WALANG PAGSIDLAN ng saya ang puso ko. Nakamit ko ang unang karangalan at matutuloy na nga ang pagpasok ko sa kolehiyo. Pati si Anika ay kasama sa mga list of honors na inasahan ko rin naman. Matalino ang best friend ko e. Napaiyak nga sina Mang Tonyo at Aling Merly sa tuwa. Siya kasi ang unang anak na makakapag-aral sa kolehiyo. Sa ilang linggo bago ang graduation namin ay araw-araw kaming nag-eensayo ng graduation song at iba pang bahagi ng programa. Alam kong hindi biro ang magiging daan ko sa panibagong yugto ng buhay ko subalit gagawin ko ang lahat upang makamit ko ang pangarap ko. Magiging guro ako. Magtuturo ako sa isang eskwelahan kung saan maibabahagi ko ang aking karansanan patungo sa katuparan ng aking pangarap. Ang sarap siguro ng ganoong pakiramdam. ‘Yong mai-inspire at mamo-

