Kabanata V

1750 Words
"Mr. De Loughrey, nakasakay na po sila ng eroplano," sabi ng inutusan ni Derick na bantayan ang pamilya ng kaniyang anak. "Wala bang nakakaalam ng pag-alis nila? Siniurado niyo ba na walang nakakita?" "Wala naman pong sumunod sa amin kanina kaya po ligtas po silang na sakay ng eroplano, at sigurado po kami na wala pong nakakita ng kanilang paglibad." "Meroon bang mga gwardya na nagbabantay sa kanila hanggang sa loob ng eroplano?" "Sinusunod po namin ang mga utos niyo, Mr. De Loughrey at kahit kailan po hindi po kami nagkamali. Malinis po ang aming trabaho." "Ano ang balita sa mga Van Doren?" "Sa ngayon po, ang sabi sa amin ng ispya natin, wala naman daw pong utos sa kanila si Mr. Van Doren, maghintay lang daw po tayo." "Bantayan niyo ng mabuti ang mga Van Doren, huwag niyong hahayaan na malaman nila na may ispya tayo sa kanila, lalong-lalo na umalis ang anak ko sa Pilipinas, dahil kapag nalaman nila na may ispiya tayo, hindi magdadalawang isip ang ating kalaban na patayin ang ating ispiya." "Masusunod po," tumungo muna ang lalaki at lumabas na ng kaniyang opisina. Naalala ni Derick ang kaniyang apo. Sa pangalawang buwan na ang kaarawan nito, pero hindi niya pa rin na kikita ang bata. Nakita niya ang sertipiko ng kapanganakan ni David. Nakita niya kung kailan ang kaarawan nito. Ang gusto niya sana ay makasama ang apo sa kaarawan nito, pero mukhang imposible, dahil isang taon na ang nakalipas hindi niya pa rin ito nahahanap. May pinindot siyang pindutan sa ilalim ng kaniyang lamesa at nagsalita. "Ihanda mo ang sasakyan, may gusto akong puntahan," seryosong sabi nito. Mabilis naman nakarating ang kaniyang seketarya sa kaniyang opsina kaya itinanong agad siya nito, kung saan sila pupunta, para malaman ang ng mga tao roon na pupunta si Derick sa kanila. "Grimson Orphanage." *** "Taya, hahahah." ang lahat ng bata ay naglalaro sa bakuran ng bahay ampunan. Samantalang ang mga madre ay nakatingin lang sa kanila habang nakangiti. Ito ang kanilang kasiyahan, ang makita ang mga bata na masaya, habang naglalaro ng kung ano-ano. Naglalaro ang mga bata sa labas, dahil ito ay oras ng pahinga, dahil maghapon itong nag-aral. "Napakasarap nilang tignan. Sister Alma." "Sister Hannah, napakasarap sa damdamin." "Ngayon ko lang napapansin na habang lumalaki si David, ay nagkakaroon ito ng magandang wangis. Sigurado ako na madaming papaiyakan na babae iyan." "Ano ba ang sinasabi mo, masama iyang iniisip mo, Sister Hannah," singit ni Sister Rakel. "Ano ka ba Sister Rakel, lalake rin si David at alam ko na maganda ang magiging buhay niya kapag siya ay tumanda na." Habang nag-uusap silang tatlo, may lalaki na lumapit sa kanila. "Nandito po si Mr. De Loughrey," napatayo ang tatlong madre at gulat na tumingin sa gwardya ng kanilang bahay ampunan. "Si Derick De Loughrey?" tanong ni Sister Alma. "Opo." "Bakit daw siya nandito?" magsasalita na sana ang gwardya nang biglang dumating si Derick sa kanilang harapan. "Sister Alma." "Mr. De Loughrey," tumungo ang tatlong madre. "Sana po sinabi niyo po na bibisita kayo sa amin, para nakapaghanda po kami ng meryenda para sa inyo." "Bawal na bang isorpresa ka?" "Hindi naman po sa ganoon." "Sister Alma, matagal na rin akong hindi nakabisita rito. Ngayon nalang ulit ako nagkaroon ng oras para bisitahin kayo." "Tayo po sa aking opisina roon po tayo mag-usap," tumungo si Derick. "Kayo muna ang bahala sa mga bata, ipasok niyo na sila sa kanilang mga silid-aralan at ipagpatuloy ang pagtuturo sa kanila." "Opo," sabay na sabi ng dalawa. Sumunod si Derick kay Sister Alma papunta sa opisina at nang makapasok sila roon, umupo ang matandang babae sa kaniyang upuan, habang si Derick naman ay sa harap ni Sister Alma. "Kamusta naman ang mga bata rito?" "Ayus naman sila Mr. De Loughrey." "Paumanhin kung ilang taon akong hindi nakapunta rito." "Alam namin na abala kayo sa inyong trabaho, kaya ayus lang po sa amin iyon." "May mga bagong bata ba?" "Ngayon po wala, pero noong isang taon po, meroon." "Ano ang kaniyang pangalan?" "David," napatahimik si Derick at napatingin sa kawalan. "Kailan niyo siya nakuha?" "Hunyo 20." "Kahapon?" "Noong nakaraang taon po. Hindi po namin alam kung kailan ang kaniyang karawan kaya ipinagdiwang po namin ang kaniyang kaarawan kahapon." "Maaari ko bang makita ang batang ito?" "Interesado po ba kayo sa kaniya?" "Nagtataka lamang ako, Hunyo 19, kasi namatay ang aking anak at manugang, hindi pa namin nakikita ang aking apo." "Noong nakita po siya ni Sister Emely, ang sabi niya sa akin duguan daw ang batang ito noong nakita niya si David." "Pwede ko na ba siyang makita?" "Gusto mo ba talagang makita siya?" "Gusto ko lang malaman kung siya ba ang aking apo." "Kung hindi siya?" "Aampunin ko siya." "Sigurado po ba kayo?" "Hindi ako mahilig magbiro, Sister Alma," tumungo si Siter Alma at tumayo na sabay lumabas ng opisina. May nararamdaman si Derick sa kaniyang puso, bumiilis ang t***k ng puso niya habang palapit sila ng palapit sa silid-aralan kung saan nag-aarala si David. "Sandali lang po Mr. De Loughrey, tatawagin ko lang siya," tumungo si Derick at naghintay sa labas ng silid-aralan. "Sister Alma," sabi sa kaniya ng guro. Ang lahat ng mga bata ay nakatingin sa kaniya. "Pwede bang mahirap muna si David?" "Sige po, Mr. David," masayang tumayo si David at humawak sa kamay ni Sister Alma. Pagkalabas nila ng silid-aralan. Nakita agad ni Derick ang bata at nagulat io, dahil kamukhang-kamukha nito ng kaniyang anak. "Sister Alma sino po siya?" inosenteng tanong ni David. "Siya si Mr. De Loughrey." "Lolo po? Sabi po kasi sa akin ng aking Papa, kapag daw po 50 pataas matanda na raw po." "Tama ka David, Lolo mo siya." "Lolo ko po?" "Halika apo," hindi alam ni Derick kung ano ang kaniyang mararamdaman. Malulungkot ba siya o magiging masaya. Hinawakan ni Derick ang pisngi ni David. "Sasama ka na sa akin simula ngayon." "Po?" "Ikaw si David De Loughrey ang aking nawawalang apo." "Delor po ako hindi po De Loughrey," ngumiti si Derick at ginulo ang buhok ng bata. "Ang pangalan ng magulang mo ay si Dexter at Xaira hindi ba?" lumaki ang mga mata ni David. "Manghuhula ka po ba? Paano niyo po nalaman ang pangalan ng mga magulang ko? Alam niyo po ba kung nasaan sila? Simula po kasi noong umalis ako sa bahay namin, hindi ko na po sila na kita," tumulo ang luha ni Derick at niyakap ng mahigpit ang kaniyang apo. HIndi siya makapaniwala na nakita niya na ito. Masaya siya pero malungkot din siya, dahil hindi alam ng bata na wala na ang mga magulang  nito. "Anak ko ang iyong Ama, kaya Lolo mo ako." "Hindi ko po kasi alam kung totoo po ang sinasabi niyo, ang sabi po kasi ng Papa ko, huwag daw po magtiwala sa kahit kanino." "Teka lang." "Sige po," lumayo si Derick sa dalawa at ang kaniyang sekretarya na nasa sasakyan. "David, hindi maganda ang iyong sinabi sa Lolo mo." "Pero Sister Alma, 'yon po kasi ang sabi sa akin ng Papa ko. Hindi naman po masama kung susundin ko po ang bilin ng aking Ama hindi po ba?" napabuntong hininga nalang si Sister Alma, tama naman kasi ang sinabi ni David sa kaniya, namangha lang ito s katalinuhan ng bata. "Hintayin nalang natin aking sekretarya, nasa kaniya ang  sertipiko ng kapanganakan ni David." "Ano po iyon, Lolo?" biglang bumilis ang tibo ng puso ni Derick at tinignan sa mata si David. Bigla niyang naalala ang kaniyang anak sa bata. Kaparehas nito ang mata ng kaniyang anak. Nagkakaroon na siya ng pagtataka sa bata, pero hindi niya alam kung totoong apo niya ba talaga ito. Kailagan niyang ipaDNA test ang bata, para malaman niya kung totoong apo niya si David at sana magpositive, para ipapatigil niya na ang paghahanap, dahil ayaw niyang lumaki ang kaniyang apo na walang pamilya at nagmamahal sa kaniya. "Iyon ang mga impormasyon mo noong ipinanganak ka." "Ano po Lolo?" naglalakad sila pabalik sa opisina ni Sister Alma at umupo sa kanilang mga upuan at isinagot na ni Derick ang tanong ni David. "Nandoon ang petsa ng kaarawan mo, pangalan mo, bigat mo, taas mo, pangalan ng iyong magulang at etc. Lahat ng tungkol sayo simula noong sanggol ka pa lang ay nandoon." "Talaga po?" tumayo si David sa kaniyang upuan at nagpakandong kay Derick. "Nandoon din po ba kung gaano ka taas ang t**i ko?" napatahimik si Sister Alma, samantalang si Derick ay napatawa ng malakas. "Meroon po bang nakakatawa sa sinabi ko?" "Wala apo," magsasalita na sana ulit si Derick nang biglang may bumukas ng pintuan. "Mr. De Loughrey ito na po ang ipinakuha mo sa akin," inabot ng sekretarya ang sertipiko ng kapanganakan ni David kay Derick at kinuha naman ni Derick ito, sabay ibinigay kay David. Tinignan ni David ang buong papel at binasa ang mga nakalagay doon. "Lolo, wala naman pong nakalagay dito kung gaano kataas ang t**i ko eh, niloloko mo po ako eh," ngumiti si Derick. "Huwag kang mag-alala apo, pagkadating natin sa ating bahay, susukatin natin ang t**i mo." "Talaga po!? Pangako po iyan ahh!" "Maaari na ba kaming umalis Sister Alma?" tumayo na silang lahat. "Opo, Mr. De Loughrey, ako na lang po ang magsasabi sa mga bata ang pagkawala po ni David," nagpasalamat si Derick at lumabas na ng opisina. Habang naglalakad nakita ni David si Rayah na nakaupo sa isang upuan sa labas. "Lolo, pwede po ba muna akong magpaalam sa aking kaibigan?" "Sige, basta dalian mo lang apo, may kailangan pang gawin si Lolo." "Opo, salamat po." Masayang lumapit si David kay Rayah at hinawakan nito ang kamay ni Rayah. "Narinig ko kayong nag-uusap sa opisina ni Sister Alma. Ang sabi ng Lolo mo na hindi ka na raw dito titira." "Oo, Littel, pero pangako na kapag malaki na ako babalikan kita rito at kukuhain. Ako ang aampon sa'yo, kaya huwag kang magpaampon sa iba ha?" "Pangako babalikan mo ako ahh." "Pangako iyan, at kung mawala ka man dito, hahanapin kita at hindi ako titigil na kakahanap sa'yo." hinalikan ni David si Rayah sa pisngi at pinunasan ang mga tumulong luha sa mga mata ni Rayah. "Huwag ka nang malungkot, magkikita pa naman tayo eh." "Hihintayin kita sa iyong pagbabalik at sana kapag bumalik ka ako pa rin ang babaeng aalagaan at pasasayahin mo araw-araw." "Pagbalik ko papakasalanan kita at magkakaroon tayo ng madaming anak," napatawa bigla si Rayah at niyakap ng mahigpit si David. "Balikan mo ako ha? Huwag mo akong kakalimutan." "Pangako."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD