TILA TUMIGIL ang pag-ikot ng mundong ginagalawan ko. Hindi ko alam kung saan ako kakapit sapagkat nararamdaman ko na para akong nahuhulog mula sa matayog na lugar at ano mang oras ay babagsak. Marcus immediately hold my hands and put on his shoulders while making wonders between our lips. I couldn’t move. Pakiwari ko ay naging bakal ang bawat bahagi ng katawan ko to think na this is my first kiss! Pilit kong kinakapa sa dibdib ko ang malakas na kabog ng puso ko. Kulang na lang ay magsalita ito at sabihing si Marcus ang dahilan niyon. Saglit siyang huminto sa paggalaw saka iminulat ang dalawang mata na diretsong tumitig sa akin. “I’m sorry,” aniya pagkatapos na humiwalay sa akin. “Masyado lang kitang na-miss, Zoie.” Muli niya akong niyakap. “I’m so sorry.” Nanatili akong walang kibo.

