bakit po Papa?" pagkabukas ng pintuan ni Divine ay napatingin agad siya kay David. "Siya ba ang anak ni Kuya?" "Siya nga." "Ang laki na ng pamangkin ko!" niyakap ni Divine ang kaniyang pamangkin. Tama nga ang hula ng kaniyang Ama na nag-aaral si Divine. Maggagraduate na kasi ito ng kolehiyo, kaya kailangan nitong mag-aral ng mabuti, lalo na't ang gusto niyang trabaho ay isang tagagawa ng mga damit para sa Grimson City, masyado raw kasing mga baduy ang mga damit ng mga tao. "Hello po, Tita." "Naku, amoy Jollibee ka ah." "Opo, Tita, paumanhin po kung wala po kaming dalang pagkain para sa'yo, naibigay na po kasi namin ni Lolo ang mga natira naming pagkain sa mga pulube, at hindi ko po alam na may Tita po pala akong maganda." "Binola mo pa ako, ikaw nga ang anak ni Kuya Dexter. Sige na, pumunta na kayo ng Lolo mo sa kwarto mo at kailangan pa ni Tita mag-aral." "Mag-aral po kayo ng mabuti ate para maging pinuno rin po kayo, katulad po ni Lolo." "Opo," nakangiti silang tatlo na umalis sa kwarto ni Divine. "Lolo, ang ganda po ng Tita ko, kaya po pala may pagkapogi rin po ako." "Parehas tayong gwapo." "Po?" napatigil sila sa paglalakad, dahil iniharap ni David si Derick sa kaniyang harapan at tinignan ng mabuti ang mukha ni Derick. "Matanda na po kayo, Lolo, kaya hindi na po kayo masyadong gwapo. Maniniwala po sana ako sayo, kaso po hindi po ako marunong magsinungaling eh." "Ikaw talaga, mapapalo na kita." "Huwag po, mawawalan po kayo ng poging apo," tumawa silang dalawa, habang naglalakad. Nang makapunta na sila sa harap ng kwarto ni David ay tumalon-talon si David, dahil sa kasabikan nitong makita ang kaniyang kwarto. "Lolo, buksan niyo po na po! Kanina pa po ako naghihintay eh!" inis na sabi ni David. "Bakit ako ang magbubukas? Kung pwede naman ikaw?" "Ayy hehehehe," napakamot si David sa kaniyang ulo at binuksan ang kaniyang kwarto. Namangha siya nanag makita niya ang mga malilit na kotse na nakahanay sa pader. Ang kulay ng kaniyang kwarto ay kulay asul, ang kama ay plain blue na sobrang nagustohan ni David. "Lolo, paano niyo po na mahilig po ako sa asul? At sa mga kotse po, pati po sa mga baril?" masayang sabi ni David. Sumampa ito sa kaniyang kama at tumalon-talon, wala itong pake kung magulo ang kama niya, basta masaya siya. Si Derick naman ay tinitignan lang ang kaniyang apo na nagsasaya, habang nakangiti. "Sobrang ganda po ng kwarto ko, Lolo. Salamat po!" tumakbo si David sa papunta kay Derick at hindi ito makapaniwala sa ginawa ni David. Niyakap siya ng kaniyang apo at para bang nakaramdam siya ng koryente. Alam niya kung kaninong yakap iyon. Sa yakap ng kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD