“Kuya!” bati ni Tita Elena kay Dad at saka yumakap. “Elena! Kumusta kayo dito?” tanong ni Dad nang kumalas sila sa yakap. “Maayos naman kami. Si Nanay, gano’n pa rin. Hinahanap-hanap pa rin si Jessica,” sagot ni Tita Elena kay Dad. Mabilis naman akong napalingon nang marinig ko ‘yon, pero mukhang hindi naman nila napansin na naagaw nila ang atensiyon ko. Ako ba? Bakit naman ako hahanapin ni Lola? “Halos labing-anim na taon na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay nangungulila pa rin siya dito,” dagdag pa ni Tita Elena. Ano daw? Ano bang sinasabi nila? Bakit naman mangungulila sa akin si Lola, eh halos isuka nga ako n’on kapag nandito ako? Nagulat ako nang may biglang umakbay sa akin at hinila ako. “T-Tara na sa loob Jessy!” sabi ni Kuya Trey. Tumingin ako sa kan’ya at nakita ko

