“Jessy!” Paglingon ko sa tumawag sa akin na si Kuya Trey, p-in-icture-an niya ako bigla gamit ang DSLR camera niya. Tawa sila nang tawa ni Kuya Dexter nang tiningnan nila ‘yung itsura ko sa picture. Leche talaga ‘tong dalawang ‘to! “Daddy, oh! Si Kuya Trey nga nang-aasar!” pagsusumbong ko. “Tigilan mo kapatid mo, Trey. Alam mo namang pikunin yan,” sabi ni Dad at tumawa. Argh! Kainis! Wala talaga akong kakampi! Paalis na kasi kami papuntang Batangas. Suot ko ngayon ‘yung white na dress na binili ko kahapon no’ng nag-mall kami. Tapos siyempre, Keds shoes, summer hat kahit na hindi summer at black na sling bag. Nasa compartment naman na ng van ‘yung baggages namin. “Let’s go, guys! The sun is rising! Traffic na mamaya,” Daddy said. Nang pasakay na ako sa loob ng sasakyan, tinawag naman

