IYON NA ang huling araw na nakasama ko si Marcus. Inaya niya akong kumain sa labas, binisita namin sina Lolo at Lola, namili kami ng napakaraming stock na supplies kasama ng telebisyon na labis kong kinatuwaan ay bigla na lang nawala si Marcus. Nagising ako kinabukasan na wala na siya sa sofa kung saan siya natutulog. Isang maliit na papel ang nakita kong nakaipit sa taas ng tv na binili niya. I’ll be busy. Eat on time and take care of yourself. Ako pa rin ang iniisip niya bago umalis. Napangiti ako. Kakaibang saya ang naramdaman ko mula sa dibdib ko. Ang makilala ko ang isang tulad ni Marcus ay isa na yata sa malaking swerte na natanggap ko sa buong buhay ko. Tinungo ko ang kusina upang magluto ng kakainin kong almusal. Punung-puno ng laman ang ref pati na rin ang dalawang baitang na h

