Kabanata III

1703 Words
Habang naghuhubad ng damit ang batang si David ay biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Emely. Napatingin si David sa pintuan at lumaki ang mga mata nang makita niya ang isang maliit na batang babae na nakasilip sa kaniya. Itinaas niya muna ang kaniyang short, bago lumapit sa batang babae. "Masama ang manilip sabi ng Mama ko." nahihiyang lumabas ang batang babae sa kaniyang pinagsisilipan. Napansin naman ni David ang hawak na manika ng batang babae, kaya sinenyasan nya itong lumapit sa kaniya.  Nakatungo ang batang babae habang naglalakad ito palapit kay David, ayaw nya sanang lumapit kay David, kasi baka pagalitan niya nito, pero mukha namang mabait kaya sinunod niya ang batang lalaki. "Ikaw palang ang unang nakakakita ng katawan ko maliban sa magulang ko, kaya sekreto lang natin ah?" Dahan-dahan na tumungo ang babae at umupo sa kama ni Emely. "Maliligo ako, gusto mo bang sumabay?" napatingin ang babae kay David at napangiti. "Halika samahan mo ako maligo, ayaw ko kasi na walang kasama maligo, para kasing may multo na nakatingin sa akin sa tuwing bubuhos ako ng tubig. Nasanay pati ako na kasama ang Papa o kaya Mama ko maligo." "Nakita mo na naman katawan ko kaya ayus lang, ikaw naman maghubad ka na." dahil mga bata pa lamang sila, hindi nila alam na nakakahiya ang kanilang ginagawa, na kapag matatanda ay bawal iyong gawin. Mga bata pa lang naman sila kaya pwede silang maligo ng sabay, pero kapag babae at lalaki ang pangit tignan.  Naghubad silang dalawa sa kanilang harapan at pumasok sa banyo. Pumayag ang batang babae na samahan si David maligo, dahil mahilig ito sa malamig na tubig, gustong-gusto niya palaging maligo. "Ano nga pala ang pangalan mo, bata?" tanong ni David, habang nagbubuhos ng tubig sa kaniyang sarili, pati na rin ang batang babae ay kaniyang binubuhusan ng tubig gamit ang tabo. Tinutulungan niya itong maligo.  "Hindi ka pa siguro nakakapagsalita, kaya tingin lang ang sagot mo sa akin o kaya ayaw mo lang talaga ako kausapin?" umiling ang bata at nagpasabon kay David. "Ganito nalang ang pangalan ko nalang sayo ay Littel, kasi ang liit mo," ngumiti si Littel at nagtalsikan sila ng tubig, kaya ang banyo ni Emely ang basang-basa. Ilang minuto nilang nilaro ang tubig. *** Nang makapasok si Emely sa kwarto ng matandang madre ay tinignan siya nito ng seryoso. "Alam mo naman na hindi ka makakapagtago ng sekreto sa akin hindi ba?" kinabahan bigla si Emely at hinawakan ang kaniyang sariling kamay. Iniisip niya na alam na ng matanda, tungkol sa batang lalaki na idinala niya rito. "Hindi ko naman po-." "Alam ko na mababa ang mga grado mo sa iyong mga pagsusulit," lumaki ang mga mata ni Emely at nakahinga ng maayos. Buti nalang at hindi niya na sabi ang tungkol kay David, kung na sabi niya malalaman agad ng matanda. Nagpapasalamat siya sa matanda, dahil pinutol nito ang sasabihin niya kanina. "Sister Alma, sobra pong hirap ng pagsusulit na iyon, 'yong iba nga po umiiyak na sa hirap, kaya huwag po kayong mag-alala, hindi lang po ako ang may mababa na marka sa aming klase at saka hindi po ako umiyak habang nagsasagot." "Ako ba ay niloloko mo?" napakamot ng buhok si Emely. "Ikaw ay nasa kolehiyo na Emely, kaya sana pagbutihin mo na ang iyong pag-aaral. Huwag mong sayangin ang pera na pinapa-aral sayo ng