Prologue

1285 Words
"Hindi niyo pa ba nakikita ang aking panganay?" sabi ni Derick sa kaniyang apat na business partnes. Pasko ngayon sa kanila kaya sila ay nagsasaya. Nag-imbita ang pamilyang De Loughrey na sa kanila magpasko, dahil kapag marami ay mas masaya. "Hindi pa Mr. De Loughrey, hindi niyo pa nga po ipinapakilala 'yon sa amin," sagot ni Mr. Teelers. "Ay ganon ba? Hahaha, ngayon makikila niyo na siya." "Kung ganoon nasaan na siya?" sabi naman ni Mrs. Barameda at uminom ng kaniyang wine. Ngiti lang ang sagot ni Mr. De Loughrey sa babae. Ang totoo kasi ay hindi naman niya alam kung susunod ang kaniyang anak sa utos niya, kaya hindi niya alam kung makakaabot ito sa party. Tumingin ang lahat ng tao nang bumukas ang malaking pintuan ng mansyon ng mga De Loughrey. Nagulat s Mr. De Loughrey nang makita niya ang kaniyang anak na may kasamang ibang babae at magkahawak pa ang kamay nito. Napakuyom ang dalawang kamay ni Derick at nilapitan ang kaniyang anak. *pack!* Tunog ng malakas na sampal. Sinampal niya ang kaniyang panganay na anak. "Pumunta ka lang ba rito para guluhin ang pasko namin?" "Papa, hindi ba ikaw ang nag-imbita sa akin?" "Ikaw lang ang sinabihan ko hindi ang babaeng mahirap na iyan." "Huwag niyong bastusin ang kasintahan ko sa tapat ng maraming tao." "Dapat lang siyang mapahiya. Isa siyang mahirap Dexter! Hindi siya bagay sa mga mayayaman na katulad natin!" pinipigilan ni Dexter ang kaniyang galit, dahil nakahawak ang kaniyang kasintahan sa kamay niya. "Isa kang kakahiyan sa pamilya ko! May lakas loob ka pang isama iyan sa mansyon ko!" "Tama na Papa! Kung ayaw niyo siya para sa akin. Kami nalang ang aalis! Bastusin niyo na ako, huwag lang ang kasintahan ko!" aalis na sana silang dalawa sa mansyon nang sigawan siya ng kaniyang tatay. "Hindi mo kailangan ang babaeng 'yan!" humarap si Dexter sa kaniyang ama at seryoso niya itong tinignan. "Mas lalong hindi kita kailangan," napatigil si Derick at pinanood na umalis ang kaniyang anak sa kaniyang bahay. Hindi niya inaasahan na sasabihin sa kaniya 'yon. Ngayon niya lang naramdaman ang ipagtabuyan ng isang anak. Mas masakit pa pala ito kaysa noong nawala ang kaniyang mahal na asawa na si Grasela De Loughrey. Namatay ito dahil sa sakit sa puso. "Ayus lang po ba kayo Mr. De Loughrey?" "Oo, Mr. Willow. Ipagpatuloy natin ang pasko," pinilit ni Derick na maging masaya, pero hindi niya mapigilan na mapaiyak, kaya pumunta siya sa kwarto nilang mag-asawa.  Nang makapasok siya roon ay tinignan niya ang malaking larawan na nakadikit sa pader. Ang larawan na ito ay larawan ng kanilang pamilya. Noong masaya pa sila at hindi pa patay ang kaniyang asawa. Tatlo ang kanilang naging anak. Ang panganay ay si Dexter De Loughrey, ang lalaking tinalikuran siya. Ang pangalawa naman ay si Daniel De Loughrey at ang pangatlo ay si Divine De Loughrey. Bata pa sila Daniel at Divine kaya si Dexter lang ang inaasahan ni Derick sa pagnenegosyo. Ito rin kasi ang magmamana ng kompanya niya, kaya hindi niya na ikasal ang kaniyang anak sa isang mahirap na babae. May nasa isip din siya na ipakasal ang lalaki sa iba. Sa babaeng mayaman. Pero hindi niya inaasahan na idadala niya ang mahirap na kasintahan nito sa kanilang mansyon, kaya hindi niya napigilan ang sarili na sampalin ang anak. Hiyang-hiya siya sa kaniang sarili. Sa tuwing may meeting kasi sila ay palagi niyang ikinekwento ang kaniyang anak sa mga tauhan, pero kahihiyan lang pala ang ibibigay ng lalaki sa kanilang pamilya. Ang De Loughrey ay kilalang-kilala sa buong mundo, dahil sa yaman nito. Sa tuwing dadaan ang huling buwan ay may pumapasok sa kanilang bangko na billion na pera. Ang kanilang tauhan ay mahigit limampung libo, kasama na ito ang mga tauhan sa ibang bansa. Kamangha-mangha, pero hindi pa rin mawawala ang mga problema sa mayayaman. Nakukuha nga nila ang kanilang mga gusto, pero ang hindi alam ng iba ay araw-araw na nganganib ang kanilang buhay. May mga taong gustong patayin sila, dahil sa kainggitan at gustong makuha ang kanilang kayamanan.  *** Limang taon na ang nakalipas ay nawalan na ng koneksyon si Derick sa kaniyang anak na si Dexter. Oo pinaalis niya ito, pero na sabi niya lang naman iyon, dahil siya ay galit. Hindi totoo ang mga sinabi niya. Hindi niya naman alam na totoohanin ito ng kaniyang anak. Napatingin si Derick sa bumukas na pintuan sa kaniyang opisina at nakita niya ang kaniyang secretary na lalaki. May hawak itong mga papel at ang mukha nito ay malungkot. "Mr. De Loughrey," may panginginig na sabi nito. "May nangyare ba?"  "Ang inyong anak po," napatayo si Derick at kinuha ang papel na inabot sa kaniya ng lalaki. Pagkabasa niya sa papel ay tumulo agad ang kaniyang mga luha at tinanggal ang salamin para mapunasan ang luha. "Ngayon lang po namin nalaman, dahil ito po ay sumikat sa buong mundo. Ang sabi po sa akin ng kanilang kapitbahay. Bigla nalang daw po na may pumasok sa loob ng kanilang bahay at pinagpapatay sa silang dalawa at ang ikinalulungkot po namin ay may anak po silang dalawa. Ang katawan ng bata po ay nawawala," nanginig si Derick at napaupo sa kaniyang upuan. "Kailan sila pinatay?" "Kaninang madaling araw lang po." "Saan sila nakatira?" nang malaman ni Derick kung saan tumira ang kaniyang anak ay sinabihan niya agad ang secretary niya na ihanda ang sasakyan, dahil pupunta sila sa bahay na iyon. Hindi niya papalampasin ang kaso na ito.  Nang makasakay siya sa kaniang sasakyan tinanong niya ang secretarya na nagpapaandar ng sasakyan. "Huwag paa muna tayo pumunta sa bahay nila, ipunta mo muna ako kung nasaan ang katawan ng anak ko," tumungo ang secretarya bilang sagot.  Pumunta sila sa Grimson Hospital at dumeretsyo sa morgue. Ipinakita sa kaniya ang lalaki at babae na nakahilata. Kitang-kita na patay na ang dalawa, dahil may putok ng baril ang mga noo nito.  Hinawakan ni Derick ang pisngi ng anak at umiyak. Kung alam niya lang na mangyayari ito ay hinayaan niya na ang anak na magpakasal sa kasintahan nito. Ibinigay nalang sana niya ang gusto nito,  hindi 'yong pinipigilan niya ang anak. Inisisi niya ang kaniyang sarili sa pagkamatay ng anak, dahil kung nasa mansyon niya ang mga ito ay hindi mangyayare ang trahedya na ito. Masaya sana silang lahat. Hawak-hawak niya sana ngayon ang kaniyang kauna-unahang apo. "Tara na," walang emosyon na sabi ni Derick sa secretarya.  Sumakay sila ng sasakyan na walang umiik. Halata kay Derick na nasasaktan ito. Hindi naman niya ginusto na mangyare ito. Sa totoo niyan hinanap niya ang kaniyang anak noong pinaalis niya ito sa kaniyang mansyon. Bakit niya ba kasi ipapakasal ang anak sa mayaman na babae, mayaman na naman sila. Hindi na nila kailangan ng kayaman.  "Mr. De Loughrey? Nandito na po tayo," hindi namalayan ni Derick na nasa tapat na pala sila ng bahay ng kaniyang anak. Bumaba na siya sa sasakyan at tinignan ang bahay. Ang bahay ay maliit lamang at kasyang-kasya ang isang pamilya. May mga pulis sa bahay, dahil sila ay nag-iimbestiga.  Pagkapasok ni Derick sa bahay ay tinignan niya ang mga larawan na nakadikit sa pader at ang mas nakakuha ng pansin niya ay ang larawan ng kasal nila Dexter at Xaira, pati na rin ang larawan ng kaniyang apo noong naging isang taon ito. "Hindi ba sabi mo nawawala ang katawan ng aking apo?" mahinang sabi ni Derick sa kaniyang secretarya. "Opo." "May posible na buhay pa ito kaya hanapin niyo siya. Hindi kayo titigil hanggat hindi nito pa siya nahahanap," tumitingin siya sa lalaki. "Linisin niyo ang bahay na ito, at walang sino man ang makakabili nito." "Masusunod po." "Ano ang pangalan ng aking apo?" "David De Loughrey."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD