KABANATA 7

1177 Words
SUNUD-SUNOD akong napalunok. Huli na para bawiin pa ang mga sinabi ko. Tila nagbagong-anyo ng lalaking nasa harap ko. Napagtanto kong totoo nga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi. Pakiramdam ko unti-unti ng hinihigop ng lupa ang dalawa kong paa. Ramdam ko rin ang malagkit na pawis ko sa noo. “Tama ba ang narinig ko?” muling tanong ni Marcus. “Sinabi mo bang bakla ako?” Nasa harap ko na siya at gahibla na lang ang distansiya ng mga mukha namin. Bahagya pa siyang yumuko dahil sa height difference naming dalawa. “Narinig mo bang sinabi ko ‘yon? Ang alam ko kasi kapag mayaman at maraming pera, walang diperensiya sa pandinig.” Yumuko na ako at pilit na itinutuon ang atensiyon sa kape kong malapit na yatang lumamig. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakaranas ng kakaibang takot na umaalipin sa dibdib ko ngayon. Parang may nagising mula sa natutulog na leon sa katauhan ni Marcus. Pabagsak na hinampas niya ang gilid ng mesa na ikinanlaki ng dalawa kong mata. Nakasunod ang paningin ko sa pag-angat ng tasang may lamang kape. “Ah!” sigaw ko ng malakas. Tiyak na mahuhulog ang tasa sa lupa! Mabilis kong ipinikit ang mga mata ko at tinakpan ang dalawang taenga. Alam ko na ang susunod na mangyayari. “Hey, what’s wrong?” aniya with a concerned tone. Marahang lumapat ang daliri niya sa ulo ko. “Hey,” ulit na sabi niya. Sabay akong nagmulat at inalis ang kamay ko sa taenga. “Tingnan moa ng ginawa mo! Nasayang na nga ang tinimpla kong kape, nabasag pa ang tasa ko! Ganyan ba talaga ang ugaling mayaman na taglay mo? Walang pagpapahalaga sa mga maliliit na gamit na mayroon tulad ng isang mahirap na tulad ko?” He squinted his eyes on me while gently biting his lower lip. Mayamaya pa ay umalingawngaw ang malakas nitong tawa. “What are you talking about?” Nakangiti siya habang titig na titig sa akin. “Wala naman akong sinirang gamit mo. Look,” utos niya. “Buo pa rin ang tasa mo na may lamang kape.” “Paanong – “ “Is it easy for you to give judgement without even knowing what’s really happened? Ganiyan ka ba talaga sa isang tulad ko?” Mahina siyang pumalatak. “Next time, siguruduhin mong kaya mong panindigan ang sinasabi mo.” Inilapit nito ang bibig sa taenga ko. “I can prove to you that I’m not what you’re thinking of.” Akma na niya akong tatalikuran nang bigla na naman niya akong bulungan. “Oh, before I forgot, I’m a real gentleman and you’ve been so lucky to meet someone like me.” He winked his eyes while smirking at me that I almost gasp for air. Mahina akong napaupo saka tinitigan ang tasa na wala pang bawas ang laman. “Magbibihis lang ako. Sure ako na hindi ako nagsusuot ng panty kaya wala kang dapat ipag-alala.” Nang maramdaman kong wala na ang presensiya niya ay mahina akong napaupo saka tinitigan ang tasa na wala pang bawas ang laman. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko! It’s his first time to smile at tila isang milagro na makita siya sa ganoong anyo. Para akong namamalikmata. Napakalayo sa lalaking pinasahan ko ng registration form na halos manuklaw na ang mga mata nito sa pagtitig sa akin. Akala ko ba babae lang ang mahirap ispelengin? Lalaki rin pala! Mayayamang lalaki! Akala mo kung sino, dinaig pa ang babae sa pabagu-bago ng ugali! Akala mo nireregla! Inabot ko ang tasa at saka dinala sa labi ko. Hindi ko inasahan ang init niyon kaya bigla kong nabitiwan. “Aray,” ani ko kasunod ng pagsipat sa daliri kong natapunan. “Malas na nga sa buhay, malas pa sa buwisita!” “What did you say?” Narinig kong sinara niya ang pinto ng banyo. “Ano na naman bang masasamang salita ang sinasabi mo tungkol sa – “ Natigil ito na sinundan ng malalaking hakbang. “Ano’ng nangyari?” Huli na upang makapagsalita ako dahil hawak na niya ang kamay ko saka mabilis na hinihipan ang daliri kong napaso. “Masakit ba? Ha?” Malalim akong napalunok. Marahang dumadampi sa balat ko ang hininga niya na naging dahilan upang maglakbay ang tila boltahe ng kuryente sa mga ugat ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at napadako sa walang saplot na dibdib ni Marcus. Mamasa-masa pa iyon, kitang-kita ang butil-butil na tubig samantalang galing na ito sa pagbibihis sa banyo. “Bakit hindi ka nag-iingat? Pati mainit na kape, kinakalaban mo,” aniya na bagama’t mahina ang boses ay malakas kong narinig. Sunud-sunod kong nilunok ang laway ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkauhaw. Nang tingnan ko si Marcus ay nakatingin pala siya sa akin. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya. “Ano ba? Bakit ka ba bigla-biglang nanghahawak ng kamay?” sita ko. Ayaw kong ipahalata ang naging epekto niya sa akin. “Natapunan lang naman ako ng kape, malayo sa bituka. Masyado kang matatakutin.” “Worried lang ako sa iyo because I’m a real gentleman. And a real gentleman knows how to take care a woman lalo na kung dalawa lang sila sa isang kubo.” Tumiim ang mga mata niya. “Oo na! Gentleman ka na. Now I know na requirement pala sa isang mayamang lalaki ang maging gentleman para nga naman ‘di kahiya-hiya o ‘di kaya panakip-butas lamang iyon sa tunay na katauhan?” Sinadya kong itaas ang isa kong kilay. “Hayaan mo, ikukwento ko sa mga taga-rito sa amin ang pagiging maginoo mo para sa susunod na makita ka nila ay luhuran ka na nila.” Tumayo ako at tinungo ang pinto. Hindi ko na kakayanin pang tagalan ang presensiya ng lalaking walang kasing tayog ang yabang sa sarili. Hindi porke’t naging concern siya sa akin ay kailangan na niyang ipamukha na gentleman siya! Akala niya siya lang ang lalaking ganoon sa buong mundo! Tutal nakaligo na rin naman siya, tiyak na aalis na rin ang lalaking iyon. Siguro naman ‘di na siya maliligaw sa pag-uwi dahil umaga na. Kailangan kong pumunta sa bahay nila Anika. Tutulong ako sa pagtatanim nila ng pinya upang magkaroon ng maiimbak na pagkain. “Isara mo na lang ang pinto – “ Biglang akong natigilan sa paghakbang nang tumambad sa akin ang tatlong lalaki na pare-parehong nakapamulsa ang mga kamay. “Ano ang ginagawa ninyo rito?” Sabay-sabay na humakbang ang mga iyon nang muling umingit ang kahoy na pinto ng kubo ko at iniluwa ang kaibigan nilang nakabihis na. “Guys, paano ninyo nalaman na narito ako?” tanong ni Marcus matapos akong sulyapan. “Dito ka pala nagpalipas ng gabi, Marcus?” ani ng lalaking kumindat sa kanya “Yeah. Dito napadpad ang kapalaran ko.” Nakunot ang noo ko sa narinig. “Mabuti naman at dumating kayo. Kunin ninyo na ang kaibigan ninyo para naman matahimik na ang buhay ko,” turan ko sabay tulak kay Marcus sa harap ng tatlo niyang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD