KABANATA 10

1135 Words
BALIK ESKWELA na naman at mas ganado akong mag-aral dahil may lagi na akong kasama sa kubo. Si Snowy. Ang puti-puti niya kasi kaya mabilis madumihan lalo na kapag naglalaro sa lupa. Iniiwan ko siya sa bahay nila Anika kapag nasa eskwelahan ako at kukunin ko naman sa pag-uwi ko. Ramdam ko ang sigla sa paggising araw-araw dahil may umaasa na sa akin at si Snowy ‘yon. Hindi na ako nag-iisa. Hindi na rin ako natatakot na may umaali-aligid sa kubo dahil kay Snowy. “Zoie, halika!” malakas na tawag sa akin ni Anika nang pumunta ako sa maliit na kantina ng aming eskwelahan. Oras na ng aming recess. “Saan ka na naman ba nagpunta at ‘di kita makita kanina?” “Kinausap ko lang si Greg. Nagpapatulong sa assignment. Teka, saan ba tayo pupunta?” Nakasunod lang ako sa kaniya habang hila-hila ako. “Basta!” Sanay na ako sa ugali ng kaibigan kong bigla-bigla na lang akong dinadala kung saan-saan. “Fifteen minutes lang ang break time natin, Anika. Gusto ko ng kumain. Gutom na talaga ako.” Kape lang kasi ang almusal ko bago pumasok. “Sandali!” Bigla siyang humarap sa akin at may kung anong tinakip sa mga mata ko. “Muntik ko ng makalimutan ang piring!” Hindi ko na siya pinigilan pa. Lalo lamang tatagal kapag ginawa ko iyon. “Siguruduhin mo lang na matutuwa ako sa trip mong ‘to, Anika. Binabalaan kita. Mahirap kalaban ang taong gutom.” Hagikhik lang ang naging tugon niya. Mahigpit naman akong nakakapit sa kanya sa takot na matumba ako. Mayamaya pa ay napakunot ako nang marinig ang mga boses na bumubulong. Parang mga lamok na nagnanais na sumipsip ng dugo sa balat. “Ready ka na ba?” tanong ni Anika. “Anika – “ Natigil ako sa sasabihin ko nang isang pamilyar na boses ang biglang nagsalita. “Wait, Anika?” “Sandali lang, Zoie. Kaunti na lang.” Muli na naman akong sumunod sa kanya at tumigil sa paghakbang nang bitiwan niya ang kamay ko. May kung anong humawak sa braso ko kaya napapitlag ako. Ramdam kong dalawang malaking kamay iyon na saglit lang dumampi sa balat ko. It sent shivers on my spine. May kung anong init na dumaloy sa mga ugat ko. Happy birthday. Tila nanigas ang buo kong katawan. Kilala ko ang boses na iyon. Hindi ako maaaring magkamali. Dali-dali kong tinanggal ang piring sa mga mata ko saka mabilis na humarap mula sa likuran ko. “Happy birthday!” sumalubong sa akin ang pagbati ng mga kaklase kong nakapalibot sa akin. “Happy birthday, Zoie!” Nagpalakpakan pa sila. Birthday ko pala? Malamang ‘di ko na naalala dahil hindi naman ako nagdiriwang ng sarili kong kaarawan. Wala kaming kakayahan na maghanda ng kahit na ano noon dahil mas prayoridad ang pang-araw-araw naming pagkain. Bumungad sa akin ang isang mahabang mesa na punung-puno ng iba’t ibang pagkain. Napalunok ako. Hindi ako sanay na makakita ng ganoon lalo pa sa espesyal na araw ko. Isang simpleng pagbati lang ay sapat na sa akin. “Anika…” Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil sa sari-saring emosyon na nasa dibdib ko. Hindi ko alam kung ang dapat kong maramdaman. Isa itong kakaibang karanasan na ‘di ko alam kung paano iha-handle. “Maligayang kaarawan, Zoie!” muling bati ni Anika saka ako niyakap ng mahigpit. “Na-surprise ka ba?” Bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at pinahid ang luha ko sa mga mata. Bago pa man ako makapagsalita ay isa-isa ng lumapit sa akin ang mga kaklase ko sa akin kasunod ng mga guro ko na kanina pa pala nanonood sa kadramahan ko. “Kainan na!” malakas na sigaw ni Paul na sinang-ayunan agad ng iba ko pang kaklase. Magana at masaya kaming kumain. Pinakiusapan ni Anika ang mga guro namin na mag-extend sa canteen upang maubos ang lahat ng pagkain. Agad naman silang pumayag na lalo kong ikinatuwa. May mga regalo rin akong natanggap mula sa kanila na first time ring nangyari sa buhay ko. Walang humpay ang pasasalamat nila nang matapos kami at bumalik na sa aming silid-aralan. Hindi pa rin ako makapaniwala ngunit may agam-agam pa rin sa aking dibdib. Totoong napakasaya ko. Walang pagsidlan ang kaligayahang nararamdaman ko na dala-dala ko hanggang sa pag-uwi. “Zoie, alam ko masaya ka at masaya rin ako para sa iyo,” sambit ni Anika habang tinatahak namin ang daan. Ilang hakbang na lang ay malapit na namin marating ang bahay ng kaibigan ko. “Anika… alam kong hindi mo magagawang mag-isa ang lahat ng iyon kanina. Masaya ako, as in napakasaya ko talaga kasi… sa edad kong ito naranasan ko rin na i-celebrate ang birthday ko.” Nagsimula ng bumalong ang luha sa mga mata ko. “Ang saya pala sa puso na may mga taong kasama sa espesyal na araw ko. Pero… hindi ko naman gusto na mangyari iyon kung may mga isinakripisyo ko para sa akin.” Namilog ang dalawang mata niya saka sunud-sunod na napalunok. “Ano ba ang sinasabi mo, Zoie?” Mayamaya pa ay nakangiting kumamot sa ulo. “Hi-hindi naman ako ang naghanda ng mga iyon.” Tumungo siya na tila hiyang-hiya. “Ah- kuwan… ang Tita at Tito mo ang nagpadala ng mga iyon.” Biglang sumigla ang boses niya. “Nagulat nga rin ako kasi ayaw nila ipasabi sa iyo dahil baka raw ‘di mo tanggapin. Siguro bumait na sila dahil alam nilang makakapasok ka ng kolehiyo na hindi umaasa sa kanila. ‘Yon nga ‘yon!” “Sigurado ka?” “O-oo naman!” Umakbay siya sa akin. “Hindi nga rin ako makapaniwala e. Alam mo, kulang pa nga ang lahat ng ‘yon sa lahat ng ginawa nilang pangmamaliit sa iyo, e! Kaya hayaan mo na lang ‘yon. Ang mahalaga ay unti-unti na silang bumabawi sa iyo. Na-realize nila marahil ang lahat ng maling ginawa nila sa iyo o ‘di kaya ay minumulto na sila ng Lolo at Lola mo!” Pinagmasdan ko lang na tumatawa si Anika. Base sa mukha niya ay tila hindi naman siya nagsisinungaling pero… bakit parang may kulang sa sinabi niya? Tama! May humawak sa braso ko kanina saka ‘yong boses na narinig ko! “Sino nga pala ang humawak sa akin kanina habang nakapiring ako? Binati pa nga niya ako ng happy birthday, e.” Muli na namang napalunok ng sunud-sunod si Anika. “Si Paul ‘yon! Inaasar ka lang no’ng lalaking ‘yon. ‘Di ba nga may ceush ‘yon sa iyo?” Nagtaas-baba ang kilay niya. “Tara na, para makain natin ang tirang cake mo,” aniya na ikinatango ko na lang. Si Paul ba talaga ‘yon? Napailing na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD