“NARIYAN KA pa ba, Zoie?” Kung ilang beses akong napalunok saka ko lang napagtanto na ‘di nga ako nagkakamali na kausap ko na ulit si Marcus. Ilang beses ko na nga bang ipinagdasal na bumalik siya muli? Marami akong gustong sabihin na paulit-ulit kong sinasanay sa isip ko ngunit ngayong kausap ko na siya ay tila bigla na lang nawala. “O-oo. N-napatawag ka?” Mahina siyang tumawa. “Gusto lang sana kita kumustahin? Ano, nakapag-adjust ka na ba sa bagong buhay mo sa S.U.?” A smile formed between my lips. Naalala pa rin pala niya kung paano ko tawagin ang Santillian University. “Oo naman. Ako pa ba?” Lalong lumakas ang tawa niya. “As expected from you. Hindi ako nagkamali sa iyo.” I bit my lower lip. Nakangiti pa rin ako. “Ahm… Pauwi na ako ng dorm. Katatapos ko lang ng shift ko sa libra

