“Ibigay mo sa akin ang cellphone at laptop mo, pati iPad.” Hindi pa man ako nakakaupo sa upuan para kumain ng agahan ay ‘yan na kaagad ang bungad sa akin ni Kuya Dex. Hindi nga rin niya ako tinapunan ng tingin, e. Tulad ng sinabi niya, kinuha ko sa kwarto ko ang mga gadget ko at ibinigay sa kan’ya. Pagkatapos noon ay umalis na siya para pumasok. Hindi pa kasi ako pwedeng pumasok hanggang Wednesday dahil suspended ako. “You’re dad wants to talk to you,” sabi ni Mama na nasa living room habang nakaharap sa laptop. Bigla akong kinabahan. Tumayo si Mommy at ako naman ang naupo sa harap ng laptop. Nakita ko na kaagad ang galit na expression ni Dad. “How could you do this to us, Jessy?!” maawtoridad na sabi niya. Nangilid kaagad ang luha ko. “Hindi ka ba makapaghintay hanggang sa mag-eight

