Dumating ang gabi ng JS Prom at hindi ako masaya kahit na halata namang lahat ng nandito ay masaya. Bantay-sarado ako ng limang lalaki na kasama ko. Ang sabi ni Kuya Dex ay hindi ako pupwedeng lumapit kay Jasper kung hindi naman kinakailangan. At dahil siya ang escort ko, magkakasama kami mamaya kapag naglakad kami sa buong auditorium kasama ang ibang muse and escort ng ibang grade and sections. Unang tinawag ang class namin kaya naman tumayo ako para salubungin si Jasper na naghihintay na sa grand entrance. Pero bago pa man ako makaalis ay pinigilan na ako ni Kuya Dexter. “Yung sinabi ko sa ‘yo, Jessy.” Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung magagawa ko ‘yung pinapagawa nila, kahit na alam ko namang kapag hindi ko ginawa ‘yon, maaaring gawin nga ni Daddy ‘yung sinabi niya. Nang mahaw

