“Balita ko, required daw lahat na um-attend sa JS Prom ng school n’yo, Dex,” rinig kong sabi ni Mommy. Nandito pa lang ako sa hagdanan ay naririnig ko na silang nag-uusap kaya naman tumigil ako sandali at pinakinggan lahat ng pag-uusap nila. “Yes, Mom. But that doesn’t mean na lahat ng estudyante, makaka-attend. Siguro may mga mangilan-ngilan din na hindi aattend.” “Ibig mo bang sabihin ay hindi mo papayagan ang kapatid mo?” Hindi sumagot si Kuya. “Dex, I think, that’s too much for her. Minsan lang mangyari ang prom, bakit ‘di mo pa payagan? You see, kung ako ang tatanungin, papayagan ko pa rin siya.” “Mom, kulang pa ‘yan sa ginawa niyang panloloko sa ating lahat! At ano ba naman ‘yung hindi siya um-attend ngayon, pero next year, papayagan na siya, ‘di ba?” “Dex, nagmahal lang naman

