GUMAAN ANG ang pakiramdam ko sa halos isang oras na pagbabad sa bath tub. Nakakatulog na nga ako dahil sa walang katapusang pagkukwento ni Angie. Ang sabi niya hihintayin niya akong matapos maligo subalit labing-limang minuto pa lang ang lumipas ay bigla na siyang pumasok sa loob ng malaki at malawak na banyo kung saan nakababad ako sa bath tub. “Alam mo, Madam Zoie, sa tagal kong nagtatrabaho rito ay ngayon lang ako talaga na-excite ng todo! As in walang break, walang kambiyo!” aniya with matching pagkumpas ng dalawang kamay. Kinurap-kurap ko ang mga mata ko. Muntik ng matulig ang taenga ko sa boses niya pero nang titigan ko siya ay napangiti na lang ako. Nakakatuwa ang expression ng mukha niya habang nagsasalita. “Sa wakas, magkakaroon na ng kulay ang bahay na ito dahil sa p

