DUMILIM ANG paligid habang nagsasayaw kami. Nagmistula akong isang robot na sumusunod sa bawat indayog ng lalaking nakamaskara. Hindi aka magaling sumayaw subalit nagawa niya akong mapasabay sa ritmo na nais niya. The crowd became silent. Kanina lang ay napuno ng hiyaw ang buong paligid, ngayon naman ay ang musika na umaalingawngaw ang siyang tanging naririnig ko. Teka, the song seems familiar. Hindi ko tanda ang buong lyrics subalit hindi ako maaaring magkamali. Ang kantang iyon ay ang laman ng music app ni Kuyang Guard. Shocks. I can’t concentrate! Ano mang oras ay maaari akong mabuwal dahil pilit ko pang iniintindi ang lyrics. I want you to know… I love you the most… I always be there by your side Malakas akong napasinghap nang bigla niya akong hapitin. Our bodies collide just lik

