I GULPED nervously. Bumigat ang bawat paghinga ko na tila ba may kung anong nakadagan sa dibdib ko. Linu-libong kuryente ang dumadaloy sa bawat himaymay ng ugat ko. Ramdam ko malakas na pagkabog ng puso ko na parang harang sa normal kong paghinga. My body stiffened. Ang naririnig ko lang ay ang marahan pagbuga ng kanyang hininga sa leeg ko. Walang salitang namutawi sa bibig ko. Nagmistula akong naumid na naghihintay lamang sa susunod niyang gagawin. Napalunok ako ng mariin nang bahagyang humaplos ang kamay niya sa tiyan ko. s**t. Hindi ko magawang tumutol. Tila nawalan ako ng lakas. Gusto kong sumigaw pero may bahagi ng isip ko ang ayaw sumunod. Marahan na ring gumagalaw ang labi niya sa leeg ko na labis kong ikinagulat. Napapitlag ako subalit wala pa rin akong kawala sa mahigpit niyang p

