* *Dennis's POV* *
DING DONG
DING DONG
"Oh, bakit ikaw lang, bro? Where's Gavin?" tanong ko kay Billy nang mabuksan ko siya ng pinto.
"Well, he said hindi daw siya makakapunta," sagot nito sa akin. Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto para makapasok siya, at dumiretso naman siya sa sala.
"Why, bro? Akala ko ba ngayon tayo mag-uusap tungkol doon sa new business sa Macau and Singapore?" tanong ko muli habang sinasarado ang pinto at sumunod sa kanya sa sala.
"Bro, tinatanong pa ba 'yan? Kilala mo naman si Gavin, masyadong maraming business na inaasikaso. Hindi ko nga alam kung paano niya napapatakbo ng maayos ang mga negosyo niya sa America. Ngayon, nandito siya sa Pilipinas, tapos magpapatayo pa siya ng bagong branch ng G's Wine sa Macau at Singapore," sabi ni Billy habang umiiling.
"By the way, bro, hindi daw siya makakapunta dahil may meeting daw sila ni Tan at Lawrence," dagdag pa ni Billy, tinutukoy ang dalawang pinsan ni Gavin sa America na pinagkakatiwalaan nito sa mga negosyo doon.
"F**k, bro. Kung ganoon, i-schedule na lang muna natin sa ibang araw ang pag-uusap natin. Kailangan ko nang umuwi ng hacienda. Sumasakit na ang ulo ko kakatawag ni Mom at Dad sa akin araw-araw," sabi ko.
Lumagpas na kasi ako sa araw ng pinag-usapan namin ni Mom dahil na rin sa katamaran kong umuwi doon. Isang linggo at dalawang araw na mula nang dumating ako dito sa Pilipinas, pero hindi pa rin ako nakaka-uwi ng hacienda.
Maya-maya pa, pumunta ako ng kusina para kumuha ng G's beer namin ni Billy.
"So, kailan mo balak umuwi ng Quezon Province, bro?" tanong ni Billy nang makabalik ako mula sa kusina, sabay abot ko sa kanya ng beer.
"Maybe this coming Friday afternoon, bro," sabi ko.
"What? Alam mo naman na nagtatampo na sa'yo si Tita at Tito, tapos papaabutin mo pa ng Friday ang uwi mo?"
"Bro, dalawang araw na lang naman at Friday na."
"Yeah, I know, bro, but it's up to you kung kaya mo pang tiisin ang tawag ni Tita at Tito for two days na may kasamang sermon," natatawang wika ni Billy.
"It's easy to off my phone, bro," sabi ko nang seryoso.
"Are you f**king serious, bro? Mag-o-off ka talaga ng phone mo for two days para lang iwasan ang tawag ng parents mo?"
"Yes, bro. I'm serious. Maigi na rin 'yong hindi nila alam kung anong araw ako uuwi doon para hindi rin nila mapaghandaan. You know my mom, magpapa-welcome party 'yon pag umuwi ako doon, at ayoko ng ganoong party, lalo na at wala naman akong kakilala doon."
"Siyempre magpapa-welcome party talaga 'yun, lalo na't 12 years kang nawala sa hacienda," sabi ni Billy.
"Tapos ano? Ang mga bisita 'yong mga trabahador ng maisan at tubohan? Tsss. No need, bro. Buti sana kung may mga babaeng magaganda doon," walang kabuhay-buhay kong sabi na ikinatawa naman ni Billy ng mahina.
"Who knows, bro? Remember, matagal kang nawala. Kaya malay mo naman, may makita kang magandang dilig doon. At ito pa, bro, karamihan sa babaeng probinsyana virgin yan, and admit it, bro, hindi ka pa nakakatikim ng birhen," seryosong sabi ni Billy na may kasamang tawang mapang-asar, and I took a small pillow on my side at binato ko ito sa kanya na nasa harap ko naka-upo.
Tama naman kasi si Billy dahil kahit hindi ko na mabilang ang mga babaeng nakama ko, ay ni isa sa kanila ay wala mang virgin.
Pero one time, muntik na rin naman akong makatikim ng virgin. 'Yon nga lang ay hindi natuloy dahil nalaman ko lang naman na menor de edad ito at 17 years old lang, at hindi pa naman ako ganoon ka gago para pumatol sa batang nagkakagusto sa akin.
"Bro, alam mo naman kung paano pumorma ang babaeng probinsyana—balot na balot, at kahit tirik ang araw naka-long sleeve, isama pa ang palda na hanggang paa ang haba. Sa tingin mo, masusuot mo kaya ang magic plastic mo kung hindi naman matigas ang sandata mo?" wika ko na ikinatawa ni Billy ng malakas at maging ako ay nahawa na rin sa tawa niya.
"F**k you, bro. You mean hindi ka tatayuan sa ganoong porma?" tanong ni Billy sa akin habang tawa pa rin nang tawa.
"Bakit ikaw, Billy Tuazon, tatayuan ka ba pag ganoon ang babaeng kaharap mo?" tanong ko sa kanya.
"I think yes, bro, lalo na kung virgin," seryosong sagot nito at ngumisi pa sabay tungga ng beer.
"Sabagay, sese-sexy rin naman 'yon pag nahubaran na," sabi ko at tinaas ang hawak kong beer kay Billy, at tinaas din niya ang kanya, sabay kaming ngumisi.
"Kaya dahil diyan, bro, sasamahan kita sa hacienda sa Friday."
"Really, bro? Are you serious?" masayang tanong ko, dahil kahit papaano ay hindi ako mabobored doon pag sinamahan talaga ako ni Billy.
"Yes, of course, bro. I'm serious. Para naman makalanghap din ng sariwang hangin, hindi 'yong puro polusyon na lang. Isa pa, matagal-tagal na rin akong hindi nakakapasyal sa hacienda niyo. Huling visit namin doon ni Gavin noong kakauwi lang namin galing America," sabi ni Billy.
"Thanks, bro. Hindi mo lang alam, malaking bagay ang isa sa inyo ni Gavin ang samahan ako doon," sabi ko.
"Of course, I know, bro. At sigurado ako na pag hindi busy si Gavin, susunod 'yon sa atin doon," wika ni Billy.
"By the way, bro, how's Jake?" seryosong tanong ko kay Billy.
Si Jake ay isa rin sa matalik na kaibigan namin at hindi lang siya kaibigan ni Billy dahil nakakabatang kapatid niya ito.
"Ayon, busy sa pagra-racer niya sa America. Bakit, hindi ba kayo nagkita bago ka umuwi dito?" tanong ni Billy.
"Hindi, bro. Busy rin kasi siya. Huling usap nga namin, may malaking karera siyang sinalihan."
"Well, I would like you to know, bro, na nanalo siya sa karera niyang 'yon, and he won 50 million dollars," sabi ni Billy.
"Wow, 2 billion and 402 million pesos! Congrats to him," manghang wika ko.
Si Jake kasi, sports niya ang pagra-racing at hindi lang siya basta-basta na car racer. He is also a pro racer, mapa car racing man ito o motorbike racing. Dahil sa husay niya sa racing, ito ang ikinayaman niya. Tulad na lang ng sinabi ngayon ni Billy, hindi lang millions ang napanalunan niya kundi billions.
"Sa bagay, kailan ba siya natalo pagdating sa car racing at sa motorbike racing niya," sabi ko muli.