LALO YATANG nanigas ang buong katawan ko. His lips landed mine in no time! Hindi ko na magawang makahinga dahil sa pagkakasakop niya sa akin. Naging malamlam ang mga mata niyang nakatitig sa akin. Bigla akong kinabahan. Bakit uminit ang pakiramdam ko? Sa lakas ng kabog ng dibdib ko ay hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin. But this isn’t right! Tanging magkasintahan lang ang may karapatang gawin ang bagay na ito! Hindi niya inaalis ang tingin sa akin samantalang walang tigil sa pagkurap ang mga mata ko. Nang bahagyang gumalaw ang labi niya ay naghisterikal na ang sistemang kong nakatulog na yata kanina. “Ah!” malakas kong sigaw. Hindi pa ako nababaliw para hayaan siya sa ano mang nais niyang gawin. “Ano ba, Marcus!” Naipagpasalamat ko na lang talaga na walang ibang tao kaming kasama

