“Bilisan mo gumayak, Kuya Dex! Uuwi na tayo!” sigaw ko habang nasa harap ako ng CR sa ibaba. “Wew! Masyadong excited. Bakit kaya?” bulong ng bagong gising na si Kuya Miko habang naglalakad at hinahalo ang itinimpla niyang Milo. Inirapan ko lang siya. It’s been three days simula nung mapadpad dito si Buraot. Pasalamat ako at natagalan ko siya habang nasa iisang bahay lang kami. Lagi na lang kaming naghahabulan dito dahil inaasar niya ako. “Ganyan ka ba kasaya na aalis na kayo sa bahay ko? Ibang-iba talaga ang ugali mong bata ka,” sabi sa akin ni Lola. “H-Hindi nam—” “Bueno! Mainam na ‘yun nang walang nagpapainit ng ulo ko,” dagdag pa ni Lola. Napabuntonghininga na lang ako. Sa dalawang linggo ng pamamalagi ko dito, wala man lang nagbago sa pakikitungo sa akin ni Lola. Ganoon pa rin. G

