HAPON NA nang umalis ang magkasintahang Anika at Paul. Ayaw ko pa sana silang payagan subalit kailangan na nilang makabalik sa dormitory bago gumabi. I promised to them na bibisita ako sa susunod na mga araw upang ayusin ang mga gamit ko roon. Marcus also insisted on coming with me too na inayunan ko na lang at baka kung saan pa mapunta sa oras na tumutol ako. Hinatid namin ang magsing-irog sa labas ng bahay kung saan naghihintay ang sasakyang inilaan ni Marcus na maghahatid sa dalawa. Nakapalibot pa rin ang mga lalaking security men sa palibot ng bahay. Agad silang bumabati sa akin sa tuwing makikita nila akong nakatingin sa kanila. Mayamaya pa ay bigla na lamang tumalikod ang mga ito kasabay ng paghigpit ng hawak ni Marcus sa kamay ko. At nang lingunin ko siya ay saka ko lamang na-reali

