CHAPTER-1
* *Dennis's POV* *
Hanggang kailan ba ako mai-stress dahil sa hacienda na 'yan? Naiinis kong bulong sa sarili ko, sabay buga ng hangin habang nakikinig sa mga sinasabi ni Dad sa kabilang linya.
Nandito na naman kami sa pagtatalo namin tungkol sa hacienda, na pinipilit nila ni Mom na aralin ko kung paano ito patatakbuhin ng maayos.
Nandito ako ngayon sa Amerika for 12 years, and tomorrow is my flight pauwi ng Pilipinas. Yes, 12 years akong nandito dahil dito na ako nag-high school at dalawang kurso pa ang tinapos ko—una, ang talagang gusto ko: Business Management, and of course, ang hiling sa akin ni Dad, ang Agriculture. Kahit ayaw ko, pinilit ko pa rin tapusin para lang sa kagustuhan nila ni Mom, dahil balang araw daw, ako ang magmamana ng hacienda nila sa Quezon Province. And damn, because I really don't want to inherit the hacienda, pero dahil wala naman silang ibang anak kundi ako, no choice ako.
Inuna kong tapusin ang Business Management na course ko at nang matapos ko ito, kasama ang dalawang kaibigan ko na sina Gavin at Billy, agad-agad kaming nagplano ng negosyo na itatayo sa Pilipinas—ito ang GBD's Bar na may apat ng branch sa iba't ibang parte ng Maynila. Dahil nagmula kaming tatlo sa mayayamang pamilya, lalo na si Gavin, naging madali sa amin ang pagpapatayo ng negosyo namin. Mga kaibigan ko na sila since first year high school kami at hanggang sa makatapos kami sa college, magkakasama pa rin kaming tatlo, kaya ngayon, kahit sa negosyo, kami pa rin ang magkakasama.
Nauna nga lang silang umuwi sa Pilipinas dahil kailangan ko pang tapusin ang isa pang kurso ko, ang Agriculture, na request sa akin ng parents ko. And after another 4 years being an Agriculture student, finally, makakauwi na ako ng Pilipinas for good.
Actually, madalas naman talaga akong nasa Pilipinas, 'yon nga lang ay hindi alam ng parents ko. Minsan naman, sina Gavin at Billy ang pumupunta dito sa Amerika when I was still studying Agriculture. Maging sina Mom at Dad ay pumupunta rin dito para dalawin ako.
"Anak, kaya ka nga namin pinagaral ng mommy mo ng Agriculture para alam mo kung ano ang gagawin mo kung sakaling ikaw na ang magpapatakbo ng hacienda. At 'yang Business Management na natapos mo, magagamit mo pa rin 'yan pag ikaw na ang nagpatakbo ng hacienda," sabi ni Dad sa kabilang linya.
"Dad, I have my own business, and you know that. Yes, nag-aral ako ng Agriculture dahil 'yon kasi ang hiling niyo. At isa pa, nariyan pa naman kayo, may mga tao rin naman kayo na mapagkakatiwalaan niyo sa farm, so please, Dad, Mom, I don't want to inherit your hacienda at 'yang cane sugar farm and corn farm. That is not what I want, Dad, Mom."
"Okay, kung talagang ayaw mo, hindi ka namin pipilitin."
"Really, Dad? Thanks, Dad," I said happily to my Dad.
"Yes, pero may kailangan kang gawin," Dad said seriously kaya napakunot ang noo ko.
"What do you mean, Dad? Oh, you mean you have a condition for me?"
"Exactly, son," Dad said.
"Okay, fine, Dad. Anything. So what is your condition?" I asked seriously.
"Magpakasal ka na para mabigyan mo kami agad ng apo, at baka sakali, 'yong magiging apo namin ang maging tagapagmana ng hacienda namin ng mommy mo kung talagang ayaw mong manahin ito," malakas na wika ni Dad sa kabilang linya. Nabuga ko ng malakas ang iniinom kong G's wine dahil sa gulat ko sa mga narinig ko kay Dad.
"Honey," rinig kong boses ni Mom sa kabilang linya at halatang nagulat din siya sa sinabi sa akin ni Dad.
"Are you serious, Dad?" tanong ko nang takang-taka.
"Yes, son, I'm serious," Dad said.
"Come on, Dad. How can I do that? Wala akong girlfriend kaya paano ako magpapakasal?" I said.
"Hindi ko alam, anak, pero 'yon lang ang paraan kung talagang ayaw mong manahin ang hacienda—ang mabigyan mo kami kaagad ng apo," Dad said, sabay patay ng tawag.
What the heck? Paano ko naman gagawin ang kundisyon mo, Dad? Oo, marami akong babae ngayon, pero kahit isa sa kanila, wala akong girlfriend. In short, ka-one night stand ko lang lahat ng babaeng dumadaan sa akin. At hindi ko rin sila kayang anakan, dahil kung magkakaanak man ako, sisiguraduhin ko na sa babaeng mahal ko at sa babaeng pakakasalan ko lang. Bulong ko sa sarili, sabay hilot sa noo dahil sa pag-uusap namin ng parents ko.
Maya-maya pa, napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog ito.
"Yes, bro?" Bungad ko sa tawag ng kaibigan ko na si Gavin.
"s**t, ang bango mo, baby," rinig kong boses sa kabilang linya at agad kong nakilala ang boses ni Billy. Malamang may kalampungan na naman itong babae, at base sa ingay ng background nila, mukhang nasa bar pa silang dalawa ni Gavin.
"Tuloy ba ang uwi mo bukas?" seryosong tanong ni Gavin.
"Yes, bro. Pwede niyo ba akong sunduin ni Billy sa airport?" I asked.
"Sure. Why? Hindi ka ba susunduin nila tita at tito?" Gavin asked.
"Hindi, bro. Hindi naman nila alam na bukas na ang uwi ko," I answered.
"What do you mean? Don't tell me isusurprise mo sila?" natatawang tanong ni Gavin.
"Of course not, bro. Hindi ko lang pinaalam sa kanila. Knowing Mom, sigurado pag sinabi ko sa kanila, magpapa-welcome party 'yon sa akin, at ayoko nang ganon. Gusto ko muna mag-enjoy kasama kayo, siyempre, bago umuwi sa hacienda," mahaba kong sabi.
"That's good, bro, dahil mukhang namimiss ka na ng mga chicks mo dito. Remember Sofia? She always asks me kung kailan ka daw uli babalik dito sa Pilipinas at mukhang uhaw na uhaw na siya sa 'yo," hiyaw ni Billy sa akin at mukhang naka-loud speaker pa ang pag-uusap namin sa phone ni Gavin. I shook my head and hung up the call.
Si Sofia ay isa sa mga naging kaklase namin dito sa Amerika noong college kami. And now she stays in the Philippines for good. Isa siya sa mga babaeng naikama ko pero wala kaming kahit na anong relasyon.