ANG SUMUNOD na mga araw ay hindi ko na halos mabilang pa. Nagiging agaw-pansin na kami ni Marcus sa buong dormitory dahil madalas kaming pumunta ng siyudad at uuwi na maraming bitbit. Bumili siya ng electric fan sa sala at silid ko para raw ‘di na ako mainitan. Sa totoo lang, hiyang-hiya na ako pero wala pa rin ako magawa. ‘Di biro ang perang ginastos niya para lang sa mga gamit at supplies na binili niya. Inalok ko na lang siya na mag-aambag ako kahit maliit na halaga tuwing sasahod ako sa part-time kong trabaho na magsisimula sa pasukan. Pumayag naman siya kaya kahit papaano ay naging panatag na rin ang loob ko. Isang linggo ang pagbubukas ng pasukan ay inaya ako ni Marcus na kumain sa labas. Medyo bored siya sa dorm samantalang ako naman ay super excited na sa pagdating ng araw ng pasu

