HALOS ISANG oras akong inayusan ni Miss Kaye. Hindi ko alam na ganoon pala katagal ang pagme-make-up na sinasabi niya dahil noong um-attend ako ng JS Prom ay saglit lang naman akong inayusan ng isang baklang kilala ni Anika. Ni hindi ko nga tiningnan ang sarili ko sa sarili at kung kailan naibigay na ang mga larawan na kuha namin ay saka ko pa lang nagisnan. Sadya nga palang nag-iiba ang hitsura ng tao kapag nalalagyan ng kung anong kolorete sa mukha. “Then, your shoes,” mahinang wika ni Miss Kaye habang nakangiting nakatitig sa akin. Bago ko maabot ang malaking brown paper bag ay kusa na niya itong ibinigay sa akin. Muntik ng lumuwa ang mga mata ko dahil sa ganda niyon. Silver glass heels na maihahambing sa modern Cinderella shoes. “Miss Kaye… sigurado po ba kayo na para sa akin ‘to?”

