HE SAT quietly after serving me. Dinala niya ang pagkain na inihanda ko at siya mismo ang nag-asikaso sa akin. He literally baby me. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napalunok. I couldn’t stop. Wala akong lakas para gawin iyon. Mas gusto ko na lang na matapos na ang sandaling iyon upang makabalik na sa itaas. I need to go back to sleep at iisipin na lang na bahagi siya ng isang panaginip. “Sit still,” aniya. Naubos ko na ang laman ng plato ko at siya naman ay nangangalahati pa lang. Napansin kong sa bilis niyang kumilos ay marahan lamang pagdating sa pagkain. He was trained by a proper etiquette. Malayung-malayo sa akin. “Tapos na akong kumain,” turan ko saka ko siya sinulyapan. He was focus on what he’s doing. “We’ll talk after I’m done,” wika niya nang ‘di man lang ako t

