HANGGANG NGAYON ay mulat na mulat pa rin ang mga mata ko. Naumid ang dila ko nang makapasok kami ni Marcus sa loob ng bahay. Tila naestatwa ang buo kong pakiramdam dahil sa nangyari sa amin sa loob ng sasakyan. Parang ‘di ko alam ang nangyari. Masyado na ba akong nadadala sa isang dayuhang damdamin? Pagkatapos naming kumain ay inaya na ako ni Marcus na magpahinga sa silid…namin. As usual, sa ibang banyo siya nag-shower at bumalik na lang sa silid nang matapos siya. At ngayon na nga ay nasa tabi ko na siya at yakap-yakap ako. Narinig ko ang panatag niyang paghinga tanda na tulog na siya samantalang gising na gising pa rin ang diwa ko. Sakop na sakop ng malapad niyang katawan ang kabuuan ko. Napakislot ako nang bahagya siyang gumalaw, marahil ay nangalay ang isang braso niya na kinahihi