DSWD." "Hindi ko naman po sinasayang," tumingin si Emely sa baba. "Sadyang mahirap lang po talagang makakuha ng mataas na marka, dahil napakahirap po ng aming sinasagutan." "Oh, sige na, maligo ka na napakadumi ng suot mo," napatingin si Emely sa kaniyang damit at nakahinga ng maayos nang makita niya na hindi gaano kahalata ang tuyo na dugo sa kaniyang damit. Noong binuhat niya kasi si David, may kumapit na kaunti na dugo sa kaniyang damit. "Patawad po Sister Alma at salamat po sa pag-intindi, pangako ko po sa'yo na susubukan ko pong ipataas ang aking mga marka," pagkatapos niyang sabihin 'yon, lumabas agad siya sa kwarto ng madre at bumalik ulit sa kwarto ng mga batang lalaki. Ang bahay ampunan na ito ay malaki kasya ang isang daan na bata. Dalawa lang kasi ang bahay ampunan na ipinatayo ng Gobernor sa Grimson City kaya kailangan malaki ang bahay ampunan.  Nagmadali siyang kumuha ng isang damit at short, sabay dumeretsyo sa kaniyang maliit na kwarto, pero hindi niya inasahan na makita niya ang dalawang bata na nakahubad at magkayakap na natutulog sa kama. Kaya ang kama at sahig ng kaniyang kwarto ay basang-basa. "Bakit nandito si Rayah? Ano ang ginagawa niya rito? Naligo sila ng sabay? Magkahubad pa? Naku po, bata-bata palang nag-ano na," bulong ni Emely. "Kung ano-ano na naman ang naiisip mo Emely, siyempre hindi nila alam 'yung tungkol sa ano, haays." napailing nalang siya. Binihisan niya muna ang dalawang bata, bago siya naligo at magbihis. Pagkatapos niyang magbihis. Humiga agad siya sa kaniyang kama at niyakap ang dalawang bata. *** "Ate!" paggigising ni David kay Emely. Tumatalon ito sa kaniyang kama kaya nagising agad si Emely. "Goodmorning, Ate!" ngumiti si Emely kay David. Si David naman ay hinawakan ang kanang kamay ni Emely at hinila palabas ng akniyang kwarto, dahil bangag pa si Emely hindi niya alam kung ano ang nangyayare. Nakalimutan niya na, na hindi pa alam ng mga madre at mga bata na may ipinasok siya na bahay sa bahay ampunan. "Ate, alam niyo po ba na ang sarap ng pagkain dito? Grabe po, mag-almusal na po kayo," dahil sa sinabi ni David nagising si Emely at napatingin sa mga bata at madre na kumakain sa hapagkainan. Ang lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya. "Paano?" "Kailangan mong magpaliwanag sa amin, Sister Emely," lumambot ang balikat ni Emely at sumunod kay Sister Alma. Si David ay umupo sa tabi ni Rayah at sila ay kumain ng masaya at nagsusubuan. "Hindi mo ba alam na bawal kang magdala ng bata rito ng hindi sinasabi sa amin? Emely, pwedeng mawala ang pag-aaral mo sa iyong ginagawa," nakayuko lang si Emely at hindi pinapakinggan ang mga sinasabi ng matanda. "Saan mo nakuha ang batang iyon?" "Sa daan po." "Bakit mo idinala rito?" "Sister Alma, wala po akong magagawa na dalihin ang bata rito, dahil puro dugo ang buong katawan niya. Opo bawal po ang ginawa ko kagabi, pero may rason po ako kung bakit ko 'yon ginawa. Awang-awa po ako sa bata sabi niya po sa akin na nawawala siya at hindi niya alam kung saan ang pabalik sa bahay nila. Nawawala si David at hindi ko naman po hahayaan na maglakad-lakad siya sa isang madilim na daan. Hindi niya ng apo alam na dugo ang nasa katawan niya kagabi." "Sinabi mo ba na parang may pumatay sa magulang niya?" "Parang ganoon na nga po, pero hindi po ako sigurado. Sister Alma, tulungan po natin si David na makita ang mga magulang niya o makahanap ng panibagong pamilya. Napakabuti niya pong bata, kaya sayang naman po kung lalake siya na walang magulang." "Pero alam mo Emely kung gaano kahirap ang makahanap ng magulang para sa mga batang ito. Kung hindi natin mahahanap agad ang kaniyang magulang, kung sakaling may mag-ampon sa kaniya ay ibibigay agad natin siya, para magbagong buhay. Alam ko agad na masiyahin ang batang iyon Emely, dahil hindi naman naging ganon kaingay ang mga bata, ngayon lang ito nangyare." "Ipapa-imbestiga po ba natin siya?" "Kung kailangan natin gawin iyon para mahanap ang mga pamilya ni David ay gagawiin natin." "Pero paano po ang tatay ni Rayah? Hindi po ba sabi sa atin ng Ina niya ay kailangan nating hanapin si Mr. Abraham?" "Simula sanggol pa lang ay nandito na si Rayah at wala man lang tayong balita sa kaniyang Ama, kaya imposible na ang kaso na iyon. Hindi na natin alam kung buhay pa ba si Mr. Abrahan o patay na." lumapit si Sister Alma kay Emely at hinawakan ang magkabilang pisngi. "Karapatan ng mga bata rito ang sumaya, pero panghabang buhay na ata sila rito titira." "Huwag mong sabihin iyon Emely, manalangin lang tayo sa Panginoon, baka balang araw ay ibigay niya ang ating panalangin. Maghintay lang tayo. Dadating din tayo riyan," binitawan ni Sister alam ang dalawang pisngi ni Emely. "Sige na kumain ka na ng almusal. Sabayan mo sila David, sigurado akong matutuwa sila kapag nalaman nila na sasabay kang kumain sa kanila." Minsan lang kasi sumabay si Emely na kumain sa mga bata, dahil palagi itong may pasook, kailangan niyang gumising ng maaga, para hindi mahuli sa klase. "Ate, ang saya po rito," lumapit si Emely kay David at hinawakan ang malambot na buhok nito. "Umupo po kayo sa tabi ko, para makakain na rin po kayo." Umupo si Emely sa tabi ni David, ang akala niya magseselos ang mga bata, pero hindi. Nakangiti lang ang mga ito habang nakatingin sa kaniya. "Masaya po kaming makasama ka sa almusal Ate Emely," sabi ni Lexies ang batang babae na kumakain sa harap nila. "Ako rin po Ate, namiss ka po namin," singit naman si Sevi ang nasa kabilang lamesa. Mga bata lang ang nandito isang taong gulang hanggang sampong taong gulang. Ang mga malalaki kasi ay nasa kabilang bahay ampunan. Ipinaghiwalay ang maliliit at malalaki, para raw hindi malito ang lahat sa sobrang dami. *** "Nasaan ang anak nina Dexter at Xaira?" tanong ng matanda sa kaniyang limang tauhan na nakamaskara. "Hindi po namin siya nahanap sa buong bahay Boss," kinakabahan na sabi ng nasa gitnang lalaki. "Bakit hindi niyo hinanap sa labas?" "Boss sabi po kasi nito," turo sa kanang katabi niya. "Na parating na raw po ang mga pulis, pero hindi naman po talaga. Boss totoo po ang aking sinabi na hindi po talaga namin nahanap ang anak nila sa buong bahay." "Alam niyo ba na may panic room sa bahay na iyon?" "Panic room?" "Ang mga De Loughrey ay may palaging panic room sa kanilang mga bahay, huwag niyong sabihin sa akin na hindi niyo alam?" "Hindi po namin alam, Boss," kumuyom ang mga kamay ng kanilang pinuno at sinuntok ang lima isa-isa sa sobrang galit. Kung alam niya lang na mga bobo ang kaniyang isinama ay hindi nalang sana siya nagpasama. "Umalis kayo sa harapan ko! Mga wala kayong kwenta!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD