* * Mrs. Dena Atienza's POV * * Friday, 9:00 in the morning "Honey, sino ba yang tinatawagan mo at kanina ka pa diyan aligaga?" tanong sa akin ng asawa ko. Hindi kasi ako mapakali at pabalik-balik ako sa paglalakad sa harap ng asawa ko habang hawak-hawak ko ang cellphone na nakadikit sa tenga ko. "Si Gavin, pero hindi siya sumasagot hon," sagot ko. "Oh, bakit mo tatawagan si Gavin?" takang tanong ng asawa ko sa akin. "Nestor, dalawang araw nang hindi nagpaparamdam ang magaling mong anak. Hindi ko rin siya matawagan dahil nakapatay ang cellphone niya. Mukhang sinasadya talaga ng anak mo na hindi natin siya matawagan. Yung usapan namin na isang linggo lang, uuwi siya dito, 'yon hindi niya tinupad. Magdadalawang linggo na, pero hanggang ngayon wala pa rin siya," iritableng wika ko. "

