“Nasasaktan na si Jessy. Itigil mo na ‘to.” “Hindi pwede. Ayoko lang namang mangyari kay Jessy ang nangyari sa kapatid ko. Natatakot ako.” “Iba si Jessy kay Jessica. Pwede bang tanggalin mo na yang takot sa puso mo? Nadadamay na ang bata!” Nakita ko si Mommy na nasa living room habang ka-Skype si Daddy. Nakita ko rin na nagulat siya nang makita ako do’n. “K-Kanina ka pa ba d’yan?” Umiling lang ako bilang tugon bago kumuha ng pagkain para kumain ng breakfast. It’s been three days simula nang mangyari ang sagutan namin ni Kuya Dexter at hanggang ngayon, wala akong kinakausap sa kanilang lahat. Kahit sino. Para na nga rin akong pipi dito dahil ayoko talagang magsalita. Ayoko muna silang makita o makausap kaya madalas ay nagkukulong na lang ako sa kwarto para maiwasan ko sila. Nang matap

