Kabanata II

1252 Words
"Ate?" tumingin si David sa babaeng kasama niya. "Saan po tayo pupunta?" "Secret po baby boy," napasimangot si David at kinagat ang kuku niya. Sila ngayon ay naglalakad, dahil baka magtaka ang mga tao kapag sumakay sila ng jeep. Hindi naman makikita ang dugo ng bata, dahil masyadong madilim ang kanilang dinadaanan. "Ate kanina pa po tayo naglalakad ang sakit na po ng mga paa ko, mukhang hindi wala po kayong bahay, naghahanap po ba tayo ng magandang tutulugan sa daan?" napangiti ang babae at umupo sa harap ng bata. "May bahay na tinutulugan si Ate, pero bawal nilang makita na ganiyan ang itsura mo kaya tayo naglalakad." "Hindi naman po malaki ang paa ko, para makapaglakad ako ng malayo, kaya," nagpaawang sabi ng bata. "Buhat hehehe." Tinignan ng babae ang kaniyang suot at sabay baling sa bata. May punto naman ang bata, maliit naman talaga ang paa nito kaya napapagod na, halata naman sa itsura ni David. "Sige na nga, ikaw talagang bata ka, halika ka kay ate, bubuhatin na kita," natuwa ang bata at binuhat na siya ng babae. Sumubsob si David sa leeg ng babae kaya nakiliti ito, erpo pinabayaan niya nalang iyon. Kailangan agad nilang makabalik sa bahay ampunan, para malinisan agad ang bata. Kahit nabibigatan na siya ay pinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad. nangangalay na ang kaniyang mga braso, nakatulog na kasi ang bata kaya hindi niya ito mababa, ayaw niya namang gisingin ito, dahil mukhang pagod na pagod. Habang naglalakad siya, iniisip niya ang mga magulang ni David. Iniisip niya kung nasaan na nag mga ito, bakit hinayaan nila ang kaniyang anak na maglakad sa kalsada. Naawa siya sa bata, dahil hindi man lang ito inalagaan ng mabuti. Nang makadating sila sa bahay ampunan, dahan-dahan siyang naglakad papasok ng bahay. Gabi na kaya alam niya sa oras na ito ay tulog na ang mga madre at mga bata. Nasa labas lang siya, dahil kailangan niyang mag-aral. Nag-aaral kasi siya ng kolehiyo sa Grimson College. Hindi niya inaasahan na makakita ng bata sa daanan. Hindi niya rin naman alam kung nasaan ang mga magulang ng bata kaya naisipan niya nalang na ipasok ito sa bahay ampunan. "Nasaan po tayo?" tanong sa kaniya ni David pagkapasok na pagkapasok nila sa kwarto ng babae. "Baby boy, kailangan mong maligo ha? Kaya maghubad ka na hintayin mo ako rito, kukuha lang ako ng damit mo." "Pero ate sabi sa akin ni Mama, masama raw po na maligo kapag gabi na, pwede po ba na huwag na akong maligo? Baka po kasi pagalitan ako ng Mama ko," ngumiti si Emely at pinantayan ng laki si David, sabay hinawakan ang mga kamay nito na may tuyo na mga dugo. "Makakatulog ka ba kapag madumi ang katawan mo?" tinignan ni David ang kaniyang katawan at natuwa. "Hala ate! Tignan mo po oh, may kulay po ang mga balat ko hehehe," hindi talaga alam ni David na dugo ang nasa katawan nito. "Hindi ba? Madumi ang balat mo, kaya kailangan mong maligo agad-agad." "Ganon po ba iyon? Hindi po kasi ako pinapaliguan ng Mama ko kapag gabi nililinisan niya lang po ang katawan ko," napatawa si Emely, sabay tumayo. "Lilinisin lang naman talaga natin ang katawan mo." "Ehh?" hinawakan ni David ang kamay ni Emely. "Iba naman po kasi ang ligo sa linis ate, kapag maliligo ka, babasain niyo po ang buong katawan niyo kasama ang buhok, ang paglilinis naman po ng katawan ay hindi isasama ang pagbabasa ng buhok, nakuha niyo po ba ate?" "Sino ba ang magulang mo? Ibabalik na kita sa kanila," biro na sabi ni Emely at tumawa. "Si Xaira at Dexter po." "Alam mo ba ang mga apelyido nila?" "Delor? Ahh opo Delor po hehehe naalala ko na po." "Ahh sige maghubad ka muna ahh, kukuha lang ako ng damit." "Sige po." Lumabas si Emely sa kaniyang kwarto at pumunta sa kwarto ng mga bata ng pang lalaki. "Sister Emely?" nagulat si Emely nang makarinig siya ng boses ng babae sa kaniyang likod habang kumukuha ng damit sa kabinet ng ibang bata. "Ano ang iyong ginagawa riyan?" mahina lang ang pagkakasabi ng matanda, para hindi magising ang mga batang lalaki. "Sister Fely," kinakabahan na sabi ni Emely, ayaw niyang magsinungaling pero may mga dugo pa ang katawan ng batang iyon kaya, hindi pa nila pwedeng malaman. Wala siyang magagawa kung hindi ang magsinungaling sa matandang madre. "Ano ba ang ginagawa mo rito? Baka magising mo ang mga bata," lumapit si Emely sa matanda sabay binulungan. "May hinahanap lang po ako." "Ano?" "Ahhm," nag-isip muna siya ng palusot bago nag-umpisa ulit sa pagsasalita. "Yung maliit na bola ko po, nakita ko po kasi na pumasok dito, kaya po pumasok na rin ako, hindi naman po ako naglilikha ng ingay," alam niyang imposible ang sinabi niya, dahil hindi naman siya naghahanap sa sahig kung hindi sa kabinet, pero sana hindi na isipin iyon ng matanda at paniwalaan siya. "Oh sige, sumunod ka sa akin, may kailangan tayong pag-usapan," pagkalabas nilang dalawa sa kwarto ay huminto si Emely sa tapat ng pintuan. Nagdadalwang isip ito kung sasama ba siya sa matanda, dahil may kailangan pa siyang gawin. Bata ang iniwan niya sa kaniyang kwarto at hindi niya alam kung ano na ang ginagawa nito ngayon, baka may nangyare na sa bata ng masama, pero wala din siyang nagawa kung hindi ang sumunod. Kapag kasi hindi siya sumunod sa madre ay baka pabagalitan siya nito. *** Biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Derick De Loughrey at pumasok ang kaniyang sekretarya. "Mr. De Loughrey." "Kung hindi maganda ang ibabalita mo sa akin ay umalis ka nalang." "Maganda balita po ito Mr. De Loughrey. Nalaman na po namin kung sino ang mga pumatay sa inyong anak," napatayo si Derick at seryoso na tumingin sa kaniyang sekretarya. "Sino?" "Ang mga Van Doren po," napakuyom ang mga kamay ni Derick at huminga ng malalim para hindi magalit, dahil baka mahighblood siya. "Sabi na nga ba na sila ang pumatay sa pamilya ng anak ko. Hanapin niyo kung saan naglulungga ang mga Van Doren, tagalan niyo ang paghahanap, dahil kapag maaga niyong nahanap ang mga iyan, hindi ako magdadalawang isip na ubusin ang ang mga lahi nila." "Masusunod po," aalis na sana ang lalaki nang pigilan siya ni Derick. "Ang apo ko? nakita niyo na ba ang apo ko?" Nang makita niyang umiling ang kaniyang sekretarya ay mablisa siyang napaupo sa kaniyang upuan habang hawak-hawak ang noo nito. Tumulo ang kaniyang mga luha nang makita niya ang larawan ng pamilya ng kaniyang anak. Si David ay sanggol palang dito at hawak nito ng kaniyang Ina, habang ang kaniyang anak naman na si Dexter ay nakatayo. Ang apo niya nalang ang naiwan ng kaniyang anak, lalo na't unang apo niya ito kaya kailangan niyang mahanap agad si David. "Papa?" napatingin siya sa kaniyang anak na si Daniel. "Umiiyak ka nanaman." Napangiti siya nang ipinabuhat niya sa kaniya ang kaniyang pangalawang apo kay Daniel. "Hindi na ako umiiyak na kita ko na si Daven eh," nilaro-laro niya ang kaniyang apo at pinapatawa. Si Daven ay isang taong gulang pa lang. Masaya siya noong nakita niya ang kaniyang apo, pero parang may kulang pa rin sa kaniyang buhay at ito ang kaniyang panganay na anak. Pinag-sisihan niya naman na pinalayas niya ito, araw-araw siyang umiiyak, pero wala namang mangyayari kahit magsayang pa siya ng luha. "Huwag mo na munang isipin si Kuya, Papa, mahahanap din natin siya," ngumiti siya sa kaniyang anak at pinagpatuloy ang paglalaro sa kaniyang apo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD