MIKA'S POV October 30 --8:27 AM Quezon City. Isang araw na ang nakalipas pero parang nakadikit pa rin sa isip ko ang dalawang salitang iyon. Binuksan ko ang spreadsheet habang umiinom ng kape. Thirty-six rows. Thirty-five blank spaces sa ilalim ng VISIBLE ORIGIN. At isang sagot. LETTER NUMBER 18--QUEZON CITY I should have been happy. May progress na eh. May actual clue na ako. Pero habang mas nagiging malinaw ang isang bagay, mas dumadami ang tanong. Kung may tumutulong kay Derek dito, sino? At bakit hindi niya sinabi sa akin? I glanced at my notebook. Nakatupi ang page kung saan isinulat ko ang listahan ng possible contacts. Especially Lara. She's my best friend, for God's sake. Hindi. Ayokong bumalik doon. Alam niya kung gaano ako ka-desperate kay Derek. Alam niya k

