Kabanata I

1716 Words
"Mama hindi po ba bukas na ako papasok?" tanong ni David sa kaniyang ina na nagluluto ng kanilang tanghalian. Si David ay apat na taong gulang pa lamang maglilima sa susunod na buwan. Siya ang unang apo ng mga De Loughrey. "Oo, anak, nasasabik ka na ba bukas?" mahinhin na sagot ng ina habang hinahanap ako tinola na niluluto niyo. Ito kasi ang paborito ng bata kaya niya ito niluluto, ginaganahan kumain ang bata kapag ito ang kanilang ulam, dahil ang ina niya ang nagluto. "Opo mama, gusto ko na pong pumasok, dahil madami po akong makikilalang mga bagong kaibigan, hindi po ba masaya iyon?" "Nagagalak ako na gusto mong mag-aral anak, pero 'yung mga bilin ko sa'yo huwag mong kakalimutan ha?" "Ano po ba ang mga bilin mo mama?" kinunutan siya ng kaniyang ina, kaya napatawa si David. "Biro lang po mama. Ang mga bilin niyo po sa akin ay huwag magpapapawis kapag napawis kailangan maglagay ng towel sa likod, palaging makinig sa titser, huwag makulit at maingay, huwag makasakit ng kaklase, kapag may kailangan ng tulong tutulungan ko po, at higit sa lahat, kailangan mahalin ang mga kaklase," nakangiting pinatay ng ina ang apoy ng kalan at lumapit sa kaniyang anak na nakaupo sa bar chair. "Hindi ako nagkamali na buhayin ka anak," sabi ng ina sa kaniyang isip. Timulo ang luha nio ay hinalikan ang noo ni David. *** "Buntis ako," nanginginig na sabi ni Xaira nang makita niya ang pregnantcy test sa kaniyang kamay. Kinakabahan siya, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, lalo na't ayaw sa kaniya ng tatay ng kaniyang mahal. "Heart? Nasa loob ka ba? Bakit ang tagal mo riyan sa banyo?" "Teka lang, lalabas na ako may ginawa lang kaya natagalan," naghilamos muna si Xaira at itinago ang pregnantcy test. Hindi niya muna sasabihin na buntis siya, dahil ayaw niyang mabalisa ito. Huminga siya ng malalim at binuksan ang pintuan ng banyo. Nakita niya ang kaniyang asawa na nanonood sa tv, ito ay nakaupo sa sofa habang ang mga paa nito ay nakapatong sa maliit na lamesa. Napangiti nalang siya at tinabihan ang kasintahan. "May pupuntahan nga pala ako bukas," tumingin siya kay Dexter. "Kailangan kong makahanap agad ng trabaho, dahil alam kong hindi ka mabubusog sa halik ko." "Gago," napatawa si Dexter at niyakap ang hinalikan ang ulo ng kasintahan. "Aalis din ako bukas." "Saan ka pupunta? Sabay na tayo umalis, para maihatid kita." "Hindi na kailangan, magtataxi nalang ako." "Masusunod po mahal ko." Tumulo ang mga luha ni Xaira na kanina niya pa pinipigilan. Hindi niya talaga alam ang gagawin. Galit sa kanila ang ama ni Dexter. Alam niya na gagawa ang ama na mapalayo silang dalawa, at kapag nangyare 'yun paano na ang kanilang magiging anak. Kinabukasan* "Bye, mag-iingat ka, I love you," hinalikan ni Dexter si Xaira sa labi at umalis na ng bahay. Nang makita niya ang kasintahan na wala na, pumunta na siya sa kanilang kwarto at nagpalit ng damit. pagkatapos niyang magbihis, lumabas agad siya sa bahay at isinara ang pintuan. Pumunta siya sa Mercury Drugstore para bumili ng abortion pills. Alam niyang mali ang aniyang ginagawa, pero wala na siyang magagawa. Natatakot siya na baka pati ang kaniyang magiging anak ay kukuhain ni Derick at ayaw niyang mangyari 'yon. Kaya niya gagawin ito. Habang naglalakd siya pabalik sa kanilang bahay ay tumutulo ang mga luha nito. Wala psiyang pake kung nakikita siya ng mga kapitbahay nila. Malungkot siya kaya kailangan niyang ilabas ito. Nang makapasok siya sa kanilang bahay, inilapag niya ang kaniyang bag at kinuha ang pills, sabay naglakad papunta sa banyo. "Patawarin mo ako anak, ayaw kong madamay ka sa kamalian namin," nakatingin lang si Xaira sa gamit na kaniyang hawak-hawak. "Congratulation, you are 3weeks pregnant. Tandaan mo Misis, ang mga bata na nasa ating sinapupunan at isang biyaya. Ibinigay ito ng Panginoon, kaya huwag mong sasayangin." Naalala ni Xaira ang mga sinabi sa kaniya ng Obygne. "Aaahhh!" sigaw niya at itinapon ang gamot na hawak niya. "Sorry anak, patawarin mo si Mama, hindi ko sinasadya." *** "Ayus lang po ba kayo Mama? Bakit po may tubig ang inyong mga mata? Napuwing po ba kayo?" Nakalimutan niya na nasa harapan niya pala ang kaniyang anak. Hindi dapat siya umiiyak sa harapan ng bata, dahil baka maapektuhan ito. "Oo anak na puwing lang ako," yumakap sa kaniya ang anak at nagpakarga. Kinarga niya naman ang anak, kaya nasabik ang bata. "Mama, ibaba niyo po ako sa sofa, gusto ko pong manuod ng Mr. Bean, pwede po ba?" "Sige papayagan kita, pero kapag oras na ng kain, kakain na ha? Hihintayin lang natin ang Papa mo," ibinababa niya ang anak sa sofa. "Opo Mama, salamat po," hinalikan siya ni David sa kanang pisngi at nanuod na ng Mr. Bean. Napailing nalang si Xaira sa kasweetan ng anak. Napalaki niya ng maganda ang anak at masaya na siya roon. Hindi siya nagkamali na buhayin at palakihin ito. Masaya siya dahil may anak siya na napakatalino at napakakulit. Sumusunod ito sa kanila palagi at kapag hindi sumunod ay papaluin nila hanggang sa magsorry ang kanilang anak, syempre pati sila ay magsosorry. Kapag hindi sila humingi ng paumanhin ay baka magtanim ng galit sa kanila ang kanilang anak. Habang tinitignan ni Xaira ang kaniyang anak na nanunuod ng palabas ay tumawag sa kaniya ang kaniyang asawa. [Magtago kayo ni David ngayon na!] "Ano?" nakaramdam ng kaba si Xaira, naririnig niya ang mga putok ng baril sa labas at mga yabag ng mga tao. [Bilisan mo na Xaira! Magtago kayo ng ating anak. Parang awa mo na!] Mabilis niyang kinuha ang kaniyang anak at pumunta sa panic room ng bahay nila. Oo nagpagawa sila ng panic room, dahil sabi sa kaniya ng kaniyang asawa ay magagamit nila ito kapag may mangyayaring masama sa kanila at tama nga ito. Ang panic room nila ay hindi basta basta makikita, dahil nakatagong-nakatago ito sa ilalim ng kanilang bahay. "Anak dito ka lang ha? Huwag kang lalabas, kailangan kong tignan ang iyong Ama sa labas," kinakabahan na sabi nito sa kaniyang anak na nakatingin lang sa kanila. Bata pa ito kaya hindi pa nito alam ang mga nangyayari. "Ano po ang nangyayari, Mama?" "Basta sundin mo nalang ang sinabi ko sayo ha? Anak?" "Opo." Iniwan niya ang kaniyang anak sa panic room at sumilip sa sala. Nagulat siya nang makita niya ang kaniyang asawa na hila-hila ng isang lalaki. Duguan na ito at nahihirapan makahinga. Pinigilan niyang hindi makalikha ng ingay, kaya ang kaniyang mga kamay ay nakataklob sa kaniyang bunganga. "Sabihin mo sa amin kung nasaan ang pamilya mo Dexter," sabi ng isang lalaki na may hawak na baril. Hindi nakikita ni Xaira ang mga mukha ng mga lalaki, dahil nakamaskara ito. "Hin-di ako ta-nga para ipa-hamak ang pa-milya ko," putol-ptol na sabi ni Dexter, hindi siya makahinga ng maayos at nalalasahan niya ang madaming dugo na lumalabas sa kaniyang bibig.  "Patayin niyo na 'yan, wala ng kwenta eh." *Bang!* Nang marinig ni Xaira ang putok na baril ay hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili. "Mga walanghiya!" sigaw ni Xaira at lumabas sa kaniyang pinagtataguan. Bago pa siya makalapit sa mga lalaki ay binaril agad siya sa noo, kaya bumagsak ang babae sa tabi ng kaniyang asawa. "Hanapin niyo ang kanilang anak!" dahil sa utos ng lalaki ay nagsisunudan ang mga tauhan nito at hinanap ang bata sa buong bahay, pero hindi nila nahanap ang bata. Hindi nila nakita ang panic room. "Boss, padating na po ang mga pulis," bago umalis ang mga lalaki, tinignan niya muna ang buong bahay. Nang makaalis ang lalaki, bumukas ang mga mata ni Xaira at tinignan ang kaniyang asawa. Tumulo ang mga luha nito at sinabi sa kaniyang sarili na mahal niya na mahal niya ang lalaking nasa tabi niya at hindi ito mawawala. Masaya siya na mamatay na kasama ang asawa, pero nalulungkot siya, dahil maiiwan ng mag-isa ang kanilang anak. "Mama?" binuksan ni David ang pintuan ng panic room at lumabas doon. "Papa?" dahan-dahan itong naglakad papunta sa sala. "Mama! Papa!" tumakbo siya papunta sa kaniyang magulang. Nakita niya ang mga dugo ng magulang. Nakangiti siyang kumandong sa ama. "Papa tara na kain na tayo, kanina ka pa namin hinhintay ni Mama, hindi ba Mama?" nagtaka si David kung bakit hindi gumagalaw ang kaniyang magulang kaya pumunta siya sa uluhan ng magulang at tinapik ang mga pisngi nito. "Papa Mama, huwag na po kayong matulog, kailangan na po nating kumain," hindi alam ni David na patay na ang kaniyang magulang kaya nakangiti pa rin siya habang hinahawakan ang mga mukha nito. Punong-puno na ng dugo ang katawan ng bata, pero ang akala niya ay tubig ito kaya pinaglaruan niya gamit ang mga paa at kamay. Nang mapagod ang bata sa paglalaro ay nakita niya ang pintuan ng kanilang bahay na nakabukas. Hindi pa siya nakakalabas ng bahay tuwing gabi kaya nasasabik siyang lumabas. Napangiti siya nang maapakan niya ang mga d**o, hanggang sa makapunta siya sa kalsada. Walang tao sa paligid kaya patuloy lang siya sa paglalakad. "Nasaan na ba ako?" tanong nito sa kaniyang sarili at tinignan ang paligid. Napapout siya nang hindi niya matandaan ang kaniyang dinadaanan. "Aso!" nakakita si David ng asong gala kaya tumakbo siya papunta roon. "Huwag kang tumakbo!" hinabol niya ang aso, pero hindi niya inaasahan ang kaniyang pagkadapa. "Mama!" umiyak ng malakas si David habang hawak-hawak ang kaniyang dalawang tuhod na may sugat. "Mama! Nadapa ako!" "Ano ang nangyare sa'yo?" tumigil sa pag-iiyak si David nang makita niya ang isang babae na madre. "Nadapa po ako," pinunasan ni David ang kaniyang luha pati ang sipon nito. "Naku, duguan ka wala ka bang mga magulang?" tinulungan ng madre si David na makatayo. "Meroon po." "Nasaan?" "Ahhm," sinuri ng bata ang buong paligid. "Hindi ko po alam." "Sige, hahanapin namin ang magulang mo, pero hanggat hindi pa natin siya nahahanap ay sa akin ka muna titira ha?" "Opo," hahawakan na sana ng babae ang kamay ng bata nang makita niya na may dugo rin ito. "Saan mo nakuha ang mga dugo na ito?" "Dugo po?" "Oo." "Hindi ko po alam," halatang inosente ang bata. Nagtaka na ang madre, pero may parte na sa ibang dugo ang nasa katawan ng bata. "Ako nga pala si Sister Emely, ikaw anong pangalan mo?" "David po."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD