Kabanata IV

1672 Words
"Happy Birthday to you! Happy Birthday to you!" kaarawan ngayon ni David kaya silang lahat ay kumakanta ng maligayang kaarawan. Hindi nila alam kung ano ang totoong kaarawan ni David kaya ipinagdidiwang nila ito noong araw na nakita ni Emely si David. Silang lahat ay masaya at halatang-halata sa mga ngiti ng mga bata kung gaano sila na kasaya. Si David at Rayah ay nasa unahan. Hindi kaarawan ni Rayah, pero gusto ni David na katabi niya ang batang babae, kaya walang silang nagawa kung hindi ang sundin si David. "Happy Birthday, David!" nakangiti niyang hinipan ang apoy sa kandila.  "Salamat po." Si David ay anim na taong gulang na. Hinahanap-hanap niya pa rin ang kaniyang mga magulang, pero masaya naman siya kasi may bago siyang kaibigan at pamilya. May kulang pa rin sa kaniyang nararamdaman at ito ang kaniyang mga magulang. Hanggang ngayon hindi niya pa rin alam ang nangyare sa kaniyang magulang. Ipinangako niya sa kaniyang sarili na kapag malaki na siya ay hahanapin niya ang kaniyang mga magulang at hindi na lalabas ng bahay, dahil sising-sisi siya noon, noong lumabas siya sa kanilang bahay. Oo naaalala niya pa ang mga nakaraan na iyon, dahil napaka-importante sa kaniya ng kaniyang mga magulang. Naalala niya ang araw na lumabas siya sa kanilang bahay, pero hindi niya naalala ang pabalik doon. "Ano ang hiniling mo David?" tanong sa kaniya ni Emely. Ang lahat ng mga bata ay nakatingin sa kaniya at inaabangan ang knaiyang sagot. "Sana po makita ko na ang aking mga magulang, gusto ko pong makapiling sila ulit." nagulat si David nang bigla siyang yakapin ni Rayah. "Para hindi ka na ulit malungkot, masaya ka naman kasama ako, hindi ba?" "Oo masaya ako kasama ka, Littel, pero mas masaya kapag kasama ko rin sila, para may magulang na tayong lahat," bumitaw si Rayah sa pagyayakap kay David at hinawakan ang kaliwang kamay nito. "Magandang kaarawan Dy," bulong na sabi ni Rayah. Si David naman ay namula. Sa tuwing sinasabihan kasi siya ni Raya ng Dy ay umiinit ang buong mukha niya. Hindi niya alam kung ano ang nangyayare sa kaniya, basta ang alam niya lang ay gustong-gusto niyang naririnig ang Dy kapag si Rayah ang nagsasabi nito. "Hoy, mga bata pa kayo, huwag muna, saka na kapag 30 na kayo," singit ni Emely kila David at Rayah. "Po?" inosenteng tanong ni Rayah. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi ni Emely, ang alam niya lang na masaya siya, dahil nakilala at nakasama niya si David. Si David at Rayah ay isang taon ng magkaibigan. Sila ay sabay maligo, magbihis, kumain, at matulog. Kung nasaan si David ay nandoon din si Rayah, para silang magjowa na ayaw maghiwalay. Masaya naman sila sa bahay ampunan, lahat sila nakakapag-aral ng maayos hindi nga lang sa totoong paaralan, sa loob ng bahay ampunan. "Balang araw ay matutupad din ang hiling mo, maghintay ka lang anak," sabi ni Sister Alma at nilapitan si David. "Kapag lumaki ka na, huwag mong hahayaan na magbago ka ha? Kung ano ang ugali mo ngayon, sana panghabang buhay na ito. Iyon ang hiling ko sa'yo." "Salamat po Sister Alma, hindi po kita makakalimutan sa hinaharap, napakabait niyo po sa akin." "Ano ba 'yan, kaarawan ito ni David hindi pa siya mawawala," singit ni Sister Rita na katabi ni Emely. Si Rita ay mga tatlumpung taong gulang pa lang, samantalang si Sister Alma ay animnapung taong gulang na. "Ano ka ba, hindi natin alam ang mangyayare sa hinaharap, malay mo may mag-ampon kay David. Balang araw mawawalay din siya sa atin, dahil may taong mag-aalaga sa kaniya," biglang nalungkot si Rayah, dahil sa narinig niya. Ayaw niyang mawalay kay David, pero wala naman siyang magagawa kung dadating ang araw na iyon. Sigurado siya na kapag nawalay siya kay David ay araw-araw ay malungkot siya. "Narinig mo ba iyon Littel? Sabi ni Sister Alma, balang araw daw may mag-aalaga sa'kin," masayang sabi sa kaniya ni David, pero ngiti at tungo lang ang nasagot ni Rayah. Nag-umpisa na ang lahat kumain. Ang iba ay tahimik kumain, ang iba naman ay nagtatawanan at nag-uusap ng pabulong. Samantalang si David ay sinusubuan si Rayah. Ganito silang dalawa, pagkasubo ni Rayah sa pagkain na ibibigay ni David ay si David naman ang kakain salit-salit si David. "Kapag ba umalis ka na rito Dy, hindi ka na babalik?" "Siyempre babalik pa ako para sayo." "Pangako 'yan ahh, babalikan mo ako, kapag umalis kana rito." "Pangako 'yan." itinaas nila ang kaniyang mga hinliliit, sabay dinikit at na nagsabi ng pangako.  *** "Hon!" sigaw ni Daniel sa kaniyang asawa nang makita niya itong tumakbo sa kusina habang buhat-buhat ang kanilang anak na si Daven. May niluluto kasi ang babae sa kusina at nakalimutan niyang patayin ang kalan. "Hindi ba sabi ko, huwag kang tatakbo kapag buhat-buhat mo si Daven? Baka madapa kayo niyan," lumapit si Daniel sa kaniyang asawa at kinuha si Daven sa kamay nito. Ang asawa naman ay inilagay ang kaniyang nilutong pritong isda sa plato. Tinawanan siya ni Daniel nang makita niyang may sunog ang isda. "Huwag mo akong tatawanan," tumingin ng seryoso si Claire kay Daniel, kaya napatahimik si Daniel at naglakad papuntang sala. "Tatahimik din pala kailangan pang takutin. Kainin mo itong sunog bwesit ka," habang hinahanda ni Claire ang kanilang kakainin. Si Daniel naman ay nakaramdam ng mga yabag sa labas ng kanilang mansyon. Pinatay niya ang tv at ilaw ng sala, sabay pumunta agad siya sa kusina kung nasaan ang kaniyang asawa. "Umakyat kayo sa ating kwarto at huwag na huwag kayong lalabas, pati na rin ang maglikha ng ingay. Patayin mo ang lahat ng mga ilaw nang hindi nila malaman na nandoon kayo," seryosong sabi ni Daniel at ibinigay sa asawa si Daven. Pinatay niya ang mga ilaw na nakabukas. Nang makita niyang umakyat na angkaniyang asawa ay inilabas niya ang kaniyang pistol na nakatago sa ilalim ng sofa. Nagtago siya sa ilalim ng kanilang hagdanan at pinapasok ang mga taong magtataka sa kanilang buhay. Pinakiramdaman niya ang mga yabag ng mga paa nito. Dahil gabi na walang liwanag ang bumabalot sa buong bahay kung hindi ang ilaw ng buwan, kaya mahirap siyang makita. Nang maramdaman niya na paakyat ang mga taong ito, ay isa-isa niya itong pinatumba ng tahimik, pero hindi niya inaasahan na may tumupok sa kaniya ng baril sa noo. "Matalino ka sana Daniel, kaso bobo ka pa rin sa labanan," huminga siya ng malalim at kinuha ang baril na nakatutok sa kaniya sa lalaki. Mabilis niyang pinutukan ang mga magtututok sa kaniya ng baril at pinagsusuntok ang mga walang baril na hawak. Ang mga gamit sa kanilang bahay ay nagulo, dahil sa dami ng lalaking kinalaban ni Daniel. Nasusuntok siya ng mga kalaban, pero hindi pa rin siya tumitigil sa paglililag suntok, at pagbabaril. Hindi dapat siya magpatalo, dahil may pamilyang naghihintay sa kaniya sa kwarto, pero napapagod na siya, ang kaniyang mukha ay baldado na pati na rin ang kaniyang katawan. Sampo laban sa isa. "Ibigay mo na ang iyong kaluluwa sa impyerno Daniel, dahil hawak na namin ang pamilya mo," napatingin si Daniel sa kaniyang asawa na umiiyak at nanginginig. Mahigpit ang paghahawak nito sa kanilang anak. "Mamili ka Daniel? Ang asawa mo?" nang tutukan ng baril ng lalaki ang kaniyang asawa ay tinutukan din ni Daniel ang lalaki sa noo ng baril. "O ang anak niyo?" "Binabalaan kita Havier, huwag mong idadamay ang pamilya ko rito." "Gan'yan ka na ba ngayon manakot, Daniel?" ikinukuha ni Havier ang anak nila kay Claire, pero hindi niya ito makuha, dahil sa higpit ng hawak ni Divine sa bata, pero nakuha rin naman niya ito nang may pwersa niya itong kinuha. "Kung unahin ko kaya ang anak niyo?" mapang-asar na sabi ni Havier. "Parang awa mo na huwag ang aming anak," kumuyom ang kaliwang kamay ni Daniel nang marinig niya ang kaniyang asawa na nagmakaawa. Hindi niya dapat nararamdaman ito, hindi nito dapat nararanasan ang problemang ito. Kung hindi dahil sa mga kalaban nila, nahihirapan ang buong De Loughrey. "Kung mamamatay ako ngayon, uunahin muna kita," susugod na sana si Daniel nang bilang may mga bala na tumagos sa kanilang bintana at sapol sa noo ang mga tauhan ni Havier. Lumaki ang mga mata nito nang makita niya ang kaniyang mga tauhan ay nakahiga sa sahig. Hinagis niya ang bata at nagmamadaling umalis sa bahay nila. Buti nalang at nasalo agad ni Daniel ang kaniyang anak, kaya hindi ito napahamak. Pinuntahan niya agad ang kaniyang asawa na nakaupo sa hagdanan at nanginginig ito sa takot. "Hon?" kinuha agad ni Claire ang kaniyang anak at mas lalong napaiyak nang makita niyang ayus lang ito at walang galos. "Salamat sa Diyos at ayus ka lang Daven," bulong ng babae sa kaniyang anak, kaht alam ng babae na malayo na sila sa panganib ay hindi pa rin natatanggal sa kaniya ang pagkakakaba at katakutan. Napatingin si Daniel nang bumukas ang kaniyang pintuan at pumasok ang kaniyang Ama na may hawak na pistol. Ang nasa likod ng Ama ay ang kanilang mga tauhan. "Ayus lang ba kayo? Ang aking apo?" tumungo si Daniel. "Ayus lang kami, Papa. Salamat sa pagtulong," tumingin ang matanda sa kaniyang biyenan na si Divine. "Muntikan na kayong magawa kay Dexter, anak. Sigurado ako na hindi kayo ligtas sa Pilipinas, kailangan niyo nang umalis dito." "Sigurado ba kayo, Papa?" "Anak, nandito pa naman si Divine, hindi pa siya matatapos pa lang siya sa kolehiyo, kaya hindi niya pa ako iiwan." "Kung sa gano'n, kami ay maghahanda para bukas aalis na agad kami sa Pilipinas," hinawakan ni Derick ang balikat ng kaniyang anak at tumingin kay Claire na kanina pa umiiyak habang nakatingin kay Daven. "Alagaan mo ng mabuti ang iyong pamilya, huwag mong hahayaan na matulad ka sa iyong kapatid, dahil hindi ko na kakayanin, kapag nawala pa kayo sa aking buhay." "Huwag kang mag-alala Papa, babalik kami sa Pilipinas tuwing pasko at kapag maayos na ang lahat, dito kami ulit titira." "Sige, aasahan ko 'yan." "Mahal ka namin Papa. Makikita mo rin si David." "Sana nga."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD