BAGAMAN NANGANGAPA ako sa unang araw ko sa library ay pinuri ako ni Miss Kaye. Mabilis daw ako matuto. Kahit na hindi pa opisyal na umpisa na pasukan sa S.U. ay marami ng estudyante ang bumibisita sa library including… Selena. Ilang araw kong sinikap na iwasan siya subalit natunton niya pa rin ako. Pinipilit niya akong kausapin ngunit ‘di ko siya sinasagot kung personal lamang ang mga tanong niya. Tanging ang tungkol sa mga libro sa library ang pinagtutuunan ko ng pansin. Inabala ko ang sa rili ko upang ‘di ako magkaraoon ng pagkakataon na makausap ang pinsan ko na wala namang maidudulot na mabuti sa akin. Maaga akong pumapasok sa mga subjects ko at pagkatapos ay didiretso na ako sa library. Sa oras naman ng tanghalian ay madalas kong kasabay si Miss Kaye. Nakagaanan ko agad siya ng loob.

