KUNG ISA akong bomba, kanina pa siguro ako sumabog dahil sa kakatitig sa akin ni Marcus. Siya ang nagmaneho ng sasakyan gamit ang isang kamay niya samantalang ang isa ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Bitbit niya ang kamay ko sa tuwing kakailangan niyang gamitin ang isa niyang kamay. I tried to free my hand but it didn’t work. Ayaw niyang bitiwan. Mataman na lang akong nakatingin sa daan. Mayamaya pa ay itinaas niya ang kamay ko saka matunog na hinagkan. “Are you bored?” Ginalaw-galaw niya ang mga daliri sa magkasalikop naming mga kamay. “If you’re sleepy, you can lean on my shoulder. Music, gusto mo?” Inilagay niya ang kamay ko sa hita niya at pinihit ang stereo. Muli niyang binalikan ang kamay ko pagkatapos. Nilingon ko siya habang nakangiting nagmamaneho. Parang may nagtutulak sa

