MATIYAGA AKONG inilibot ni Marcus sa buong building ng Santillian University. Na-enjoy ko ang buong maghapon kahit na nakakapagod. Inihatid ako ni Marcus sa harap ng dormitory at nagpaalam na may kailangan siyang puntahan. May ngiti sa labi akong pumasok ng elevator. Ang mga pagbabago sa buhay ko sa mga darating na araw ay nagsisimula na. May part-time na akong trabaho upang matustusan ko ang pang-araw-araw kong gastusin at tiyak na makakapag-aral ako ng maayos. Dumating si Marcus ng bandang alas singko ng hapon at may dala-dala na ilang supot. Sinundan ko siya hanggang kusina at tinulungang ayusin ang mga iyon. May bigas, de-lata, isang tray ng itlog at kung anu-ano pa. Hinanda ko na ang rice cooker sa pagluluto ng kanina nang bigla na lang siyang lumabas. Hindi ko na lang pinansin at i

