PARA AKONG binuhusan ng malamig na tubig sa mukha. Iyon ba ang sinasabi nilang tamang hinala? Halos hindi ako makahinga sa tuwing naiisip ko ang nangyari kanina. Nakakabingi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Seryoso siyang nagmamaneho samantalang ako ay nakatingin lang sa daraanan namin. Hindi pa rin nawawala ang hiya sa dibdib ko. Masyado akong naniwala agad sa instinct ko at naging asyumera pa ang dating niyon sa akin. Nagmistula tuloy na ako pa ang nag-e-expect na mangyari iyon. Shit. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at saka piniling umidlip. Wala akong lakas upang makipag-usap kay Marcus. Wala rin naman kasing dahilan. Kapag kinausap niya ako saka lang ako magsasalita. Baka magkamali na naman ako ng iniisip. Naramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan ngunit hindi na

