MIKA'S POV October 29 --8:12 AM Sino ang tumutulong kay Derek? Iyon ang unang tanong na pumasok sa isip ko pagkagising. Hindi Canada. Hindi Vancouver. Hindi kung bakit tatlong taon na siyang hindi umuuwi. Isang tao. Someone here. Someone who might have touched the same yellow envelopes I had been keeping for three years. At kung tama ang iniisip ko, posibleng mas malapit sa akin ang taong iyon kaysa kay Derek. Bumangon ako at dumiretso sa mesa. Nandoon pa rin ang notebook ko. LETTER TRAIL Sa ilalim- WHO IS HELPING HIM? Dinagdagan ko iyon. Why different places? Hindi ko pa alam. Pero babalik ako sa post office. This time, mas marami akong dadalhin. Sampung envelopes ang pinili ko. Letters number 3, 6, 9, 12, 15, 18, 22, 28, 32, at 36. Magkakaibang buwan. Magkakaibang

