MARCUS “IT’S ONCE in a lifetime experience, Marcus. For sure, matutuwa ang Mommy at Daddy mo,” wika ni Vince. Kasalukuyan silang nasa tahanan ng mga Arguelles. “Bored ka na sa bahay ninyo, ‘di ba? Mukhang masaya magkalat ng lagim doon.” Nakangisi pa ito kasabay ng pagtaas-baba ng dalawang kilay. “Magkalat ng lahi, kamo,” sagot ni Lionel. “Kapag si Vince ang kasama mo, Marcus, tiyak na walang ‘di magandang mangyayari sa iyo.” Malakas na tumawa si Zein. “Iyon naman ang trip mo, Andrei, ‘di ba? Bakit ‘di ka sumama?” Mahinang tinampal ni Andrei sa balikat si Zein. “Isinali mo pa talaga ako. Hectic ang schedule ko kaya ‘di mo ako maaasahan diyan. Isa pa, proyekto ng pamilya ni Marcus ‘yan. Kayong dalawa ni Vince ang madalas na iniimbitahan nina Tito at Tita na samahan siya.” “How about you

