* *Dennis's POV* *
10:00 in the morning. Naalimpungatan ako mula sa masarap kong tulog nang tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na table sa tabi ng kama ko. Dahan-dahan ko itong kinapa habang nakapikit pa rin ang dalawang mata ko.
Napa-buga na lang ako ng hangin nang makita ko sa screen ng cellphone ko ang tawag ni Mommy, sabay hilot ko sa noo ko.
"s**t," mariing wika ko habang hinihilot ko ang noo ko na sobrang sakit dahil sa hangover.
"Denn, where are you?" Sigaw ni Mom sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag niya. Marahil ay alam na nila ni Dad na nandito na ako sa Pilipinas.
"Mom, I'm here in my condo," walang kabuhay-buhay kong sagot dahil sa sakit ng ulo ko.
"Condo saan?" tanong ni Mom nang may diin.
"Makati, Mom, DG's condominium," sagot ko.
Ang DG's condominium building na ito, kung saan ako nakatira kapag nandito ako sa Manila, ay pagmamay-ari lang naman ng kaibigan kong si Gavin.
"So, nandito ka na pala sa Pilipinas? At wala ka man lang sinabi sa amin? Sobrang nag-aalala sa'yo ang Tita Darling mo dahil wala ka na daw doon sa condo mo sa Amerika. Kahit sa kanila, hindi ka nagpaalam," sabi ni Mom.
Si Tita Darling ay nakakabatang kapatid ni Mommy na nakatira na sa Amerika kasama ang asawa nitong Amerikano. Sobrang saya nila nang ipadala ako ni Mom and Dad sa kanila dahil wala kasi silang anak dahil ang asawa nitong Amerikano ay baog. Apat na taon lang ako nakituloy sa kanila dahil pagkatungtong ko ng kolehiyo ay kumuha agad ako ng sarili kong condo sa Amerika habang nasa college ako. Pinayagan naman ako ni Mom and Dad dahil 'yon lang naman ang kapalit ng gusto nila sa akin—ang mag-aral din ako ng agriculture. At dahil wala pa akong business that time at walang sariling income, nakaasa lahat 'yon sa parents ko.
"Mom, I left a message for Tita last night at sinabi kong nandito na ako sa Pilipinas," sabi ko.
"Yes, you left a message for her, pero bakit kung kailan nandito ka na sa Pilipinas? Sana man lang nagpaalam ka ng maayos, pati kami hindi mo sinabihan na uuwi ka. Oh my God, Denn. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo, batang ito," inis na sabi nito.
"Mom, can you please calm down? Wala naman kayong dapat gawin. I'm okay at kaya ko na ang sarili ko, hindi na ako bata, Mom."
"Yeah, you are not a child anymore, Denn, pero isip-bata ka pa rin. So, kailan ka tutuloy dito sa Hacienda?"
Damn Hacienda na naman, bulong ko sa sarili ko.
"Mom, pwede ba kayo na lang ang pumunta dito? May bahay naman tayo dito sa Manila," wika ko, dahil bukod kasi sa mansyon namin sa Hacienda ay may mansyon din naman kami dito sa Manila, at dito rin mismo 'yon sa Makati area. 'Yon nga lang ay bihira na lang nila uwian ni Mom and Dad dahil mas gusto nilang mag-stay sa Hacienda nila.
"Denn, kami ba inuutosan mo?"
"Of course not, Mom. Nagbabakasakali lang naman kung pwede dito na lang sa bahay natin sa Makati," sabi ko.
Isa rin kasi sa dahilan kung bakit ayoko mag-stay sa Hacienda ay dahil wala naman akong mga kaibigan at kakilala doon kundi si Mom and Dad lang. I was 13 years old nang umalis ako doon para sa Amerika para magpatuloy ng pag-aaral.
"No, son. Sa ayaw at sa gusto mo, uuwi ka dito. Hindi para sa Hacienda na pinipilit namin sa'yo, kundi para sa amin ng Dad mo. Gusto ka rin naman namin makasama," sabi ni Mom.
"Okay, Mom, pero pwede bang next week na lang please?"
"At bakit next week pa?" tanong ni Mom.
"May mga pag-uusapan pa kasi kami ni Gavin at Billy, Mom. It's about business," sagot ko.
Balak kasi ni Gavin na magpatayo ng another business sa Macau at Singapore, itong business niya na kilala na sa buong mundo—ang G's Wine. At gusto niya kaming maging partner ni Billy sa bagong business company niya.
"Sabihin mo kay Gavin at Billy na pag-usapan niyo na 'yan ngayong araw kung wala naman kayong gagawin para makauwi ka dito bukas."
"Mom, hindi pwede 'yan. You know Gavin, he is a very busy person dahil sa dami ng business niya."
"So, kailan niyo ba balak pag-usapan 'yan?"
"I don't know, Mom. Basta promise, next week nariyan na ako."
"Okay, basta siguruhin mo 'yan."
"Yes, Mom. Promi—"
"Good morning, baby," hindi ko na natuloy ang sasabihin ko kay Mom nang biglang magising ang katabi kong si Trisha, at pareho pa kaming walang saplot dahil sa nangyari sa amin kagabi. Kaya mabilis kong tinakpan ang bibig niya dahil baka marinig siya ni Mom na nasa kabilang linya. Pero mukhang huli na dahil sunod-sunod ko nang naririnig ang tawag ni Mom sa akin sa kabilang linya, at mukhang narinig na niya si Trisha.
"Ouch, Dennis. Why?" maarte nitong reklamo sabay tanggal sa kamay ko sa bibig niya. Kaya sinenyasan ko na lang siya na huwag maingay.
"Denn, nandiyan ka pa ba?" tanong ni Mom sa akin, hanggang ngayon ay nasa kabilang linya pa rin.
"Yeah, Mom. I'm still here," sabi ko.
"Sino na naman 'yang babaeng kasama mo?" galit na tanong ni Mom sa akin.
"It's nothing, Mom. She's just my friend."
"Yan ba ang dahilan kaya next week mo pa balak umuwi dito, ha, Dennis?"
"Of course not, Mom. Promise, business ang dahilan. Kahit tanungin mo pa si Gavin at Billy."
"Son, please, huwag kung sino-sinong babae ang kinakasama mo. Paano na lang kung mabuntis mo 'yan? O di naman kaya paano kung mabuntis 'yan tapos hindi ikaw ang ama, at ipaako sa'yo ang hindi naman sa'yo?" nag-aalalang wika ni Mom sa akin.
"Come on, Mom. I told you, hindi na ako bata, at itong kasama ko si Trisha ito. Kaibigan ko lang ito," pagsisinungaling ko kay Mom, dahil ang totoo, wala naman kaming kahit na anong relasyon ni Trisha. Pinagbigyan ko lang siya dahil hindi na niya ako tinantanan kagabi.
"Siguraduhin mo lang, Denn," pagbabanta ni Mom sa akin, and she hung up the call.
Don't worry, Mom, dahil hindi mangyayari ang kinakatakutan niyo. Dahil kahit ilang babae pa ang ikama ko, nandiyan naman ang mga magic plastic ko, bulong ko sa sarili ko na ang tinutukoy kong magic plastic ay ang ginagamit kong condom.
Pagkatapos namin mag-usap ni Mom, ay mabilis kong linapag ang cellphone ko sa maliit na table at kinuha ko sa small drawer ang bagong magic plastic, at muli kong pinatungan si Trisha na kanina pa hinihimas-himas ang sandata ko.