Kabanata VI

1761 Words
"Lolo, ang bahay niyo po ba ay maganda?" tanong ni David kay Derick. Sila ay nasa sasakyan at papunta sa Jollibee para kumain muna ng hapunan. Ito kasi ang sabi ni David sa kaniyang Lolo. Hindi pa kasi ito nakakatikim ng Jollibee. "Malalaman mo kapag nakapunta ka na roon, pero sa ngayon, sa Jollibee muna tayo ha?" "Opo Lolo, masarap po ba ang mga pagkain doon? Hindi pa po kasi ako nakakakain doon eh, mamaya pa lang po." "Masarap naman. Ang Jollibee kasi ay ginawa para sa mga bata, pero hindi porket masarap ay araw-araw ka na kakain noon. Masama kasi 'yon sa ating kalusugan." "Isang Jollibee lang po sa isang linggo masaya na po ako, Lolo." "Napakadali mo naman pa lang kausap apo," ngumiti si David at tumahimik ng ilang minuto ang buong sasakyan, pero umingay din naman ito, dahil sa tanong ni David sa kaniyang Lolo. "Kapag po ba iniwan mo ang isang tao Lolo, magagalit po siya sa'yo?" napatingin si Derick sa mata ni David. "Hindi niyo rin po ba alam?" Alam ni Derick kung ano ang sagot sa tinanong ni David, kaso hindi niya lang alam kung paano sisimulan, dahil sa pag-iiwan kung bakit nawalay sa kaniya ang kaniyang anak na si Dexter. "Depende apo, kung naiintindihan ka niya o meroon kang rason para iwan mo siya, at magagalit siya sa'yo kung hindi ka nagpaalam na aalis ka." ngumiti ng pilit si Derick sa kaniyang apo. "Naiintindihan naman po siguro ako ni Littel hindi po ba Lolo?" napakunot ang noo ni Derick at napangiti. "Sino ba si Littel?" "Siya po ang papakasalanan ko kapag lumaki na po ako. Littel po ang pangalan niya Lolo," napatawa si Derick at ginulo ang buhok ni David. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang apo, kabata-bata pa kasal agad ang iniisip. Katulad ni Dexter noong bata pa. Naalala niya tuloy ang kaniyang namayapang anak. *** "Papa, gusto ko po kapag nasa akin na po ang aking kasintahan, hindi ko na po siya papakawalan, katulad po ng ginawa niyo po kay Mama noon," binuhat ni Derick ang kaniyang limang taong gulang na panganay. "Ano ba ang gusto mo sa isang babae?" alam ni Derick na hindi niya dapat tinatanong ang anak na ganong tanong, pero gusto niya lang malaman. "Gusto po katulad ng ugali ni Mama, palagi niya po akong paglulutuin pagkadating ko galing sa trabaho. Hindi po ba masaya iyon Papa?" "Huwag mong sabihin sa iyong Ina ang iyong mga sinabi sa akin ahh, baka tayo ay mapagalitan." "Masama po ba iyon, Papa? Hindi po ba kapag lumaki na po ako pwede na po akong magkasintahan at magpakasal? Katulad niyo po ni Mama, pagkatapos niyo po magpakasal, gumawa agad po kayo ng dalawang anak." "Derick!" *** Tumulo ang isang butil ng luha ni Derick, hindi dahil sa lungkot, kung hindi dahil sa saya. Noong panahon kasi na iyon, pinagalitan siya ng kaniyang asawa, dahil kung ano-ano raw ang itinituro ni Derick sa kaniyang anak. Wala namang alam si Derick kung saan nito natutunan, pero napagbintangan siya. "Malungkot po ba kayo Lolo?" nagising si Derick sa katotohanan nang marinig niya ang kaniyang apo nagsalita. "Meroon po ba akong nasabing mali?" "Masaya si Lolo, apo." "Bakit po may basa ang pisngi niyo kung masaya po kayo?" "Ang luha ay hindi para mga malulungkot lamang, para rin ito sa mga masasaya. Kapag masaya sila, ipagsabihin nakangiting umiiyak, kapag naman malungkot, may nagawa ka sa kaniyang masama na hindi niya nagustuhan." "Ganoon po ba, kaya po pala nakangiti kayo habang tumulo ang luha niyo Lolo. Ano po ba ang iniisip niyo kanina?" "Ang iyong Ama." "Nakita ko na po ba ang Papa ko?" "Saka ko na sasagutin ang tanong mo, sa ngayon kailangan mo munang kumain, hindi ba gutom ka na?" "Opo, ito na po ba ang Jollibee Lolo?" nang tumungo si Derick ay mabilis na bumaba si David sa sasakyan at hindi na hinintay ang kaniyang Lolo. Pagkapasok ni David sa loob, madaming tao at madaming nakapili at dahil hindi alam ni David ang kaniyang gagawin, oumunta siya sa pinakauna at kinausap ang babae na kumukuha ng mga order. "Ate ate, pwede po bang pahingi po ako ng madaming pagkain?" dahil sa sinabi ni David na iyon, may madaming tao na nagalit sa kaniya at kaunting tao din na nakyutan. "Paumanhin po bata, pero nasaan ang magulang mo? Sila ang papilahin mo," sagot ng babae na tinungan ni David. "Oo nga, bakit bata ang papapilahin niya, hindi ata siya tinatrato ng maganda kaya ang batang iyan ang pinag-oorder ng pagkain." "Baka naman pulube 'yan, tignan mo ang damit may sira-sira pa." "Bakit ba pinapapasok ang mga batang pulubi rito? Hindi ba bawal ito?" Tinignan lang ni David ang mga babae na sinasabihan siya ng masasama. Wala naman siyang pake, dahil hindi naman siya pulube, meroon siyang Lolo at ang kaniyang mga magulang ay hinahanap niya pa. "Bata, umalis ka nalang muna rito ha? Maghintay ka sa labas at hintayin mo ako bibigyan kita ng tira na pagkain," walang emosyon na tinignan ni David ang babaeng tinungan niya kanina at kinunutan ng noo. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. "Hindi kumakain ng tira-tira ang apo ko," lahat ng mga tao sa Jollibee ay napatingin kay Derick habang lumalakad papunta sa dereksyon ni David na nakangiti. "Lolo, bakit ang tagal niyo po dumating? Nag-order na po ako ng mga pagkain natin," lumapit si David sa kaniyang Lolo at hinawakan ang kamay nito, "Si Mr. De Loughrey." "Apo niya ang batang ito?" "Hindi ba siya ang pinakamayan sa Grimson City?" Nang tumingin sina Derick at David sa mga nagbubulungan ay napatigil ang mga babae at tumingin sa mga bagay na hindi naman kailangan tignan. "Bibilihin ko ang lahat ng nasa menu, siguro naman pwede na kaming mag-order hindi ba Miss?" nataranta ang babae at tumungo nalang kay Derick. "Kapag binastos niyo ulit ang apo ko, baka ipasara ko ito at hindi na kayo makapagtrabaho habang buhay, hindi niyo alam ang mga kaya kong gawin, kaya sana maging maingat kayo sa inyong sinasabi. Siguro naman may natutunan kayo," ang mga taong may sinabing masama kay David ay nahiya at nakonsensya. Hindi man nila alam na apo ng mayaman ang bata, dapat hindi pa rin nila ito hinusgahan. Kahit pulube ang isang bata ay hindi dapat sinasabihan ng masasama. Bakit hindi mo nalang bigyan ng pagkain kaysa husgahan? May nagawa ka pang maganda sa ating bayan. Napakasarap sa pakiramdam kapag nakatulong ka, kaya sana maging mabuti ka sa ating kapwa. Isipin mo muna kung makakasakit ba ang sasabihin mo sa isang tao bago mo ito sabihin. Maging maingat ka sa iyong sasabihin, dahil dito makikita ng mga tao ang iyong pagkatao. Hihingi sana sila ng paumanhin pero umalis agad sila roon at umupo sa dulo ng Jollibee. "Lolo, ano po ang mga sinasabi nila tungkol sa akin? Hindi naman po ako pulube hindi po ba? Sabi po kasi nila pulube raw po ako. Hindi po nila alam na may Lolo na po ako, hehehehe," mahabang sabi ni David nang makaupo sila sa kanilang upuan. "Tama ka David, may Lolo ka na ngayon at hayaan mo na ang mga sinasabi nila. Mamatay sila dahil sa konsensya." "Bakit po pala sila nagukat noong dumating po kayo? Gaano po ba kayo kayaman?" "Mas mayaman pa ako sa inakala mo, Apo." "Edi mas mayaman pa po kayo sa mayaman?" "Magkano po ang pera niyo Lolo, isang daan?" napangiti si Derick sa kakyutan ng kaniyang apo. "Maliit lang ang isang daan." "Po? Hindi po ba malaki na po ito?" "Siguro sayo malaki, pero para sa mga matatanda ay maliit lang ito. Bilyon ang kinikita ko buwan-buwan. Kaya napakayaman natin, Apo." "Bilyon po?" "Oo, hindi mo pa ito alam, pero malalaman mo rin ito paglaki mo." "Talaga po? Masasabik na po akong lumaki, gusto ko na pong matutunan ang mga bagay na hindi ko pa po alam." "Mabuti naman kung sa ganoon ay ikaw ang mamahala ng ating kompanya." "Ano po iyon? Hindi po ba mahirap po iyon?" "Tutulungan kita, hanggang sa makaya mo, pero kumain muna tayo ha?" "Opo, Lolo," inilapag ng mga trabahador ng Jollibee ang kanilang mga pagkain. Pagkatapos naman ilagay ang mga pagkain sa lamesa ay nagpasalamat si David nang siyang ikinamangha ng mga tranahador. Ang mga De Loughrey kasi ay isang seryoso at hindi nagpapasalamat. Sila ang mga kinakatakutan sa buong Grimson City. "Ang dami naman po nating pagkain Lolo." "Oo para mabusog ka at magsawa," "Lolo, hindi naman po natin ito mauubos eh." "Iiwannatin ang mga hindi natin na ubos." "Hindi po natin dadalihin sa bahay po Lolo?" "Bakit naman natin idadala?" "Dahil sayang po, sigurado po ako na maraming pera po ang ginastos niyo rito, kaya masasayang po kung iiwannkang po natin dito ang mga pagkain." "Pero apo hindi naman natin kailangan ang mga ito sa ating bahay." "Edi ibibigay nalang po natin sa mga pulube. Ang sabi po kasi ng aking Ina noong hindi ko po nauubos ang pagkain ko, huwag daw po magsayang ng pagkain kaya po napipilitan po akong ubisin ang aking pagkain. Minsan naman po hindi ko po sinasabi kay Mama kaya po tinatapon ko po hehehhe." "Hindi ba nagsayang ka rin kasi tinapon mo?" "Ay tinapon ko po sa pagkainan ng aso po namin, kaya hindi po ako nagsayang, paumanhin po hindi po kompleto ang aking kwento." "Hahahaha akala ko kung ano na. Ayus lang apo, ano ba ang ugali ng iyong Ina sa'yo noon?" "Si Mama po noong kasama ko pa po siya, pinagluluto niya po kami palagi ni Papa ng ulam, at palagi po siyang oras para sa akin ni Papa. Mahal na mahal niya po kami. Palagi niya pong sinasabi sa akin kapag ako po ay umiiyak na hindi kailangan umiyak, dhil isa po akong lalaki at ang mga lalaki ay hindi umiiyak," nakosensya tuloy si Derick noong ininsulto niya si Xaira. Hindi niya alam na mabait pala ang dalaga at napakamaalagain, hidi niya rin alam na katulad nga ng kaniyang asawa ang pipiliin ng kaniyang anak. Itinupad niya ang sinabi nito noong bata pa siya. "Lolo ipamigay nalang natin sa mga pulube ang mga natira ha? Kawawa po kasi sila eh, hindi po sila nakakakain ng mga ganitong masasarap, kaya bibigay nalang po natin sa kanila ito, kaysa naman po na iwan natin dito," nakatingin lang si Derick sa kaniyang apo habang nagsasalita. Hindi siya makapaniwala na ganitong bata ang kaniyang apo, pero hindi dapat ganito ang kaniyang ugali. "Maganda ang pagpapalaki sa'yo ng iyong Ina, pero hindi pang habang buhay na ganito ang ipapakita mo sa mga tao. Hindi maaari."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD