* *Dennis's POV* *
"Yo, Dennis Atienza in the house, welcome back again and again, bro," masayang salubong sa akin ni Billy pagkalabas ko ng airport.
"Shut up, Billy, pang-ilang welcome back mo na ba 'yan? Kada uuwi dito sa Pilipinas itong si Dennis? 20 times?" sabi ni Gavin.
Gavin is right dahil for 4 years mula nang bumalik sila ni Billy dito sa Pilipinas at naiwan nila ako sa America, baka hindi lang 20 times nila ako sinundo dito sa airport. Yes, for 4 years ganun ako kadalas pumunta dito sa Pilipinas nang sila lang ang nakakaalam, without my parents knowing.
"Yes, I know, bro, but this time kasi ito na yung huling welcome back natin dito kay Dennis, bro. Dahil finally natapos na din siya sa another course niya na Agriculture," natatawang wika ni Billy at maging si Gavin na suplado sa aming tatlo ay nakitawa na rin ng mahina.
"Shut up, mga bro, alam niyo naman kung bakit ko ginawa 'yon," I said emphatically to them.
"I never thought you would actually finish your studies of Agriculture, bro," natatawang sabi ni Gavin sa akin.
"Me, I really hope that Dennis will finish his Agriculture studies, dahil siya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Hacienda Atienza Farm," natatawang wika naman ni Billy.
Alam kasi nila na ayaw ko talagang mag-aral ng Agriculture at napilitan lang akong mag-aral ulit dahil sa kagustuhan ng parents ko, kaya madalas nila itong gawing pang-aasar sa akin dahil alam din nila na ayoko talagang manahin ang Hacienda Farm ng mga parents ko.
"What the f**k, mga bro, really? 'Yan talaga ang isasalubong niyo sa akin?" I said seriously to them.
"Girl, tingnan mo ang gwagwapo nilang tatlo," sabi ng babaeng dumaan sa may gilid namin.
"Oo nga," tugon naman ng kasama nito habang sa amin silang dalawa nakatingin. Ako naman ay tumingin sa kanila at bahagya ko pang binaba ng kaunti ang suot kong shades para makita sila ng maayos.
"Pwede," mahinang sabi ko nang sa akin sila nakatingin, sabay kindat ko sa dalawang babae, at kilig na kilig naman silang dalawa sa ginawa kong pag-kindat sa kanila. Of course, wala pang babae ang nakakahindi sa kindat ko.
"s**t, bro, hindi pa man tayo tuluyang nakakalabas ng airport, may chicks ka na," Billy said matapos akong abutan ng calling card number ng dalawang babae.
"Anong gagawin ko? Sila yung lumapit, and you see that," mayabang na sagot ko kay Billy.
"So ano, pagsasabayin mo yung dalawa?" natatawang tanong ni Billy sa akin.
"Why not, bro, if they want a threesome," nakangising sagot ko kay Billy, sabay high five namin dalawa.
Marami pang babae ang nadaanan at nasalubong namin na nagpapacute at nagpapapansin sa amin habang naglalakad kami papunta sa sports car ni Gavin, pero hindi na lang namin ito pinansin dahil hindi naman bago sa aming tatlo ang ganitong style ng mga babae. Sanay na kasi kaming tatlo na kami yung nilalapitan imbes na kami yung lalapit sa babae. Kaya masisisi niyo ba ako kung bakit marami na akong babaeng naikama? Of course not, diba? Dahil sila naman itong lapit nang lapit, at pinagbigyan ko lang ang iba sa kanila.
Kaya wala rin akong nagiging girlfriend ay dahil gusto ko ay yung babaeng ako mismo ang lalapit, hindi yung babae na katulad nung dalawa kanina na isang kindat ko lang ay gusto na ata maghubad sa harap ko, at wala pa akong babaeng nakabangga tulad ng gusto ko.
"Saan tayo nito dederetso, mga bro?" Billy asked.
"Of course, sa GBD's Bar," I said, dahil ten o'clock na rin naman ng gabi.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating kami sa Ermita, Manila, at dumiretso kami sa bar na pagmamay-ari naming tatlong magkakaibigan.
"Good evening, mga boss," sabay na bati sa amin ng dalawang security guard bouncer, at tumango lang kami bilang sagot sa kanila.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng bar ay bumungad sa amin ang maraming taong nagkakasiyahan, and as always, naagaw namin tatlo ang lahat ng atensyon ng mga tao nang makita kami, lalo na ang mga kababaihan.
"Hey, Dennis Atienza," tawag sa akin ng isang babae mula sa gilid namin kaya napahinto kaming tatlo at napalingon kami sa tatlong babae, habang ang dalawa nitong kasama ay titig na titig naman kay Gavin at Billy na halatang inaakit ang dalawang kaibigan ko. Si Billy naman ay agad na lumapit sa babaeng nang-aakit ng tingin sa kanya at binulungan niya ito. Hindi man namin narinig ni Gavin kung ano ang binulong ni Billy sa babae, ay alam na namin kung ano 'yon.
Maya-maya pa ay hindi na nakatiis ang isa pang babae at siya na mismo ang lumapit kay Gavin, sabay kapit nito sa braso ni bro Gavin. Mabilis na hinawakan ni Gavin ang kamay ng babae at inalis niya ito mula sa pagkakakapit nito sa braso niya.
Well, sorry siya dahil hindi basta-basta pumapatol itong kaibigan ko na si Gavin. Hindi siya tulad namin ni Billy na basta hangga't may condom naman ay why not. Yes, marami rin babae itong si Gavin, pero lahat 'yon ay private girls niya na kailangan ay siya lang mismo ang gumagamit. In fact, nag-hire pa nga siya ng taong nagbabantay sa mga babaeng kinakama niya to make sure na hindi nakikipag-s*x ang mga ito sa ibang lalaki.
"Sabi ko na nga ba at ikaw 'yan. Long time no see, I didn't expect na nandito ka na rin pala sa Pilipinas. What a small world at nagkita tayong muli," she said at nagkatinginan naman kaming magkakaibigan dahil sa sinabi nito.
"I'm sorry, pero kilala ba kita?" takang tanong ko sa babaeng tumawag sa akin, dahil hindi ko naman siya kilala o baka hindi ko lang talaga siya natatandaan sa dami ng babaeng dumaan sa akin.
"My God, Dennis, ganyan na ba kami karami para hindi mo ako matandaan? I'm Trisha, remember sa America, sa condo ko, 2 months ago," she said, habang ako naman ay pilit kong inaalala ang mga pinagsasabi niya.
"F**k bro, halatang hindi mo matandaan," natatawang bulong sa akin ni Billy.
"Shut up, bro," mahinang saway ko sa kanya, sabay siko ko sa kanya nang mahina na lalo niyang kinatawa.
"I'm sorry, Trisha, pero—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla na lang siyang lumapit sa akin at dinikit niya ang katawan niya sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko tuloy ang malusog niyang boobs na nakadikit sa dibdib ko.
"Shhhhh, it's okay, baby, kung hindi mo matandaan," she said, sabay lagay niya ng calling card number sa kamay ko.
"Call me, Dennis, kung gusto mong maalala," mapang-akit niyang wika nang medyo lumayo na siya sa akin.
"Sure," sagot ko, at bumalik na silang tatlo sa table nila. Kami naman ay umakyat na sa VIP place habang napapangiti at napapailing na lang kaming magkakaibigan.